Chapter 20

134 3 0
                                    

One message from Cress.

My face brightened, and I opened her message quickly.

From: Cress

Let's go shopping, Ingrid! I've missed you already.

I smiled when I read her message.

To: Cress

Alright! Sunduin mo ako sa bahay. See you!

Nagmadali ako na naligo para makapagayos. Siguradong maya-maya lang ay nandito na 'yon. Simple lang ang sinuot ko para hindi takaw pansin. Tanging white polo shirt lang ang suot ko at tinernohan ko ng dark blue jeans. I wore my white rubber shoes from Nike.

"Ingrid! I'm sorry I was so excited kaya napaaga akong pumunta." bungad nya sa'kin noong pagkalabas ko ng gate.

Natawa naman ako ng takbuhin nya ako para sa isang yakap.

"It's fine, Cress! I totally understand because I feel the same. It's been a while since the last time we bonded." malambing kong ani bago sya niyakap pabalik.

She chuckled softly.

Hindi ko magawang magalit sa pinsan ko kahit sya ang gusto ng taong mahal ko. Ang hirap lang tanggapin na naiinggit ako sakanya dahil doon.

"Let's go? Hindi naman tayo magtatagal dahil may date ako mamaya!" she said happily.

Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita sya. Sumangayon na lang ako sakanya dahil medyo nawala ako sa sarili.

"You're blooming, Cress. Is it because of that guy?" tanong ko ng makasakay na kami.

Lalo syang gumanda at parang ang saya saya nyang tignan. She's glowing.

Naalala ko ang palagi nyang kinukwento sa text na may bago syang manliligaw at unang kita nya pa lang daw dito ay natipuhan nya na. Sobrang bait din daw at pasensyoso. Nacurious tuloy ako kung sino 'yon.

"Oo..." sagot nya habang nagpipigil ng ngiti.

Hindi nya rin naman naitago ang kilig kaya napangiti din sya kalaunan.

I screamed and gasped. Wow! Sana lahat.

Natatawa ko syang binalingan ng may naalala.

"Sabi ko na  ay tama ang hinala ko! Kaya pala palaging busy!" sabi ko at humalakhak.

She just smiled, and her cheeks look red. Mukhang masaya na si Cress wala na akong dapat pang ipagalala.

We shopped for a lot of things, specifically bags and clothes. True to her words hindi nga kami nagtagal dahil mayroon din syang lakad. Hinatid naman ako ng driver nya pauwi kaya hindi na ako nag-commute pa.

I was walking towards the cafeteria, but I saw a familiar figure coming out of it. It's Kice.

My eyes widened and my heart pounded hard.

Binalot ako ng kaba dahil maaaring makita nya ako. I've been avoiding him for days. Sa takot na magsalisi kami ay mabilis akong umatras at nagtatakbo palayo. I was panicking when I arrived on the field.

Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang tiyan ko sa hindi malaman na dahilan. My whole body is tense. Halos habulin ko na rin ang hininga.

I do like him. No scratch that I love him.

But I already expected that he would not reciprocate whatever my feelings for him were. Because in the first place, wala naman talaga syang maisusukli.

I surrended. I accepted defeat. Wala nang rason para mag-krus pa ang landas namin. I've already settled it. Tinapos ko na kung ano man ang koneksyon namin sa isa't-isa. I cut our ties for my peace of mind and for his sake. I don't want to associate myself with him anymore to protect my heart from getting wounded. Tama na ang sakit na hanggang ngayon ay ikinukubli ko sa lahat.

Escaping RealityOnde histórias criam vida. Descubra agora