Kabanata 29

69 4 0
                                    

Narating namin ang parking lot at sumunod lang ako nang isakay niya ako sa kotse. Nanatili ang aking paningin sa kanya nang pumasok siya at binuhay ang makina ng sasakyan. Napalingon pa ako kay Edward na pumasok sa likuran.

"Anong nangyayari?" sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong magtanong.

Wala ni isa sa kanilang dalawa ang sumagot ng aking tanong. Mabilis ang kilos ni Knee Yoz ng minaniubra ang sasakyan at malikot ang kanyang paningin sa paligid.

Nakalayo kami sa lugar na iyon at nakatutok na sa daan ang paningin ng aking asawa.

"Ano bang nangyayari Knee Yoz? Sabihin mo naman sa akin ang totoo," nagmamakaawa kong sambit. Halos sigawan ko na siya ngunit nagpipigil lang ako. "Saan mo dinala ang pera? Kailangan ko 'yon. Kailangan ko iyon para sa operasyon ni Charene. May sakit ang anak natin." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang aking luha ngunit nanatili pa rin siyang tahimik.

Gulong-gulo na ako at malapit na akong mabaliw sa kakaiba niyang kilos sa akin. Napatingin ako sa kanya nang itinigil niya ang sasakyan sa gilid.

"Baba," matigas niyang utos at sinalubong ang aking tingin.

"Ano?" tanong ko at hindi makapaniwalang umiling.

"Ang sabi ko bumababa ka." Binuksan niya ang pinto at iminuwestra ako palabas gamit ang kanyang ulo.

"Boss," napatingin din ako kay Edward. Sa tono ng kanyang salita ay nais niyang pigilan si Knee Yoz.

"Mag-usap tayo please!"

"Ang sabi ko ay bumaba ka!" Napapikit na lang ako sa lakas ng kanyang sigaw. Ilang minuto ang lumipas at dahan-dahan akong kumilos para bumaba.

"Knee Yoz," pagmamakaawa ko pa.

"Huwag mo akong tatawagin sa pangalang 'yan." Matigas niyang saad saka bumaba. Pinanuod ko siyang lumapit sa aking pwesto saka ako hinila palabas ng sasakyan.

Naiiyak na lang ako nang bumalik siya papasok sa kanyang kotse at walang pag-alinlangang iniwan ako roon. Tinanaw ko ang sasakyan niyang papalayo. Hindi ko alam kung paano at kailan siya nagkaroon ng kotse. Inilibot ko ang aking paningin at halos maiyak ako nang mapansing hindi ko na alam kung saan ang lugar na ito. Matagal na akong narito sa Maynila ngunit hindi ko pa rin ako sanay at hindi ko pa kabisado ang ilang lugar.

Wala na akong magawa kundi maglakad-lakad dahil walang dumadaang dyip dito. Malayo-layo na rin ang nilakad ko nang may humintong motorsiklo sa aking unahan. Napahinto ako nang makita si Edward na bumaba at sumalubong sa akin.

"Sinungaling ka! Wala kang alam? Tinanong kita kung nasaan si Knee Yoz, tinanong kita kung may alam ka tungkol kay Andra," halos tumalsik ang laway ko sa lakas ng singhal ko sa kanya habang dinuduro siya.

"Ihahatid kita," malumanay niyang saad.

"Ihahatid? Nagpapatawa ka ba? Para saan?" natatawa at napapailing na lang ako. "Na-guilty ka ba dahil sa kasinungalingan mo sa akin?"

"Huwag ka namang magalit sa akin Cha. May pamilya rin akong pinoprotektahan"

Tumango akong muli. "Kaya mas pinili mong magsinungaling sa akin. Sabagay sino ba naman ako? Wala ka namang alam sa buhay ko. Hindi mo alam kung gaano ako naghihirap sa ngayon." Tumalikod ako sa kanya at humakbang palayo. "Bumalik ka na sa amo mo,"

Naramdaman ko ang kanyang pagsunod at pinigil ako sa braso. "Yung nakita mo kanina, huwag mong sasabihin kay Denise."

Para akong hibang na tumawa nang malakas. Hindi ko alam na parehas pala kaming naging tanga-tangahan sa kasinungalingan ng mga taong pinagkatiwalaan namin.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now