CHAPTER 29 : SMALL STEPS

0 2 0
                                    

Dedicated to @Jay-ann

Small Steps

Hindi kami nagkibuan ng ilang oras at binalot ang buong paligid ng nakakatakot na katahimikan. Ang tanging ingay lang dito ay ang nakakapangilabot na kanta ng mga insekto sa gabi. Wala naman akong ibang choice kundi pakinggan sila kasi may tainga naman ako.

And because of that unusual silence, I concluded one thing. We can't really be friends. The three of us can't be. This two are so different. They're hard to become friends with, they set their standards too high that no one can possibly reach it.

Bumuntong-hininga ako at niyakap ang sarili ko dahil sa lamig dito sa labas. May malamig na hangin na patuloy na humahaplos sa katawan ko. Wala rin akong jacket na nadala. Pajama at T-shirt lang ang suot ko ngayon. Hindi ko naman kasi alam na uupo at makikisama pala ako sa dalawang 'to na ang hirap pakisamahan.

Tiningnan ko sila pareho. Wala talagang planong magsalita sa dalawa.

Si Zhyrheil nanatili lang nakatingin sa malayo. Si Allyiah naman nakatingin lang sa may garden. They both are thinking about something I really don't know. I hate this kind of silence, so, I will make a move.

“Sa tingin niyo, may magpapakita pa kayang demons dito?” tanong ko para basagin ang katahimikan naming tatlo rito. Sabay naman silang napalingon sa akin at nakakunot ang noo.

“Pinagsasabi mo?!” sabay nilang tanong sa akin.

I got their attention. Mission accomplished!

“Nagtatanong ako. Wala akong sinabi.” sagot ko at tumingin sa lupa. Akala niyo ah, nakakainis kayong dalawa. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan tapos hindi niyo ako kikibuin.

Senermonan nila ako kung bakit daw ako nagtatanong ng ganyan sa labas ng bahay at sa kalagitnaan a ng gabi.

“Whatever. Ally, sit to her left side.” utos ni Zhyrheil kay Allyiah kaya inis ang mukha niyang nilingon si Zhyrheil.

“As if I'll sit.” pagmamatigas niya.

Naramdaman namin ang pagtayo ni Zhyrheil kaya napaangat ang tingin namin sa kanya. Ang tangkad niya ba naman. Masakit sa leeg kung magtatagal ang pag-angat ng tingin.

“We better go inside.” sabi niya ng may tonong napakaseryoso na kahit sinuman sa amin ay ayaw nang pilosopohin siya ng pagsagot.

I was about to stand up and approach Ally when she suddenly stated, “No, You guys go first. I'll stay here for awhile.”

“Ako rin. I can't leave her here alone.” sabi ko at ngumiti ng palihim.

“I don't need you to accompany me.” bigla niyang sabi habang nakatingin parin sa malayo kaya nawala ang ngiti ko. Grabi naman 'to. Malas mo naman sa 'kin dahil matigas ulo ko, for real.

“I don't care if you don't need me. I want to accompany you wether you like it or not.” pagmamatigas ko at umupo sa gilid niya.

“Stubborn girls.” matigas na ani ni Zhyrheil at nabigla ako nang tumabi siya sa akin ng ganoon parin ang layo, mga 2 meters. Takot ba 'tong may tumabi sa kanya? Kaloka.

“Oh? Kala ko aalis ka na?” pag-eechos ko kay Zhyrheil.

“I changed my mind. I remember it's full moon, so let's watch it together.” sabi niya at bumalik ang tingin sa taas habang ang mga kamay niya ay nasa likuran na nagsisilbing haligi niya para hindi siya matumba.

“Kaya pala madilim.” sabi ko at tumingala nalang din sa langit.

Kahit pala madilim maganda parin tingnan ang kalangitan. Siguro, maa-appreciate mo lang talaga ang bagay kung masaya ka. Kasi kung malungkot ka, parang lahat walang halaga. At kung masaya ka naman, kahit ang pinakamadilim na bahagi ng mundo para sa iyo may halaga.

University Of SecretsWhere stories live. Discover now