Chapter 12

146 6 0
                                    

Binalot ako ng iritasyon sa buong byahe namin paguwi. Ni walang nagsalita ngunit ramdam ang tensyon sa loob ng sasakyan.

"When will you stop showing your face to me, Kice? Bakit kung nasaan ako ay naroon ka?" mariin kong tanong sakanya.

Gumilid ako at inis syang pinagmasdan na nagmamaneho. His jaw clenched. He glanced at me a bit bago ibinaling ulit ang atensyon sa harap.

Hindi sya nagsalita at mas lalong dumagdag 'yon sa nararamdaman kong iritasyon sakanya.

He's really fooling me, huh?

"Itigil mo ang sasakyan." malamig kong sabi.

Humigpit ang kapit ko sa aking leather bag at huminga ng malalim.

"Yariene.."

Malamig ko syang tinignan. He shot me a warning glare.

"Hindi kita maintindihan." ani ko.

My heart clenched and cold enveloped me. Nanuyo ang lalamunan ko. Naguguluhan na ako sa mga inaakto nya. Hindi na ito maganda para sa'kin. Nabibigyan ko lang ng malisya iyon kahit hindi naman dapat.

His face looks so serious right now. I can also feel his frustration towards me.

Tinikom ko na ang bibig ko at hindi na muling nagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay.

Walang pasabi na bumaba ako sakanyang sasakyan. Hindi ako nagpasalamat o nagpaalam.

Akmang papasok na sana ako sa gate ngunit naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko.

Hinarap ko sya at binagyan ng blangkong ekspresyon. "Umuwi kana.."

"I'll see you tomorrow." mariin nyang wika ngunit mapungay ang matang nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. I looked at him ridiculously.

"Ayaw kong makita ka." malamig na anas ko.

Huminga sya ng malalim. He stared at me with his intimidating eyes. Pero hindi ako natinag doon at hindi binawi ang sinabi ko.

Dahil para saan pa? Totoo naman 'yon. Ayaw kong makita pa sya dahil ginugulo nya lang ako.

I don't even understand why he's bugging me.

"Pakiusap, Kice. Umuwi kana at tigilan mo ang panggambala sa akin. Dahil sa susunod na gawin mo ulit 'to hindi na kita mapagbibigyan." utos ko sakanya bago sya tinalikuran at tuluyan syang iniwan doon.

Pagod kong binagsak ang sarili sa kama at natulala sa kisame. Ano bang ginagawa ko?

Pumikit ako at wala sa sariling natawa. Nababaliw na yata ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minulat ko ang mata at nagunahan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. Sumikip ang dibdib ko at tuluyan ng lumabas ang mumunting hikbi. Inabot ko ang unan at mahigpit na niyakap iyon.

I'm alone. I'm alone again. I'm always alone with the pain, and it's starting to break me more. I know that once I reach my limit, I'll lose myself.

He knew exactly what I really felt for him. I don't plan on telling him this, but it's too late now. He's already aware of my secret.

I smiled bitterly.

Kinabukasan ay pumayag ako na sumamang mag-lunch kay Cress. Noong isang araw nya pa akong kinukulit kaya pinagbigyan ko na. Ayaw ko ring isipin nya na iniiwasan ko sya.

"Kailan mo sya sasagutin, Cress?" wala sa sariling tanong ko nang matapos kaming kumain at tumambay sa kiosk.

Nilingon nya ako at ngumiti. Doon pa lang ay nakaramdam na ako ng kirot.

Escaping RealityWhere stories live. Discover now