CHAPTER 2 : Nice to meet you too.

11 5 0
                                    

Nice to meet you too.

-

Umagang umaga nakahiga lang kayo! Bangon naa!!!!” napabangon ako sa malakas na sigaw na yun.

Nandito si Mama???

Agad akong bumaba sa kama at mabilis na tinahak ang kusina pero wala akong nakita. Napabuntong hininga nalang ako.

Biglang may tumunog sa loob ng Room ko at bumalik na naman ako dun. Aish! Seriously. Parang same na sound kanina. Hindi ko ma-determine parang ang hina ng voice sa loob ng kwarto ko.

Umagang umaga  nakahiga lang kayo! Bangon naa!!!” halos mapatalon ako nang nasa pintuan na ako sa gulat.

Nakita ko ang phone ko na umiilaw, seems like someone's calling. And I realize na ringtone yun sa upcoming calls sa phone ko.

Napa-face palm ako. What a hilarious ringtone. Akala ko ano na! I open my phone and I see 3 missed calls. Si Papa ang nag-missed call.

Napatawag ulit, hindi ko na hinintay na tumunog ang ringtone dahil nakakabingi.

“Pa,"

“Good morning, Nak! Sorry sa ringtone, hehe alarm clock ko kasi yan dito, hindi pwedeng ako lang may ganyang alam clock dapat ikaw din.” Sabi niya sa call na parang kanina pa siyang atat na atat na matawag ako.

Sabi ko na nga ba, siya may kagagawan nun. Yung ringtone ko Westlife songs hindi boses ni Mama.

Siguro sa bahay sinisigawan siya ni Mama kasi, you know, nagmana ako sa katamaran kay Papa.

“Nak, gising na, maligo ka na at kumain na rin. Yung mga lulutuin mo nasa ref, at may mga naluto na rin dun, tsaka yung patis, mga sauce at iba pa ay na' sa kabinet sa kusina, handa na yan lahat.” sabi ni papa sa kabilang linya, he's too caring.

Napangiti ako, kinikilig ako kay Papa. Siguro kaya in love na in love si Mama kahit nakakainis si Papa minsan dahil sa pagiging responsible at caring ni Papa. Even for so many years, it never fades away.

“Hon, wala ka bang ipapaalala kay Mira?” Papa ask Mama,feel ko may ginagawa si Mama kasi ang layo ng voice niya base lang sa naririnig ko sa background.

The same kami ng nickname name ni Mama kaso yung  complete name ko combination ng name nila.

“Be safe. And by the way, may mga manuals sa pagluto ng mga favorite foods mo sa ilalim ng kabinet ng mga damit mo, get that. Read and follow the instructions. Ingredients isn't your problem anymore dahil nag-stuck ako riyan, good for 4 months. Yun lang.” paalala naman ni Mama kaya tumango ako.

“Opo, thank you. Love you!” sabi ko pa sa kanila at napatawa sa sarili. Kailan ka pa naging sweet sa kanila, Almira?

“Sweet mo nak, ah. Na miss tuloy kita.”

“OA mo, Pa. Nagkasama pa tayo kahapon.”

“Pero iba talaga kung kasama kitang kumain ngayon.”

Napabuntong-hininga ako. Sabagay, tama si Papa. Hindi pa ako kumakain pero parang nawawalan na ako ng gana.

“Sige na nak, baka ma-late ka. 8 PM ang class niyo, bye!” and He hanged up the call.

I miss them already. Hays, should I go home? Nasaulo ko naman yung daan kahit inaantok ako kahapon sa biyahe but I know where to go back there!

Napatango ako sa idea ko, ang talino ko talaga!

Naligo ako at nagbihis. Sinuklayan ko ang buhok ko, at pumunta ako sa kusina, deretso sa ref at nakita ko ang mga slicebread at mga palaman doon. In short, the ref is really full. Parang tataba na ata ako nito!

University Of SecretsWhere stories live. Discover now