Kabanata 26

67 4 15
                                    

"Hey, bangon na tanghali na." Nakapikit pa ako at nararamdaman ko ang kiliting hatid ng hininga ng aking asawa.

"Gusto ko pang matulog." Minulat ko ang aking mata at hinila siya papunta sa akin.

Parang musika sa aking tainga ang kanyang mga halakhak. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib ngunit patuloy niya akong niyuyogyog.

"Ate!!"

Wala sa sarili akong napabangon. Hindi pa ako nakabawi mula sa aking panaginip nang sumalubong ang nag-aalalang mukha ni Grace sa akin.

"Bakit ka nandito?" sa hitsura pa lang niya ay mukhang may hindi na naman magandang nangyayari.

"Si kuya kasi.."

"Ano?" hindi pa niya natapos ang sasabihin ay bumaba na ako sa kama "Anong nangyari?"

"Si kuya nawawala,"

Nalukot ang aking mukha at nasapo ko ang aking noo at tuluyan nang naihilamos ang palad sa mukha.

"Paanong nawawala?" bulyaw ko sa kanya

"Hindi ko rin po alam," nanginginig na sagot niya at sunod-sunod na umiling.

Nakakawala talaga ng katinuan ang mga sorpresa sa akin araw-araw.

Hindi ko na alam ang gagawin pagdating sa hospital. Wala roon si Knee Yoz at pati mga nars at doctor ay hindi alam kung saan siya pumunta.

"Bakit po hindi niyo alam? Dapat ay alam niyo," halos mawalan na rin ako nang hininga sa kakahiyaw. Lahat ng bigat ng aking loob ay ibinuhos ko sa mga doktor na naroon.

"Maam relax lang kayo,"

"Paano ako magrerelax? Kagigising lang ng asawa ko galing sa pagka-comatose tapos malalaman kong nawawala siya?"

Naiinis ako sa lahat ng mga nars na kausap ko pero nakikita ko rin sa kanila ang pagpipigil at hindi na ako pinapatulan.

"Maam, titingnan po natin sa cctv kung anong nangyari"

"Kumilos na kayo.." hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang makaramdam ako ng kirot sa aking tiyan.

"Opo"

May sinasabi pa ang isang nars pero hindi ko na siya masundan dahil nandidilim na ang aking paningin.

"Ate? Dinudugo ka"

Narinig ko pa ang mahihinang hiyaw at pagkataranta nila bago ako tuluyang nawala sa kamalayan.

Mahihinang mga tinig ang aking naririnig ngunit hindi ko maunawaan ang kanilang sinasabi.

Nagkaroon ako ng lakas na imulat ang aking mata. Agad kong nakita si Grace na kinakausap ang doctor. Napansin niyang gising na ako kaya't lumapit siya sa akin.

"Ate okay ka na?"

Umiling ako at ibinaling sa puting dingding ang aking paningin. Sawang-sawa na ako sa buhay ko, paulit-ulit na lang na ganito.

"Mrs. magpahinga po kayo ah, delikdo po ang kalagayan ng anak niyo."

Naipikit ko ang aking mata nang marinig ang kanyang sinabi. Ayoko nang dumilat pang muli, natatakot na ako sa mga nakaabang pang panganib at problema sa aking pamilya.

Tahimik pa rin ako hanggang sa naiwan kaming dalawa ni Grace. Pagod akong napatingin sa kanya at unti-unting tumulo ang aking luha.

"Anong gagawin ko kung wala ka?" usal ko at hinayaan ko siyang yakapin ako.

"Ate naman, huwag ka namang magsalita ng ganyan"

Anong gagawin ko? Nawawala na naman si Knee Yoz at si Denise naman ay wala ngayon sa aking tabi.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now