Kabanata 23

17 1 1
                                    


Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay mula sa sala. Gusto ko pa sanang matulog dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngunit nang maalala ang nangyari kagabi ay napabalikwas ako nang bangon.

Agad kong kinapa ang kabuuan ko at normal naman. Kumpleto ang aking damit maliban lang sa kakaibang pakiramdam ko sa ibaba na parang napasukan.

Shit! Panaginip ba 'yon?

Napatingin ako sa gilid ko at nang mapagtantong wala ang aking anak ay nagmamadali akong bumaba sa kama at lumabas sa sala.

Napatingin silang lahat sa akin ngunit isang tao ang umagaw ng aking pansin. Nakangiti siyang nakatayo habang karga si Arby. Hindi panaginip ang nangyari kagabi. Totoong may nangyari sa amin.

"Kain na ate," abala sila sa paghahanda ng lamesa at mukhang nagkakasiyahan na para bang walang nangyari.

Parang normal lang ang hindi pagpakita ni Knee Yoz at para bang  umuwi lang siya galing sa trabaho.

"M-ma-ma" usal ni Arby kaya't lumapit si Knee Yoz sa akin at ikinagulat ko ang paghalik niya sa akin sa labi.

Natulala ako. Nakakapanibago. Madalas niya akong hinahalikan ngunit sa noo lang at pisngi pero ngayon ay sa labi at sa harap ng kanyang mga kasama. Patay malisya ang mga ito at nagkunwaring walang nakita nang lumingon ako sa kanila.

"Napagod ka ba kagabi?" bulong niya sa akin.

Ayokong kiligin dahil nagtataka pa rin ako sa nangyari sa kanya ngunit pakiramdamdam ko ay hindi ako nakatakas sa kamandag niya. Lalo pang uminit ang pisngi ko nang maalala kung anong ginawa namin kagabi.

'Potang*ina, ang wild namin kagabi!'

Hanggang sa pagkain ay halos hindi ako makatitig sa kanya. Nakatutok lang ako sa aking plato ngunit hindi ko iyon ginagalaw.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong lumabas. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas lalo siyang naging sweet sa akin.

Pumunta kami sa mall at binilhan niya ako ng mga damit pati si Arby. Kasama namin si Roberto at Grace na nakasunod sa likuran. Pagkatapos ay pumunta kami sa Timezone. Una siyang lumapit sa mga stall ng dart. Bumili muna siya ng token at nakasampung tira yata siya sa dart ngunit walang tumama.

Natatawa ako habang tinitingnan siyang umiiling. Sunod na pinuntahan namin ay ang claw machine. Medyo natagalan din kami roon at nakakuha siya ng isang stuff toy. Ibinigay niya iyon kay Arby at tuwang-tuwa naman ang bata habang nilalaro iyon ng ama sa kanya.

Lahat yata ng games na nandun ay nilapitan niya at sinubukang laruin. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Ang sarap niyang pagmasdan habang nakangiti na para bang sabik na sabik siya sa ganitong mga bagay.

Huli naming pinuntahan ang bumper car. Sumakay silang dalawa roon ni Arby at di nagtagal ay hinila niya kami at isinakay rin doon.

Panay ang kuha ni Grace ng litrato sa aming tatlo habang nakasakay sa bumper. Hawak ko si Arby at si Knee Yoz ang nagmamaneho paikot doon sa espasyong nakalaan para sa mga bumper cars.

Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa saya habang ninanamnam ang bawat sandali. Tumigil yata ang ikot ng mundo at ayoko nang magpatuloy pa ito. Hindi man kami kagaya ng ibang mag-asawa ngunit kailanman ay hindi nagkulang si Knee Yoz sa pagpapasaya at pag-aalaga sa akin.

Pagkababa namin sa bumper car ay agad na lumapit si Grace at Roberto sa amin.

"Ate ang cute niyo dito oh," nakangiti si Grace nang iabot sa akin ang mga nakuha niyang larawan.

"Ang saya niyo dito, Happy family!" komento ni Roberto.

Lumapit si Knee Yoz sa amin karga pa rin si Arby at nakitingin sa mga litrato. "Masaya ka ba?" pabulong na tanong niya sa akin.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now