Kabanata 2

150 10 3
                                    

Nakakabinging ingay ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa plaza ng aming baranggay. Bawat beat ng tugtog ay parang tinatambol din ang aking dibdib.

"Whoah..sige pa." Agad akong hinila ni Andra sa gitna at agad na sumayaw sa saliw ng musika.

Hindi ko maintindihan ang kanta dahil remix iyon at puro beat lang.

Kita ko rin ang pagsayaw ni Arnold at ng aking kapatid. Si Sander ay nasa harap ko rin at parang nahihiya pang bahagyang gumalaw.

Naaliw ako sa kanya kaya't bahagyang napasayaw na rin ako. Dahil hindi ako sanay ay galaw-galaw lang ng paa at kamay ang alam ko at bahagyang kembot.

Kahit mainit at siksikan ay walang pakialam ang bawat isa at basta na lang sumusunod sa beat ng tugtog.

"Parang tuod sumayaw eh," pasigaw na puna ni Arnold sa amin ni Sander. Natawa ako nang pumagitna siya sa amin at gumiling-giling na parang macho dancer.

"Whoo.." sigaw niya pa habang ptuloy na gumigiling pababa at nakataas ang dalawang mga kamay.

Agad kaming nalunod nang tumugtog ang budots dance at dahil paborito iyon ni Andra ay nakisali siya sa amin. Tawa ako nang tawa habang nakikisayaw sa kanila. Ang saya pala pag first time. Hindi na ako magtataka kung maraming mga kabataan ang natutuksong gumawa ng mga bagay na hindi pa nila nararanasan. Ganito pala ang pakiramdam, gaya ko ay natukso akong maramdaman ang ganitong saya at kalayaan.

Mahigit isang oras kami sa gitna nang magpasya kaming umupo muna para magpahinga.

"Ano, pagod ka na?" nanghahamon pang tanong ni Andra.

Ang yabang talaga nito porket sanay lagi sa diskuhan.

Umupo kami sa pahabang upuan na gawa sa semento. Maraming nakaupo pero mas marami ang nasa gitna. Napansin ko ring marami pang tao sa labas.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ni Leila, napatingin ako sa kanya at bakas sa kanyang mata ang pag-aalala.

"Grabe naman 'to, kakarating lang natin uwian na agad ang iniisip mo," natatawang sagot ni Arnold sa aking kapatid.

"Baka kasi umuwi si nanay at tatay at maabutan kaming wala sa bahay," dahilan nito habang nakatingin sa akin.

Alam kong hindi uuwi si nanay at tatay dahil kailangan nilang bantayan ang uling pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib, sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan at hindi ko alam kung bakit.

"Mag-enjoy ka na lang Lei, total pagagalitan rin lang naman kayo sulitin niyo na," sabat pa ni Andra. Napapailing na lang ako sa kanya, kahit kailan demonyo talaga 'tong babaeng ito, palibhasa siya ay di nag-aalalang pagalitan.

Isa-isang nagsialisan ang mga tao sa gitna nang tumugtog ang unang sweet dance, In your Eyes ni George Benson. Tanda na pwede nang magrequest ng kanta. Tumingin si Sander sa akin at nakangiting hinila ako sa gitna. Nilapit niya ako sa kanya at hinapit ako sa beywang. Dahil matangkad siya sa akin ay nakatingala lang ako sa kanya. Inilagay ko rin ang aking kamay sa kanyang balikat.

Hindi mawala sa labi namin ang ngiti habang sumasabay sa indayog ng musika ang aming mga katawan.

"Ito na ang theme song natin simula ngayon," mahinang bulong niya sa akin, sa kabila ng ingay ay umabot pa rin iyon sa aking pandinig at naghatid ng kiliti sa aking buong sistema. Itinaas ko ang aking kilay para itago ang nararamdaman.

Mas lalong nagwala ang aking sistema nang marahan niyang sinabayan ang kanta. Sa bawat pagbuka ng kanyang labi ay lalo akong nahuhumaling. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at dinama ang ganda ng kanyang tinig.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now