Chapter 6

164 7 0
                                    

Silence enveloped us.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya.

"We're here.." he said after a long silence.

I sighed. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na kami sa bahay.

Kinalas ko ang seatbelt at binalingan sya ng tingin. I bit my lower lip. I need to say my gratitude! But this is so awkward. Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"Uh..thank you." I said and open the car door. Mabilis akong lumabas doon. Kabado at wala nang mukha na maihaharap sakanya.

Papasok na sana ako sa gate ng marinig ko ang pagsara ng sasakyan. Shit.

"Not so fast, Yariene," he uttered coldly.

I almost shivered, and I automatically stopped on my track.

Nilingon ko sya at nakita kong nakasandal na sya sa kanyang kotse.

He looks so good while leaning on his BMW. A freaking model.

"G-gabi na," I said.

Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko.

"Baka hinahanap kana sainyo. Ano pa bang paguusapan natin?" dagdag ko.

He lazily stared at me. I probably look constipated. Damn it. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa titig nya.

"I like your cousin. I hope we're clear about that. I'll take my leave here," he said in his coldest tone.

I had nothing to do but nod and accept his indirect rejection. I felt my world crumble. The pain struck me really hard and led me to my downfall.

Nanatili akong nakatayo roon at nanghihinang sinundan ang pagalis ng kanyang sasakyan.

I clutched my chest. Ang sakit ng dibdib ko at wala akong nagawa kundi magpakawala ng malalim na hininga. Pinipilit tanggapin na hindi ito para sa akin.

"Wala ka nang ginawang maganda, Ingrid! Puro na lang ba kahihiyan ang kaya mong ibigay!?" he shouted angrily.

My tears fell. Tuloy-tuloy iyon na para bang isang gripo. Tahimik akong nakayuko at tinatanggap ang mga masasakit na salita galing sa aking ama.

"I-I'm s-sorry..." I said weakly.

He looks so mad. Sa maliit na bagay na nangyari kanina ay naging big deal iyon para sakanya. Na kahit hindi ko naman sinasadyang matapon ang inumin sa aking damit ay tila ba isa iyong kasalanan sa paningin nya. Lahat na lang mali. Kahit pa yata madisgrasya ako sa harap nya ako pa rin ang may kasalanan.

"Get out! I don't want to see your face!"

Walang kiming lumabas ako ng study room. Maingat ang paglakad para hindi makagawa ng ingay na maaaring ikagalit nya.

"Are you okay?" tanong ni Tita Misha na naghihintay pala sa labas ng silid.

I only nodded. Nilagpasan ko sya bago pa ito magtanong ulit.

I've had enough. Pagod na'ko.

Binagsak ko ang sarili sa kama at nagsimulang magpakawala ng hikbi. I'm so tired. It's like a cycle. Paulit-ulit na lang na ganito ang kinahihinatnan ko. Parang wala akong karapatang maging masaya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ash.

Katatapos lang ng huling klase namin sa hapon.

"Hindi," matamlay kong saad.

Nilagay nya pa ang kamay nya sa noo ko para tignan ang temperature ko. Pabiro ko namang tinapik iyon.

"Maghapon ka nang wala sa sarili. Hindi ka rin kumain!" mahinang sigaw nya.

I sighed. Gusto kong magpahinga yung wala nang gisingan.

"Wala akong gana." she rolled her eyes at me.

Attitude. I smiled weakly.

"Don't tell me na-reject ka nang crush mo!" tanong nya.

Bahagya akong natigilan at nagiwas ng tingin. Umiling-iling sya habang pinagmamasdan ako.

"You're so obvious my friend." she said.

"Umamin ka ba?" paguusisa nya.

Natawa ako at umiling.

Hindi ako umamin pero alam nya ang nararamdaman ko. Siguro nga masyado akong obvious.

"Wala naman iyon..." sagot ko na lang.

Sumimangot ito at umupo sa tabi ko para mayakap ako patagilid. Sinandal nya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"I know you're strong, Rie. But please, if you need someone to lean on, I'm here, okay?" she said it sadly.

I only smiled.

"You're so transparent, Rie. I can see the pain in your eyes. It's too much. How can you handle all of it?" she asked with a trembling voice.

My lips parted. Nanggilid ang luha ko at pilit pinapakalma ang sarili. Humigpit ang yakap nya sa akin at tuluyan ng umiyak sa balikat ko. Mahina ko lang syang tinapik para sabihing ayos lang ang lahat.

"I'm fine, Ash. Walang masakit sa akin." sabi ko.

"Liar!" she sobbed.

I am...I know.

A tear escaped from my eyes. Humugot ako nang malalim na hininga.

"Baka sabihin nila inaway kita," asar ko sakanya habang tinignan nya ang sarili sa salamin.

Mapula ang kanyang ilong at mga mata. Halatang galing sa pagiyak. She pouted at me and groaned.

"Pinaiyak mo naman talaga ako!" she said loudly.

Tumaas ang kilay ko roon at bahagyang natawa habang umiiling.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." saad ko na may bahid ng ngiti.

My mood instantly shifted. Siguro dahil ayokong idamay ang kaibigan sa sarili kong kalungkutan. Ayokong makaabala at ayoko syang magalala.

She's clingy, but it's fine with me. She's like a breath of fresh air. My very own ally. I'm thankful because I've gotten the chance to meet her and be with her.

"Alam mo ba na crush na crush ko si Azi! Kilala mo ba 'yon, Rie?" tanong nya habang nakatambay kami sa tea shop.

Azi? He's kinda familiar.

I sipped on my drink and nodded.

"He's so gwapo, Rie! What do you think? Pasado rin ba sa iyo?" kinikilig na sabi nya. Tinawanan ko lang ang reaksyon nya kaya sya ngumuso.

"He's really a good-looking one. But I prefer someone who's the same age as us, you know." I commented.

Naubo naman sya sa iniinom nya dahil sa sinabi ko.

"What the hell! Ayaw mo ba sa mas matanda sa atin o sa mas bata?" usisa nya.

Umiling ako.

"As I said earlier mas gusto ko ang kaedaran ko."

"Pero paano kapag may nanligaw sa iyo na mas matanda sa edad natin? Rejected ba agad?" pangungulit nya.

"Kung matino siguro pwedeng bigyan ng chance, pero hindi parin, eh. Iba ang gusto ko." sagot ko.

I have someone in my mind but I remember that he's forbidden. Klinaro nya na ang lahat bago pa ako umamin sakanya.

It's unfair. Paano ko tatanggalin sa sistema ko ang pagkagusto ko sakanya? Parang ang hirap namang kalimutan ng nararamdaman ko nang ganon ganon na lang.

"Ang swerte naman nyang gusto mo o nang magugustuhan mo!" I shrugged.

Hindi rin siguro. My feelings would just be a burden to him. Because he doesn't want it in the first place.

"Rie!" sigaw nya.

Binigyan ko lang sya nang nagtatanong na tingin.

"Tulala ka na naman! Hindi ka nakikinig sa kwento ko." she whined.

I just chuckled and shook my head.

This girl really...

What a good distraction we have here, huh?

Escaping RealityWhere stories live. Discover now