Kabanata 34

25 2 0
                                    

"Sir, okay na po tayo?"

Alam kong parehas kaming nagulat dahil nakita ko iyon sa kanyang reaksiyon nang magsalita ang assistant niyang babae. Sino ba namang mag-aakala, kahapon lang ay nagkita kami. Mapanukso talaga ang pagkakataon. 

Diretso lang ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay palapit na sa akin. Sila ang may nagawang kasalanan sa akin kaya hindi dapat ako magpakita ng anumang pagkailang.

"Ah yes," lumapit ang dalawa sa front desk at ipinagsawalang bahala lang ang aking presensiya.

Akala ko ay lalapit sila sa akin at nang lumihis sa aking direksiyon ay nanatili ako sa pagkakaupo. Siguro sa ibang pagkakataon ay lalapit ako kay Rita at yayakapin ko siya dahil matagal na kaming hindi nagkita. Hindi ko rin inaasahang magkikita ulit kami sa ganitong pagkakataon kaya hindi ko naitago ang gulat ko kanina.

"Ate di ba siya yung kasama mo dati? Yung..yung nagbayad ng bills ni Charene?" Nasiko ko si Grace dahil sa kanyang sinabi.

Nagtaka pa siya sa aking inasta kaya't pinandilatan ko na lang siya. Nahuli ko rin ang kakaibang titig ni Denise sa akin kaya't pasimple ko rin siyang pinandilatan.

Nakita kong papalapit si Sander kasunod si Rita sa gawi namin kaya't tumayo ako at hinintay silang makalapit.

"Hi! Ah, bye the way ako pala ang may-ari ng studio na 'to.." Kimi pa niyang sabi. Ngumiti lang din ako nang bahagya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Hinid ito ang una naming pagkikita simula ng iniwan ko ang isla. Nakakapanibagong iba ang kanyang kasama. Nakapapanibagong.. malayo kami sa isa't isa.

"Kumusta Cha?" Tanong ni Rita.

Nablangko yata ang utak ko sa kaswal niyang tanong. Naitago ko ang aking ngiti. Alam niyang may alam ako tungkol sa kanilang dalawa ni Sander kaya't ganito siya makipag-usap sa akin ngayon.

"Okay lang ako!" Diretso kong sagot kahit na alam kong hindi pa rin ako okay sa ginawa nila sa akin.

Pinanindigan talaga nila ang ginawa nilang kalapastanganan noon. Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila.

Tumikhim si Sander kaya't pinilit kong hindi magpa-apekto sa kanilang dalawa.

"So pa'no? Ready na tayo?" Tanong nito.

Tumango lang ako at kinuha ang gamit ni Charene. Lumapit na rin si Sander sa unahan at nag set-up.

Hindi ko na pinansin pa si Rita. Hindi ko rin naman maipagkakailang naging malapit ko siyang kaibigan kaya't pinipilit ko na lang iwaksi sa aking isipan ang nakaraan.

"Nag-asawa ka na pala Cha?" Natigil ako sa ginagawa dahil lumapit pa rin siya sa akin.

"Oo eh, wala.. Ito ang tadhana ko," 

Tadhana kong nasira ng dahil sa inyo. Dahil sa'yo!

Pumikit ako dahil kahit anong pilit ko ay nagsusumigaw pa rin ang galit ko sa aking isipan.

Kinuha ko si Charene kay Grace at inalalayan niya akong bihisan ito.

"Ang cute ng anak mo, nakakainggit ka!"

"Bakit ka naman maiinggit?" Patay malisya kong tanong. May nang-uuyam na tawa sa aking kaloob-looban.

"Wala. Siguro masaya ka na ngayon dahil may sarili ka ng pamilya."

Tumigil ako sa ginagawa at itinuon ang nakakamatay kong tingin kay Grace. Tumigil din ito at nagtatakang tumingin sa akin.

Nang-aasar ba ang babaeng ito? Ano bang gusto niyang sabihin?

"Bakit? Kayo ni Sander..." hindi ko naituloy ang nais kong sabihin nang matauhan.

Napatingin ako kay Sander na tumigil sa ginagawa marahil ay narinig ang aking sinabi.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now