Part 22: For Love or For Mission?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ngunit ang sa akin ay ibang kwento, paano ko tatanggapin sa aking sarili na ang lalaking nagugustuhan ko ay ang lalaking kailangan kong patayin? Bakit ba kasi umabot sa ganito ang lahat? Magulong magulo na ang isipan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko," ang sagot ko at hindi ko naiwasan pang umiyak.

Walang nagawa si tiya Marine kundi ang yakapin ako ng mahigpit, "ang sitwasyon mo ay talagang mahirap. Ang lahat ng bagay na involve ang puso ay nagiging komplikado. Handa ka bang ipaglaban ang nararamdaman mo kay Ryou at talikuran ang iyong misyon? Or handa ka bang igive up ang nararamdaman mo kay Ryou upang isagawa ang mga bagay na dapat mong gawin? Alam mo, nasa iyo pa rin ang desisyon at ako ay nandito lamang para sumuporta."

"Paano ko malalaman kung tama ang naging desisyon ko?" tanong ko sa kanya

"Alam mo, nagiging mali lamang ang isang desisyon kapag hindi mo ito napanindigan," ang sagot niya.

Natahimik ako at napatingin sa kalakawan ng karagatan. Kapag kasama ko si Ryou ay masaya ako at ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Habang nakatingin ako sa mukha ni Ryou ay sumasagi sa akin isipan na hindi ko kayang gawin ang aking misyon. At ang saktan siya ay tiyak magdudulot rin ng sakit sa aking pagkatao.

Habang nasa ganoong posisyon kami ni tiya Marine ay mayroon isang nagliliwanag na isa ang lumalangoy sa aming direksyon. Lumutang ang isda sa aming harapan at maya maya ay tumingin ito sa amin.

"Ang isdang iyan ay ang mensahero ng mga elder mermaids. Tiyak na mayroon silang gustong sabihn sa iyo," ang bulong ni tiya Marine.

Nagtaka ako dahil sa tagal ko sa ilalim ng karagatan ay ngayon ko lamang nalaman na mayroon palang mensahero ang mga elder mermaids.

At hindi nga siya nagkamali dahil maya maya lamang ay biglang nagsalita ang isda. "Huwag kayong mag alala dahil kayo lamang ang nakakakita at nakakarinig sa akin. Mayroon akong mensahe para sa iyo Yuelo."

"Ano iyon ginoong isda?" ang tanong ko naman.

"Pinapatawag ka ng mga matatandang gabay, nais nilang marinig ang report sa mga kaganapan sa iyong misyon. Mamayang gabi ay hihintayin ka ng mga elder mermaids sa ating abode, Tsunaria," ang sagot ng nagliliwanag na isda.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon, "maraming salamat. Umasa kayo na darating ako mamayang gabi," ang sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon, sana ay mayroon kang magandang balita mamaya. At masaya akong makita kang muli Marine. Hindi ako makapaniwalang buhay pa ang isang pasaway na katulad mo," ang hirit ng isda.

"Well, I live my life the way I wanted. Ayokong matulad sa ibang mga mermaid na namatay nang hindi man lang nagagawa ang mga bagay na gusto nila. At ayokong mawala sa mundong ito ng malungkot," ang sagot ni tiya Marine.

"Okay fine! Wish you luck darling!" ang sagot ng isda at bago umalis ay humarap pa ito sa akin. "Mamayang gabi Yuelo, ihanda mo ang sarili mo! Panget nito!" dagdag pa ito sabay dive sa ilalim ng tubig.

"Ngayon ka lang naka encounter ng isdang nagsasalita?Pintasero hano?" tanong sa akin ni tiya Marine.

Natawa ako, "Oo, at sa tingin ko ay hindi siya ganoon ka friendly."

"Karaniwan sa mga nagsasalitang isda ay hindi masyadong friendly dahil feeling nila ay superyor sila. By the way, sigurado ka bang pupunta ka doon mamaya?" tanong niya sa akin.

"Kailangan kong magpunta at humarap sa kanila. Ayokong isipin nila na tinatakasan ko ang aking obligasyon," ang sagot ko sa kanya.

Hinawakan ni tiya Marine ang aking kamay, "Mag iingat ka Yue. Ang tangi mo lamang magagawa ay huwag magpalahata sa kanila na ikaw ay may pagtingin kay Ryou."

Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Noong mga sandaling iyon ay lumulukob ang kaba sa aking dibdib. Pakiwari ko ba ay huhukuman ako ngayong gabi. "Gagawin ko ang best ko para ma-convince sila na ginagawa ko ng maayos ang aking misyon."

At iyon ang set up, noong sumapit ang sunset ay tumuntong ako sa pinakamataas na batuhan ng karagatan. Huminga ako ng malalim at nag dive dito. Mabilis na nagliwanag ang aking hita at unti unting lumabas ang aking pilak na buntot.

Mabilis akong nag langoy patungo sa Tsunaria na aming bagong tahanan. Dati pa rin ang karagatan, walang nagbago dito magbuhat noong umalis ako patungo sa high ground.

Pagdating ko sa tarangkahan ng Tsunaria ay agad akong sinalubong ng mga kalahi kong merman at agad nila akong dinala sa himpilan ng elders.

Pagpasok ko pa lamang dito ay nakaabang na agad ang mga elders kasama ang maraming mga sirena na naghahangad ng hustisya para sa kanilang namatay na kaanak dulot ng pagkalat ng lason sa Liquara.

Noong makita nila ako ay napahinto sila sa pagkilos at ang lahat ay natahimik na para bang mayroon akong masamang ginagawa. Pero gayon pa man ay nilakasan ko ang aking loob at dumiretso ako sa gitna ng bulwagan.

"Yuelo, nais naming malaman kalagayan ng iyong misyon. Dahil naiinip na ang ating mga kalahi, sila ay nananabik na sa hustisya," ang pagbati ng elders.

"Ginagawa ko ng maayos ang aking misyon. Ang aking plano ay maging malapit kay Ryou Guerrero, kapag nagawa ko na ito ay madali ko na siyang mapapatay," ang sagot ko sa kanila.

"Kailangan pagbayaran ni Ryou Guerrero ang kanyang kasalanan. Maraming mga kalahi natin ang nag aasam ng hustisya. Huwag mo silang bibiguin, Yuelo."


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon