CHAPTER 19/PART 1: YOUR VERSION

2.6K 44 4
                                    

NAKASUOT si Maxine ng red pair of bikini nang lumusong siya sa tubig. Tulad kahapon ay abala naman si Lucas sa panghuhuli ng isda. Wala naman siyang ibang pwedeng gawin sa isla kundi ang maglangoy o mag-jet ski. Kaso nga lang, hindi pa niya gaanong gamay ang paggamit noon kaya hihintayin na lang niya si Lucas na matapos sa pangingisda para masamahan siya nito.

Nang magsawa sa paglalangoy, umahon na si Maxine at naglakad papalapit sa sun lounger. Natigilan siya nang mapansing naroon na si Lucas. Mukhang hinihintay talaga siya nitong umahon sa tubig.

“I thought you were fishing?” aniya nang makalapit.

Ngunit ang mga mata nito’y natuon sa halos hubad na niyang katawan. He stared at her as if he was watching drops of water fell from her mouth-watering body. He bit his lip and licked it.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya.

“Towel please?” pukaw niya sa atensyon nito.

He chuckled when he realized she was already so close to him. Dinampot nito ang putting tuwalya at saka ibinalot sa katawan niya.

“Ako na,” aniya nang magsimula itong idampi sa balat niya ang may kakapalang tuwalya. She felt his every touch so sensual, kaya inagapan na niya ang mga kamay nito. “I think... I can do this better.”

Then she winked at him.

He pouted his lips. Wari’y nagtatampo sa ginawa niya.

“Where’s the fish?”

“Nasa cold storage box. Masyado pa namang maaga para magluto, so I’ll just join you here.”

She shrugged. “Okay then. But uhm... Gusto mo bang may gawin ka?”

He nodded.

Kinuha niya ang sunblock na inilapag kanina roon at saka iniabot kay Lucas.

Mukhang nakuha naman agad nito ang nais niyang gawin nito, ngunit hindi niya inaasahan ang kakaibang kislap sa mga mata ni Lucas. Nakagat niya ang labi at nagpatay-malisya na lang doon.

Tinipon niya ang buhok at saka inilagay sa kabilang balikat niya upang malagyan nito ng sunblock ang buong likod niya habang nakadapa. Mariin niyang nakagat ang labi nang magsimula itong pahiran ng lotion ang likod niya. He sensually spread an ample amount of it on her back.

“Hindi ka ba kailangan sa office ngayon?” aniya habang nakapikit ang mga mata.

Natagalan ito bago makasagot.

Napabuntonghininga siya. He must have sacrificed a lot for that short vacation with her. Hindi lang nito gustong ipaalam sa kaniya. He wanted her to think that everything was fine.

“You don’t have to worry about it. I can make up for my absences after this. Can we just enjoy this short break?”

She just groaned.

Napapitlag siya nang dumako sa baywang niya ang kamay nito habang naglalagay pa rin ng sunblock. She was waiting for him to finish it, pero mas lalo pa nitong binagalan ang paghagod doon.

“Turn around and face me,” ani Lucas sa napapaos na boses.

Napalunok si Maxine. Hindi naman siya noon nahihiya kahit humaharap siya sa mga lalaki habang nakasuot ng bikini, pero kay Lucas... parang siyang matutunaw sa bawat titig nito.

Mabagal siyang tumihaya. Halos tumalon ang puso niya nang hawakan ni Lucas ang kaniyang hita. His warm hand caressed her thigh, spreading the lotion. Mabagal. Makapigil-hinga ang bawat haplos ni Lucas doon.

She silently cursed.

Tila nabunutan siya ng tinik nang matapos ito sa ginagawa. He’s already sweating when she faced him. Itinukod niya ang magkabilang siko sa malambot na kutson sa sun lounger. Kahit nakasuot ng shades ay dama pa rin niya ang matiim na titig nito sa kaniya.

“Stop staring, Luke,” saway niya rito.

Ngunit mahina lang itong tumawa.

“Move closer, baby,” halos pabulong na lang nitong sabi.

She froze for seconds. She blinked twice and her heart suddenly hammered in her chest when Lucas tapped his thighs. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin.

Nang hindi pa rin siya kumilos ay bigla na lamang niyang naramdaman sa magkabilang baywang ang malapad nitong kamay. Sa isang iglap ay naroon na siya sa kandungan nito—nakatalikod kay Lucas.

He spread his legs apart. Nahulog siya sa pagitan ng mga hita nito. She could almost feel his hard on behind her.

“I’m sorry kung nagselos ako,” mahina nitong sabi habang nakapatong ang baba sa balikat niya.

Bumuntonghininga siya. “Wala ka namang dapat ikaselos. I don’t look at them like how I look at you. Business is business. At ‘yon lang ang ginagawa ko.”

She felt him smiled.

Napangisi siya. Lilingunin sana siya nito ngunit matigas nitong pinigilan ang kaniyang magkabilang pisngi.

“Let me see you,” natatawa niyang sabi.

“No, baby, no.”

She laughed so hard. “Why? Are you blushing?”

She counted in three before she turned. She was stunned when she saw how she made his ears turned red. That’s how he blushed. Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Namumula rin iyon.

“You’re really blushing, huh,” she teased him.

Umiling si Lucas. Pilit pa ring itinatanggi ang sinasabi niya. Umiwas ito ng tingin.

“Stop teasing me, Alexa or else...” he trailed off.

Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Tumayo siya at saka yumuko para hulihin ang mga mata ni Lucas. Ipinatong niya ang braso sa magkabilang balikat nito. Her breast almost leveled his face.

Napasinghap siya nang bigla itong humarap. Mabilis na dumapo sa magkabilang pisngi niya ang mga kamay nito. Iginiya siya nito paupo sa kandungan. Sa pagkakataong ‘yon, nakaharap na sa kaniya.

“I warned you,” he whispered.

“I don’t get it. Hindi ba, ako dapat ang magselos. I know your type. Tulad ni Nympha. Mahinhin, tahimik, classy—”

“You are classy. Will you stop comparing yourself with her?”

Ngumuso siya.

“Seriously, baby. Nagseselos ka pa rin ba kay Nympha?”

Hindi siya sumagot. May parte pa rin sa kaniya na nagseselos siya kay Nympha. Kahit taon na rin ang lumipas.

“Fine. Oo. Nagseselos pa rin ako sa kaniya.”

“Am I not doing enough to make you feel I love you?” May himig ng pagtatampo ang boses nito. 

Maagap niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Lucas at pinagtama niya ang kanilang mga mata. “Of course, you’re doing more than enough. It’s just me, Luke. So, I’m sorry.”

“I’m just... insecure. She’s prettier than me and uhm—maybe the better version, kung sakaling siya ang pinakasalan mo.”

He sighed heavily. “Stop that already. Don’t ever think like that, okay? Walang mas maganda. Walang better version gaya ng sinasabi mo. You are both different, but what I like so much is your version.”

“Kung hindi lang naman tayo ipinagkasundo ng mga magulang natin, hindi magiging tayo,” aniya.

Isinubsob ni Lucas ang mukha sa leeg niya. “But this is where our fate brought us. Hindi ba pwedeng ‘yon na lang ang pahalagahan natin ngayon? Not the past, not Nympha—not anything else...”

She sighed and slowly nodded.

“Good. That’s my wife,” he said, smiling, and slowly planted kisses on her neck.

Ang tunog ng alon at huni ng mga ibon na lamang ang tanging nakakaalam ng mga sumunod na pangyayari.

FRIENDS WITH BENEFITSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang