Kabanata 6

118 8 7
                                    


Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras.

Narinig ko ang pagtawag ni Andra.

"Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin.

Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagbo-boyfriend naming magkakapatid.

"Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya.

Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda.

"Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school.

Hindi ako sumagot kay Andra dahil nasa isip ko ang sinabi ni Rita. Ang ibig kung sabihin ay normal lang naman sa tao na magkomento pero nang marinig ko ang mga salita galing sa kanya ay parang kakaiba. Para bang may pinanggalingan ang mga salita o sadyang nasanay lang talaga ako na hindi siya ang tipo ng tao na mapanghusga.

"Kahit ano na basta galing sa puso mo," tamad na sagot ni Rita. Nasa kanya pa rin ang atensiyon ko at patuloy siyang inoobserbahan

"Ano nga?" ulit pa nito. "Walang kwenta naman 'to pag tinanong." Inirapan ni Andra si Rita bago bumaling sa akin.

Nilibot ko ang aking pananaw sa ibang mga tinda na naroon hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa kabilang stall kasama niya ang lalaking anak ng tindera rin dito sa canteen. Nakatingin siya sa pwesto namin pero hindi ako sigurado kung sa akin ba siya nakatingin.

Agad ko itong nakilala. Sa maikling sandaling isinayaw niya ako ay hindi ko nakalimutan ang mapaglaro niyang mga ngiti at ang nakakaakit niyang mga mata.

Ano kayang ginagawa niya dito? Magkakilala ba sila ni Archie?

"Halina kayo," kagyat na iniabot sa amin ni Andra ang kanyang pinamili.

Palabas na kami ng canteen nang tawagin ni Archie si Andra.

"Mauna na kayo," bilin niya saka kami iniwan. Sinundan ko siya nang tingin habang patungo siya roon sa kinaroroonan ng dalawa.

Hindi ko na sila nasundan ng tingin dahil hinila na ako ni Rita pabalik sa ground.

"Anong meron?" kuryusong tanong ko kay Rita na nakatingin din kay Andra. Umaasa akong may makukuhang sagot pero nagkibit-balikat lang ito.

Hindi ko na rin natanong si Andra tungkol doon dahil nagpatuloy na rin kami sa pag practice. Habang nagpa-practice kami ay nahuhuli ko si Sander na panay ang tingin sa akin kaya't ilang na ilang ako.

"Okay guys, see you again tomorrow."

Pagkatapos magpaalam ang leader namin ay kinuha ko na ang mga gamit namin na nakatambak lang sa gilid.

Nagpasalamat ako nang matapos ang practice dahil malapit na namang dumilim. Paniguradong galit na naman ang isasalubong ni nanay sa akin kapag ginabi na naman ako ng uwi. Wala kaming gaanong ginawa sa buong araw kundi mag-pratice pero nakakapagod.

"Cha, ihahatid ka raw ni Sander." Natigil ako sa ginagawa at napatingin kay Arnold. Mag-isa lang siya kaya't iginala ko ang paningin ko at natagpuan kong nag-aabang ito malapit sa gate.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now