Kabanata 18

64 4 7
                                    

Masakit ang aking ulo kinabukasan. Mainit pa ang aking pakiramdam at mabigat ang aking katawan. Natigilan ako nang may maalala. Napamura ako sa aking sarili. Panaginip lang iyon pero bakit parang totoong totoo? Napabuntong hininga ako at biglang napabangon ngunit agad ding natigilan nang may kakaibang kirot akong naramdaman sa ibabang bahagi ng aking katawan.

"Good morning!" Pumasok si Knee Yoz na may dala-dalang pagkain. "May lagnat ka pa ba?" tanong niya at inilapag sa lamesa ang kanyang dala.

Lumaki ang aking mata nang mapagtanto kung anong nangyayari. Napalunok ako at biglang inatake ng kaba.

"K-kagabi –" nahihirapan kong bigkas. Anong bang tamang salita ang aking sasabihin para hindi ako magmukhang assuming? Pero nasisigurado kong hindi iyon panaginip dahil masakit ang aking ibaba.

"Kagabi.." ulit niya, hinihintay na dugtugan ko ang aking sinabi.

"Anong ginawa mo sa akin?" kinakabahan kong tanong.

"May nangyari sa atin." Itinaas ko sa ere ang aking palad. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin.

Inis kong hinablot ang unan at hinampas sa kanya. "Mapagsamantala ka. Pinagkatiwalaan kita pero pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko," sumbat ko.

"Ano ba?" Lahat ng unan ay dinampot ko at pinagbabato sa kanya. Siya naman ay iwas nang iwas hanggang sa mahuli niya ang aking braso.

"Ikaw ang nag-initiate," mas lalo akong nainis sa kanyang sinabi kaya't muli akong pumiglas at binato siya ng unan.

"Hindi ako manyak para mag-initiate. Lasing ako at alam mo 'yan," pagtatanggol ko pa sa sarili. Hindi ko maaatim kung totoo nga ang sinasabi niya.

"Yeah. Lasing ka nga dahil hindi mo alam kung sinong kaharap mo." Natigil ako sa paghampas sa kanya.

"Anong sinasabi mo?"

"Sabi ko na nga ba't pagsisisihan mo ito. Totoong pinigil kita pero ayaw mong magpaawat dahil ang akala mo ay ako si Sander," pagak siyang tumawa at umiwas nang tingin sa akin. "Wag kang mag-alala mas maganda nang sa akin mo ibinigay ang dangal mo kaysa sa ibang tao. Thanks me later, kung di dahil sa akin ay muntik ka nang ma rape ng ibang lalaking inakala mong si Sander." Alam kong naiinis siya dahil sa bawat galaw ng kanyang labi ay nag-uumigting ang kanyang panga.

"Kumain ka na," natulala na lang ako nang tumalikod siya palabas.Pinilit kung alalahanin ang nangyari kagabi. Lasing ako kagabi at hindi ko alam ang nangyari. Naalala ko lang ay may isinayaw akong lalaki.

Gabi na nang magdesisyon akong lumabas. Hiyang hiya ako sa sarili ko ngunit kailangan kong harapin ito. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang nanunuod. Napasulyap siya sa akin ngunit agad ding umiwas. Nagbigay ako nang distansiya sa pagitan naming dalawa bago umupo at itinutok ang paningin sa palabas. Wala akong naiintindihan sa aking pinapanuod at nagiging tensiyonado ako habang lumilipas ang minuto na tahimik lang kaming dalawa.

"May sasabihin ka?" tanong niya habang nakatutok ang atensiyon sa palabas.

"Y-yung nangyari kagabi.. S-sorry!" Napalunok pa ako habang kinakabahan sa paghihintay ng kanyang sagot.

"Tama ka. Kasalanan ko naman talaga. Alam kong lasing ka at dapat lang ay pinigil kita," seryoso niyang saad. Hindi pa rin niya ako sinusulyapan. Bigla akong naguilty na parang inaako pa niya ang pagkakamali ko.

"Hindi. Kasalanan ko!" Sagot ko at hinarap siya, nagbabakasaling sulyapan niya ako ngunit hindi nangyari.

"Aalis na ako dito. Ayoko nang maging pabigat sa'yo." Mabilis pa sa alas kwatro nang bumaling siya sa akin at parang gulat na gulat sa aking sinabi.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now