Kabanata 10

91 7 3
                                    

Nagmadali kong pinunanasan ang aking damit at braso pati ang aking buhok ay bahagya kong binasa. Mukha na akong dugyot pero okay lang naman. Nag-spray muna ako nang kaonting pabango bago lumabas.

Nakadalawang lingon ako sa magkabilang sulok ngunit hindi ko nakita si Sander. Ang sabi niya ay maghihintay lang siya sa akin. Pumunta ako sa cr ng mga lalaki at baka umihi na rin siya. Medyo madilim na rin dito pero sapat lang ang liwanag mula sa stage para makita ang paligid. Sumilip ako sa likod ngunit hindi ko inaasahang naroon si Rita sa loob.

"Iba ang usapan natin, bakit kailangan mo pang balikan ang babaeng iyon?" Hindi ko sinasadyang marinig ang kanyang sinabi at hindi ko alam kung sino ang kanyang kausap.

"So, gusto mong sundin kita?" Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko nakikita ang kanyang kausap pero sigurado akong si Sander iyon.

"Bakit? Ayaw mo ba, alam ko naman na ako pa rin ang mahal mo hanggang ngayon."

Tumawa si Sander ngunit natigil iyon nang lumapit pa si Rita. Tumulo ang aking luha lalo na nang nagpalit sila nang pwesto ni Sander ngayon ay kita kong naghahalikan silang dalawa.

Tanggap kong dati silang magkasintahan pero ang makitang ganito pa rin silang dalawa ay hindi ko kaya. Paano nila nagawa sa akin ang ganito?

Tumakbo ako paalis roon ayoko nang masaksihan o marinig ang iba pa nilang sasabihin. Dahil sa pagmamadali ko ay napatid pa ako. Naitukod ko ang aking palad sa semento at naramdaman ko agad ang hapdi nang galos sa aking braso at paa.

"And for this most awaited moment, ladies and gentlemen I am proudly present to you our Prom Queen for tonight... Miss Charlotte Hope Sandoval."

Naghiyawan ang mga tao at gusto kong umiyak nang malakas para walang makarinig sa akin.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Dire-diretso ako sa paglalakad at tumungo sa aking upuan kanina.

"Where are you Miss Sandoval?" Natigil ako sa pagkuha ng aking gamit nang tumutok sa akin ang spotlight. Hindi ko alam ang nangyayari.

Wala ako sa sarili nang puntahan ako ni Andra at hinila papunta sa stage. Agad akong sinalubong ng emcee at inalalayan sa gitna. Parang wala akong lakas na humakbang at para akong nakalutang ng mga sandaling iyon habang pinapatong sa akin ang korona. Maging ang boquet ng bulaklak ay halos hindi ko mahawakan kung hindi pa ako inalalayan ng isang emcee.

Ako na yata ang reyna ng kamalasan.

"Relax miss Sandoval," bulong ng babaeng emcee sa akin.

"Wow, you're crying for this crown miss Sandoval. Is it tears of joy?"

Tumingin ako sa baklang emcee at wala sa sariling ngumiti. Hindi ito luha ng kasiyahan kundi luha ng lungkot, ng poot at pighati. Luha na dulot ng kataksilan ng aking kaibigan at ng lalaking pinakamamahal ko.

Ang lalaking nagparamdam sa akin na espesyal ako sa kanyang buhay ngunit siya rin palang wawasak sa aking damdamin.

Mali ang naging desisyon kong hiwalayan siya pero mas mali palang nakipagbalikan ako sa kanya. Sa lahat ng nangyaring ito sana ay hindi ko na lang siya tinanggap sa aking buhay.

Pagkatapos isuot ng bakla ang korona sa akin ay tumakbo na ako sa kawalan. Alin ba sa buhay kong ito ang tama? Bakit lahat ng gagawin ko ay mali? Bakit laging mailap sa akin ang tadhana?

Narinig ko pa ang tawag ng emcee at ang paghabol ni Andra ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Paano ba maging manhid habang nabubuhay nang hindi dumaan sa kamatayan? Gusto ko nang tapusin ang lahat.

Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng paaralan. Hinagis ko sa damuhan ang boquet na hawak ko maging ang korona sa aking ulo ay tinanggal ko at tinapon din sa kung saan. Wala na si Leila na lagi kong napagsasabihan ng aking mga hinaing at sama ng loob. Ang kaibigan kong naging sandalan ko at ang lalaking pinakamamahal ko at pinaghuhugutan ko ng lakas ay pinagtaksilan ako. Sumisikip ang aking dibdib dahil sa nangyari.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now