Kabanata 15

75 6 7
                                    


Hiyang hiya ako sa nangyari. Dahil sa gulat ay naibuga ko ang aking iniinom at tumama pa iyon sa babaeng dumaan kaya't inis itong napatingin sa akin. "Sorry, sorry!" Naiilang akong dumalo sa babae. Hindi ko alam ang gagawin.

"Sorry Grace!" Tumayo din siya at humarap sa babae. "Nabigla lang, hindi naman sinadya."

Lalo akong nailing nang mapansing nakatingin na sila sa amin.

"Sige okay lang kuya." Hindi na nakipagtalo pa ang babae at lumipat sa kabila dala ang kanyang pagkain.

Hindi ko alam kung sadyang mabait lang yung babae o dahil kay Knee Yoz kaya hinayaan niya na lang ako.

"Ikaw kasi..kung anu-ano 'yang lumalabas sa bibig mo," paninisi ko sa kanya at umupo ulit.

Tumawa lang siya at bumalik sa pagkaupo "Bakit? Kasalanan ko bang apektado ka sa sinabi ko?"

Inirapan ko siya. "Anong apektado sinasabi mo? Ako, apektado? Tss." Bumilis ang aking paghinga at umiwas sa kanyang tingin.

Pinilit kong kumain kahit busog ako kaysa makipagsagutan sa mga banat niya sa akin.

"Dahan-dahan lang..mamaya mabulunan ka na naman," nang-aasar pang puna niya sa akin.

Mas okay pa yatang magmukha akong tanga habang kumakain nang mag-isa kaysa kasama siya. Hindi ko ipagkakailang naiilang na ako minsan sa kanya na hindi naman dapat.

"O pano uuwi na kami boss Knee Yoz.."

"Una na kami boss ah,"

Napapatingin ako sa mga barkada nilang nagpapaalam kay Knee Yoz.

"Tol..congrats!! Salamat sa pakain."

Nagsialisan na ang kanilang mga barkada pagkatapos kumain. Akala ko ay mag-iinuman pa sila pero hindi naman pala.

Apat na lang kaming natira rito sa rooftop at wala na rin namang lilinisin dahil nagtulong-tulong kami kanina na linisin ang mga kalat. Ang ibang mga pagkain na natira ay pinadala na rin ni Edward sa iba nilang barkada.

"Boss, salamat pala. Pa'no mauna na kami. Hahatid ko pa 'tong magiging asawa ko," paalam ni Edward sa kanya.

Humalakhak silang dalawa at pinagbunggo ang balikay. Lumapit si Knee Yoz at bumulong kay Edward pagkatapos ay sabay na humalakhak.

Usapang lalaki siguro.

"Sabay ka na sa amin ni Edward Cha." Lumapit si Denise sa akin dala ang kanyang bulaklak.

"Congrats ulit!"

Gusto ko pa sanang itanong kung legal sila sa kanilang mga magulang pero hindi ko na itinuloy pa dahil naalala ko lang sila nanay at tatay. Ayokong malaman kung anuman ang estado ng relasyon ni Denise sa kanyang mga magulang.

"Tara na," yaya ni Edward sa amin.

"Mauna na kayo ward. Ako na maghahatid kay Cha." Agad akong napalingon sa kanya.

"Ohh.." makahulugang sambit ni Edward.

"Sige una na kami ah." Kakaibang ngisi ang binigay ni Denise sa akin na para bang nang-aasar bago sila umalis.

Hindi ko alam ang gagawin nang maiwan kaming dalawa. Natuod yata ako nang makita kong palapit siya sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko tumigil yata ang oras kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ko. Agad akong napahawak sa aking dibdib.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ako sa balikat.

"Wala." Tinanggal ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa aking balikat. "Gusto ko nang umuwi," sagot ko at nagpatiunang bumaba.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateWhere stories live. Discover now