CHAPTER 14: MAKE IT REAL

3.1K 59 8
                                    

KAGAT-LABING napayuko si Maxine nang magharap-harap sila sa dinner. Dinala na ni Dahlia sa guestroom ang kanilang anak na si Noah para magtuloy-tuloy ang tulog. Nauna nang binulungan si Maxine ng kaniyang amang si Gen. Bernardo para kausapin tungkol sa nangyari. Ngunit sa ama’t ina ni Lucas, mukhang hindi sila makakaligtas.

“Wala bang magsasalita sa inyong dalawa? How did this happen? I mean, wala namang duda na anak talaga ni Luke si Noah. Hindi na kailangan pa ng DNA test. Pero anong ibig sabihin no’n? May relasyon na ba kayo noon pa?”

Nakagat ni Maxine ang pang-ibabang labi nang marahang pinisil ni Lucas ang kamay niya mula sa ilalim ng mesa.

“Mom, I was in Almendras that time. Kauuwi ko lang from LA. I went to a bar, and that’s where we met,” ani Lucas na tila gusto na agad na tuldukan ang pagtatanong sa kanilang dalawa.

Hindi naman nakatiis si Erin na kanina pa naghihintay ng tiyempo. “Para mas simple, they had a one night stand. Max got pregnant and she hid it from all of us.”

“Uhh... Don’t get me wrong, Max. Ako, naiintindihan kita kung bakit mas pinili mong itago si Noah sa amin noon. Of course, you didn’t even know Kuya’s name. Kaya, Mom, Dad... ‘wag na kayong magalit. Let’s just be happy na nagkaroon na kayo ng apo nang mas maaga.”

She bit her lower lip. She must thank Erin for explaining it for her. Dahil masyado na rin siyang pinangunahan ng takot para magpaliwanag pa.

Nakahinga na rin siya nang maluwag nang buong pusong tinanggap ng mga magulang ni Lucas si Noah.

PAGKATAPOS ng family dinner at birthday celebration ni Lucas, agad siyang dinala ng lalaki sa kanilang silid. Pagpasok pa lang nila roon, damang dama na ni Maxine ang matinding emosyon kay Lucas. He pinned her to the wall and stared at her like she was his prey.

“I’m mad at you… at the same time happy that you gave me the most special birthday gift. I don’t know how to thank you enough, baby.”

Napalunok siya nang bumaba ang tingin nito sa namumula niyang mga labi. Sa isang iglap ay napalitan ng masuyong tingin ay kanina’y matalim at malamig nitong tingin sa kaniya.

“Luke, I need to take a shower. Kagagaling ko lang sa byahe at—”

“Then let’s do it together,” halos pabulong na lang na sabi nito. Hinawakan siya ni Lucas sa palapulsuhan at hinigit papasok sa banyo.

Marahan siya nitong itinulak sa ilalim ng dutsa at saka hinayaang dumaloy ang tubig sa kanilang dalawa. Their clothes got wet. Isinandal siya ni Lucas sa malamig na pader ng banyo.

“I’m sorry for keeping it from you. H-Hindi kasi kita kilala noon. At... at ayoko ring magmukha akong disgrasyada kaya kahit kay Dad, hindi ko ‘yon sinabi.” Nagbaba siya ng tingin para matakasan ang nakakapanghinang titig ni Lucas sa kaniya.

“Really?” he said in a hoarse voice. “You’re sorry?”

Kagat-labi siyang tumango nang marahan. Iiwas sana ulit siya ng tingin nang maramdaman niyang lumapat ang likod ng palad nito sa baba niya para magpantay ang kanilang mga mata.

“Stop looking away when I want to see your lovely eyes, Lex. Your eyes couldn’t lie to me.”

Marahas siyang napalunok. “O-Of course, I mean it. I am really sorry.”

He crouched a bit, their nose almost touching.

“Then what will you do to make it up for me, huh?”

Halos matunaw na si Maxine sa matiim nitong titig sa kaniya. “I-I don’t know. S-Sabihin mo na lang sa ‘kin kung anong gusto mong... gawin ko.”

He licked his lip as he kept staring at her. “Answer my question then.”

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon