Kabanata 19

60 3 7
                                    

Naging mabilis ang mga pangyayari. Simula nang malaman ni Knee Yoz na buntis ako ay lagi na siyang nakaantabay sa akin. Masasabi kong napaka-sweet niya at maalalahanin, bagay na nagustuhan ko. Hindi na siya umaalis sa bahay at hindi na niya ako pinagtitinda sa palengke.
Inilipat niya ako sa isang maayos na tirahan at kumuha siya ng dalagitang kasama ko sa bahay. Maging ang iba niyang mga tropang lalaki ay naroon para mayroon akong alalay.

Habang naglilipat kami ng ibang gamit ay nakasunod lang ang paningin ko sa kanya. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko ay hindi ko akalaing may pag-asa pang darating sa akin para maging masaya at siya ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat din akong mahalin.

"Bakit?" napansin niya yata ang mga tingin ko sa kanya at nakangisi siyang lumapit sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin 'to" giit ko pa kahit na nga ba gusto ko rin ang kanyang ginagawa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinapit sa beywang palapit sa kanya "Ano ba dapat ang gagawin ko?"

"Wala" kinakabahan kong sagot. Nasanay na yata itong puso ko na sa tuwing lalapit siya sa akin ay naghuhuramentado.

Nailang ako sa mga tingin ng kanyang mga tropa na ngayon ay mapang-asar na nakatingin sa amin kaya't humiwalay ako sa kanya. Nagtaka siya sa aking ginawa at nang bumaling siya sa likuran ay agarang bumalik sa pag-aayos ang kanyang mga kasama. Napailing-iling na lang siya sa mga ito.

"Huwag ka nang mahiya sa kanila. Normal lang ito dahil mag-asawa tayo"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Mag-asawa ba talaga kami? Dahil masyado akong natutuwa sa mga nangyari ay hindi na ako tumutol sa mga gusto ni Knee Yoz. Ito ang buhay na pinapangarap ko ang maramdamang may nagmamahal at nagpapahalaga sa akin kaya't nagpadala na lang ako sa agos ng buhay.

Hindi nagbago ang trato ni Knee Yoz sa akin hanggang sa isinilang ko ang aking anak. Isang malusog na lalaki ang aking panganay.

"Ang pogi, pogi ng baby natin" usal niya. Karga ko ang aking anak habang nakahiga at hawak-hawak niya ang kamay ng aming munting anghel.

Naiiyak ako habang tinitingnan siyang tuwang-tuwa sa bata. Inangkin niya itong anak naming dalawa at hindi lang sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?"

Tumingala ako at pinahid ang aking luha. Hindi ko lang inakalang magiging ina ako ng ganito kaaga at habang tinitingnan ko siya ay nawawala ang aking pangambang harapin ang responsibilidad ko bilang isang ina.

"Wala. Naiiyak lang ako kasi ang pogi ng anak natin." Ngumiti ako para ipakita sa kanya na totoong masaya ako.

"Pogi ang tatay eh!" pagmamayabang niya pa at tumawa.

Tumango ako sa kanya. Nagsinungaling ako sa sarili ko noon na hindi siya pogi dahil kitang kita naman ngayon at hindi ko na kailangang ilarawan pa.

Tinanggap ko nang mag-asawa kami at sa unang taon ng aming pagsasama ay perpekto ang lahat. Pinatigil niya na rin ako sa palengke at nagtayo na lang siya ng tindahan para maging libangan ko. Hindi rin ako nahirapan sa gawaing bahay lalo na't may mga kasama ako at kung minsan ay naroon siya para tumulong sa akin. Halos prinsesa ako kung ituring niya at ayaw na ayaw niyang napapagod ako sa trabaho. Minsan ay siya pa ang nagluluto at naglalaba kapag wala siyang trabaho.

***

"Happy birthday to you, happy birthday to you.. Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you!"

"Yeheyy!"

Nagpalakpakan ang aming mga bisita pagkatapos kumanta. Isang taong kaarawan ng aking anak at 18th birthday ko rin ngayong buwan kaya pinagsabay na namin ang handaan sa mismong birthday ng anak ko para hindi na magastos pa.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateKde žijí příběhy. Začni objevovat