Prologue

642 10 6
                                    

I never thought growing up would break me.

Hindi ko akalaing sa bawat taon na lumilipas ay lalong bumibigat ang pasan ko. Ang hirap palang mabuhay sa mundong hindi naman para sa'yo.

Ang makibagay sa mga taong hindi marunong umintindi at madaling magsawa. Hindi ko alam kung bakit ako umabot sa ganito. Sa puntong gusto ko na lang maglaho bigla at pigilan ang nakamamatay na sakit na dala–dala ko.

I might be okay, but I'm not fine at all.

Magaling lang siguro akong magkunwari, magpanggap at suotin ang masakara ko, kaya hindi nila nakikita ang tunay kong nararamdaman.

Ganito naman ang buhay, wala kang magagawa kundi sumabay sa agos nito. Sanayin ang sarili sa mga tao na walang ibibigay sa'yo kung hindi sakit.

"Stop being a disappointment, Ingrid!" My Daddy said furiously. I shook my head and bit my lower lip.

Kailan ka ba hindi na–disappoint sa'kin?

Ano pa bang bago, Daddy?

"I'm sorry..." I said almost a whisper.

"Sorry? Iyan lang ang masasabi mo sa akin? Ang sorry mo? Why do you keep on making the same mistakes!? Use your brain, hijo de puta!" he spat. My eyes stung. I closed my fist and breathed before looking at his eyes that were filled with anger, disgust, and disappointment.

Ano bang kailangan kong sabihin? Hindi rin naman mahalaga ang opinyon o paliwanag ko sa'yo. Kaya para saan pa? Bakit pa?

"You are a disgrace, Ingrid. Pinagsisisihan ko kung bakit ikaw pa ang naging bunga ng pagkakamali ko." he said before he left the room.

Nanginig ako sa galit hanggang sa naramdaman kong lumuluha na ako. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko.

Pagkakamali? Halos matawa ako roon.

Para sa kanya ay isa lamang akong pagkakamali. Sinong matinong ama ang maglalakas loob na magsabi non sa sarili nyang anak? Dahil ba hindi nya ako mahal? Kung ganoon bakit hindi nya na lang ako pinatay? Sana pinatay nya na lang ako kaysa ubusin nya ako nang paunti–unti.

"Yariene..." isang malamig na boses ang tumawag sa'kin.

Nilingon ko ang pintuan at namataan doon ang kapatid. Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata. Mabilis syang lumapit sa akin at sinuri kung may sugat ba ako o ano.

"Sinaktan ka ba nya?" tanong nya at hinanap ang aking mga mata. I smiled at her, umiling ako bilang sagot.

Hindi nya ako sinaktan ng pisikal pero ang mga binitawan nyang salita ay sapat lang para ikadurog ko.

"Ayos lang ako, ate..." tinignan nya akong mariin gamit ang malamig nyang mga mata.

May pagdududa roon ngunit hindi na rin sya nagtanong pa.

"Let's eat our dinner then, Yari." saad nya at hinatak na ako paalis doon.

Lumipas ang isang linggo na wala akong naririnig sa aking ama. Mas mabuti iyon dahil busy sya sa pagaasikaso sa kompanya.

"Yariene," I faced him with a smile. I know his voice, his scent, and almost everything about him.

Kice Reagan

"Kice! What are you doing here?" I asked with enthusiasm. Malayo ang building nila kaya nakakapagtaka na nagawi sya rito. He only gave me a blank stare.

He's my friend.

But I do like him... A lot.

"Did you happen to see Cress?" he asked with his usual stern voice.

Escaping RealityWhere stories live. Discover now