Kabanata 35

19 3 0
                                    

Pagkatapos ng seremonyas ay kanya-kanya nang sakay ang iilang mga bisita para pumunta sa restaurant. Magkasama pa rin kaming dalawa ni Knee Yoz kahit walang isang salitang namagitan sa amin. Karga niya si Charene pagsakay namin sa dyip at si Roberto naman ang kumarga kay Arby. Si Andra ay tahimik ding nakaupo sa dulo. Hindi pa kami nagkakausap nang maayos at laging wrong timing ang pagkikita naming dalawa.

Kanina ko pa rin pinagmamasdan si Denise na pilit na umiiwas kay Edward ngunit sunod nang sunod din ang isa sa kanya. Hanggang sa pagdating namin sa venue ay naroon pa rin si Edward na tahimik na nakabuntot kay Denise. Dalawang lamesa ang pinagsama namin at sama-sama na kaming umupo roon para kumain.

Napapaligiran ng puno ang lugar na ito kaya't tahimik at nakakawala ng stress ang paligid. Naalala ko bigla ang buhay sa probinsiya.

Napatingin ako kay Knee Yoz nang tumayo siya para kumuha ng pagkain. Napatingin ako kay Denise dahil wala yatang balak si Edward na lubayan siya.

"Edward, hindi ka kakain?" tanong ko kahit na ayoko siyang kausapin. Hindi maganda ang huling pagkikita naming dalawa kaya nawalan na rin ako ng tiwala sa kanya.

Tahimik siyang tumayo at sumunod kay Knee Yoz. Aba! Hindi man lang ako sinagot?

"Mads, kalmahan mo lang ah," ani ko ngunit inirapan niya lang ako.

"Anong sinasabi mo dyan?"

Bahagya akong natawa ngunit pinigil ko nang makitang pabalik na si Knee Yoz sa lamesa namin. Dalawang kamay niya ang may hawak nang pagkain. Pagkarating ay inilapag niya sa harapan ko ang isa saka siya umupo.

Tumaas ang kabila kong kilay at napatingin sa kanya. Hindi yata maganda ang hangin ngayon.

"Wag mo na akong tingnan at kumain ka na lang," saway niya.

Ilang pa akong humawak sa aking kutsara nang mag-umpisa siyang kumain. Nag-umpisa na rin akong kumain nang dumating si Edward at ginaya ang ginawa ni Knee Yoz.

Nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain nang may dumating. Agad akong napatayo nang makita sina Sander at Rita.

"Kakilala mo sila?" tanong ni Knee Yoz na takang nakatingin sa akin.

"Kaklase ko noong High School.. Hindi mo naalala si Sander?"

Hindi ko alam kung tama bang itanong sa kanya 'to, pero nagtaka rin ako sa tanong niya. Alam kong kilala niya si Sander liban na lang kung nakalimutan niya.

"Hi!" bati ni Sander nang makalapit sa pwesto namin. "Pasensiya na hindi kami nakaabot sa ceremony,"

Okay lang. Hindi ko naman inasahan ang pagpunta niyo lalo na sa babaeng kasama mo. Magsasalita na sana ako nang tumayo si Knee Yoz at bahagya akong itinago sa kanyang likuran.

"Knee Yoz?" Napatingin ako kay Rita nang banggitin niya ang pangalan nito. Kumunot ang aking noo. Ang alam ko ay hindi ko naipakilala sa kanila si Knee Yoz o nakalimutan ko lang?

Humakbang ako nang bahagya para makita ko si Sander pero mas lalo ko lang nasaksihan kung paano sila nagtagisan ng tingin sa isa't isa. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensiya ni Sander at pinagpapawisan ako nang malamig o dahil alam kong anumang oras ay maaaring magwala si Knee Yoz dito.

"Okay lang, kain na kayo.. sige na," bahagya kong tinulak si Sander patalikod pero hindi pa rin lumayo ang tingin niya sa aking asawa.

Mas lalo pa akong kinabahan nang hinila ako ni Knee Yoz pabalik sa kanyang tabi. Napapikit na lang ako at tahimik na nagdasal.

Diyos ko po, habaan niyo pa ang pasensiya ng asawa ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Napatingin ako kay Sander at Rita na kumukuha na ng pagkain. Nakatingin pa rin siya rito at nakita kong pinipigilan din siya ni Rita.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now