CHAPTER 12 : Roaming Around

2 3 0
                                    

Roaming around

-

Kumain ako ng kumain at Oo, ako ang may first honor na medal kasi madali akong natapos sa pagkain.

Samantalang silang dalawa, kalma lang kung kumain kaya nung natapos na ako sa pagkain tumahimik nalang ako at pinapakinggan ang pagnguya nila. It feels unfamiliar, I'm like watching a slow motion movie trailer, which means, a boring trailer na mauumay ka talaga kaka-watch.

Grabi para silang uod kung kumain dahil sa bagal. Tsaka ang lakas kumain ng vegetables ni Ally. Kainis. Bakit ako yung nandidiri? I don't eat vegetables like yung buong plato talaga filled with vegetables. Usually sa bahay sabaw lang pero vegetables, that's a big NO!  I don't know, but I really don't feel it's taste.

Wag na nga lang tumingin! Iniwas ko ang tingin ko sa kumakain na si Allyiah at yumuko.

Wala talagang nagsasalita. Ganito na talaga tradition nila sa tuwing kumakain, walang magsasalita. Bakit sa amin hindi?

“Hello? Pwede bang tumayo na ako? Kasi tapos na ako e.” pagbasak ko sa katahimikan nila at halos sabay silang napatingin sa akin kaya napaupo ulit ako mula sa pagkakatayo.

Sabi ko nga, behave. Hindi talaga uso dito ang mag-ingay kapag kumakain. Sa amin kasi, sa bahay, sa hapagkainan lang kami nagkikita-kita kaya doon na namin nilalabas pagkakamustahan namin. Kung sabagay, wala naman kaming dapat pag-usapan kaya shut up na lang ako.

“Pwede naman. You can roam around for 30 minutes. After that, balik ka na sa room mo.” sabi nung Jonathan at nilapag sa lamesa ang kutsara at tinidor niya at tumayo.

“Halika, I'll lead you your way.” aniya.

Napatayo naman ako at sumunod sa kanya. Si Ally ay nagpatuloy lang sa pagkain na parang wala lang.

“Balik ka after 30 minutes, you must not miss any class, okay?” paalala niya, damn, he's like my father!

Tumingin lang ako sa kanya. Doon ko na talaga nakita ang whole face niya kasi wala siyang mask. May maganda siyang mukha na almost perfect na talaga. Ang height niya, bagay sa mukha at katawan niya. He looks like a real bodyguard!

“Maraming Salamat po, Mr. Jonathan.”

He chuckled, “That's too much, I prefer Mr. Nathan. Don't call me my whole name.” aniya at ginulo ang buhok ko.

Bigla namang sumakit ang ilong ko dahil sa tuwa. Damn, I miss Daddy so much!!

Gusto ko sana siyang yakapin pero ngumiti nalang ako.

Tumalikod ako at pumunta sa malaking gate palabas just like what Mr. Nathan said. As usual, maraming tumingin sa akin, lalo na ang mga dead creatures. Inaansayo ko pa ang sarili ko paano ma-conquer and fear ko sa mga 'to.

Nang makalabas na ako sa malaking gate ng school, napanganga ako sa sobrang ganda. Ang lawak ng school highway! Agad kong hinanap ang Green rose. It's pretty cool kaya yun ang una kong pupuntahan sa first roaming around ko ngayon dito sa labas.

Andun!

Napangiti ako nang makita ko ang libo-libong green roses na nakalinya sa malaking garden na nasa malayo.

Agad akong tumakbo papunta doon at nagulat ako nang may biglang humarang sa akin na babae. Putlang-putla ang mukha niya.

Napahinto naman ako sa gulat at napatingin lang sa kanya ng diretso.

“Hi, pupunta ka ba sa flowers na yun?” malambing niyang tanong sa akin kaya napatingin naman ako sa tinuro niya, hanggang sa makita ko ang kamay niya, parang... M-My goodness! S-She's dead!

University Of SecretsWhere stories live. Discover now