"Kaya nga nagpakamatay no'n si Angelica, e."

"Hindi kaya si Angelica rin ang pumatay kay Nico at Connie?"

"Huh? Paano naman nangyari 'yon? Gaga ka talaga!"

"Wala lang. Naisip ko lang na baka naghihiganti si Angelica kaya namatay 'yung dalawang 'yon."

"Kung sa bagay, may point ka. Pero sayang, no? Ikakasal sana 'yung dalawang 'yon."

"Tara na nga!"

Napaayos ako ng tayo sa may pintuan nang makita ang dalawang babae na nag-uusap. Gulat ang mga mukha nila nang makita akong nakatayo doon.

"H-hi Aya!" sabi nung isa.


"K-kanina ka pa d'yan?" tanong naman nung isa.

"Hindi. Kakarating ko lang. Bakit?" tanong ko.

"Uh, w-wala, wala... Sige, mauna na kami." Sabi nung isa at hinatak na ang kasama niya. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo at nilock ang pinto. Pumunta ako sa isang cubicle. Binaba ko ang takip ng inidoro para makaupo ako.

Bigla kong naalala ang mga katarantaduhang ginawa naming magbabarkada noong highschool pa kami. Si Angelica Bermudez ang kaaway ni Connie. Hindi naman talaga galit si Connie kay Angelica nung una, e, pero nang malaman niyang anak pala ng daddy niya si Angelica sa labas, talagang nagalit siya rito dahil si Angelica raw ang dahilan kung bakit umiiyak ang mommy niya tuwing gabi dahil ang papa niya na si Tito Chris ay umuuwi kina Angelica at hindi sa kanila.

Nung una si Connie lang ang nantitrip kay Angelica. Pero nang makasanayan nila ni Nico ang pambubully kay Angelica, nagsunud-sunod na ang mga barkada. Hanggang sa lahat kami ay napagtripan na si Angelica.

At 'yung araw na ipinagkalat ni Connie ang balitang hindi na nga raw virgin si Angelica. Hindi ako pumayag sa gusto ni Connie na ipagkalat ang balitang alam naman naming hindi totoo at gawa-gawa lang.

Kaya hindi niya ako pinansin ng halos isang buwan. Kapag magkasama ang barkada, hindi kami nagpapansinan. Parang wala siya Jennifer na nakikita at ako naman ay walang Connie na nakikita. Nabalitaan na lang namin isang araw na natagpuan ang nabubulok na katawan ni Angelica sa kanyang kwarto.

Hinilamos ko ang buong kamay ko sa aking mukha. Hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin 'yon. Bumuntong-hininga ako.

Tatayo n asana ako para makabalik na sa table namin nang bigla kong mapansin ang isang maruming paa at may dugo-dugo pa na kita ko dahil sa butas sa ilalim ng pinto ng cubicle na kinalalagyan ko.

Kumunot ang noo ko. "May tao ba d'yan?" tanong ko.

"Kung sino ka man, miss, tinatakot mo na ko dahil ang paa mo ay marumi at dumudu—AHHHHH!"

Napasigaw ako nang pagtingala ko ay may nakita akong mukha ng babae na nakadungaw sa  butas sa taas ng pinto ng cubicle. Napasandal ako sa inidoro at napakapi dito. Tumulo ang dugo na galing sa kuko niya sa pinto ng cubicle.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Napapikit na ako sa sobrang takot. Ilang sandali ang lumipas, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Wala na ang babae na nakadungaw sakin. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng cubicle at nakitang walang tao.

Maglalakad na sana ako palabas ng banyo nang biglang may kung anong tumulo sa sahig. Yumuko ako para mas lalo ko itong makita. Kulay pula 'to... Napahawak naman ako sa buhok ko nang may tumulo ulit rito. Dinampi ko ang daliri ko rito at t nanliliit ang mga mata ko nang tingnan kung ano ito.

"Teka, dugo ba 'to?" sabi ko sa sarili ko.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahan na tumingala sa kisame, laking takot ko nang makita ang babaeng nakadungaw kanina sa cubicle ko ang nadapa at nakabaligtad ang ulo doon sa taas.

Agad na akong tumakbo palabas ng banyo nang may makabangga ako, "S-sorry..." sabi ko. Mabilis pa rin ang bawat paghinga ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko.

"Aya?" tanong nung nakabangga ko. Tiningnan ko ito at nakita si Liam.

Magsasalita na sana ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong hinanap sa maliit na bag na dala ko at nang makita ito ay agad na sinagot ang tumatawag.

"Julianna!"

Nalaman kong boses iyon ni mama. "Bakit po?"

"Ang kapatid mo, si Jonas! Nasa ospital! Sinugod namin siya sa ospital, anak." Sabi ni mama, umiiyak.

"P-po? Anong nangyari? Saan pong ospital?" ninenerbyos kong tanong. Hindi sinabi ni mama kung ano ang nangyari sa kapatid ko pero sinabi niya naman kung saang ospital sila nandoon.

***

Nagpahatid ako kay Liam sa ospital kung saan naka-confine ang kapatid kong si Jonas. May kalayuan ang ospital sa school naming kaya medyo matagal rin ang naging byahe namin.

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse ni Liam nang bigla siyang magsalita. "Ano ba talaga ang nangyari, Aya? Bakit kailangan mong umalis sa reunion at pumunta ng ospital? May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Tiningnan ko siya.

"Nasa ospital si Jonas." Simple kong sagot at binalik ulit ang tingin sa labas ng bintana.

"Bakit?" tanong niya ulit. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit at dahil do'n ay talagang ninenerbyos na ako.

"E, bakit nung lumabas ka sa banyo, e, parang takot na takot ka at nakakita ka ng multo?" sabi ni Liam.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ni Liam. "Natatandaan mo ba si... A-angelica Bermudez?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ni Liam pero hindi siya tumigil sa pagdrive. "S-si Angelica? 'Yung kaaway ni Connie?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo. 'Yung p-pinagtitripan natin nung highschool na nagpakamatay dahil pinakalat ni Connie 'yung balitang hindi na daw siya—" Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Liam.

"Anong mayroon sa kanya, Aya?" tanong ni Liam.

"P-paano kung naghihiganti si Angelica? P-paano kung si Angelica ang pumatay kay Nico at Connie?"

Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight. Tumingin si Liam sakin. Napabuntong-hininga ako sa titig niyang tagos hanggang kaluluwa ko.

"Ang patay hindi na puwedeng pumatay..."

Nang sabihin iyon ni Liam ay saktong nag-green light. Binalik niya ang tingin sa daan at pinaandar ang sasakyan.

Death MailWhere stories live. Discover now