CHAPTER 22: BROKEN

2.3K 33 9
                                    

NAGISING si Lucas sa mararahang tapik sa kaniyang pisngi. Pagmulat ng mga mata niya, bumungad ang maamong mukha ni Maxine sa kaniya.

He was about to kiss his wife nang mahagip ng kaniyang mga mata ang orasan sa bedside table.

“Oh, shoot! It’s 10:00 in the morning!”

Mabilis niyang dinampian ng halik ang pisngi ni Maxine na mahimbing pa rin ang tulog. “I’m sorry, baby. I really have to go now.”

Para siyang turumpo na nagpabalik-balik sa banyo at sa walk-in closet. Halos hindi niya namalayan kung paano nagawang mag-prepare sa loob ng mahigit sampung minuto.

Bagama’t nagmamadali, he left the mansion with a light mood. Dahil late nang nagising, hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na nagpahatid sa city hall. Hindi kasi siya sanay na nale-late ng pasok sa opisina. Maraming made-delay kung hindi niya ima-manage nang maayos ang oras niya sa trabaho bilang pinuno ng lungsod.

“Mayor, sigurado po ba kayong sa city hall tayo ngayon?” nahihiya pang tanong ng kaniyang driver na si Manong Jose.

He frowned. “Of course. Pakibilis na lang po, Manong. Late na ako.”

Gusto pa sanang magsalita ni Manong Jose pero mukhang natakot na itong muli pang magsalita.

Pagdating nila sa city hall, natigilan si Lucas nang may mapansin.

“Bakit walang tao sa concierge?” aniya na agad kumunot ang noo.

Hindi agad nakasagot ang mga bodyguard niyang kasama. Nagkatinginan pa ang mga ito. Hanggang sa tumikhim ang isa bago lakas-loob na magsalita.

“Ahh, Mayor… Sunday po kasi ngayon.”

His eyes widened, and his body froze for seconds. Kinuha niya sa bulsa ng pants ang phone para ikumpirma iyon.

Nasapo niya ang noo. “F-ck. What’s happening to me?”

It’s supposed to be his rest day. He bit his lip in embarassment, but he couldn’t help laughing at himself.

“Sige, tumawa kayo nang wala kayong sahurin sa katapusan,” nangingiti niyang banta sa mga bodyguard niyang halatang nagpipigil lamang na makitawa sa kaniya.

Tumayo nang tuwid ang mga ito. Ngunit mas lalo siyang natawa sa straight face ng mga ito.

“You guys look like living statues.” He jokingly punched one of his bodyguards’ chest.

“Come on, Manong Jose. Let’s go home. My wife would probably mock me the whole day.”

And he was right.

“You seriously prepared that fast? And you forgot it’s Sunday. Oh my goodness, Luke,” natatawang sabi ni Maxine habang naghahanda ng breakfast.

He glared at her. “Stop.”

Ngunit mas lalo pa itong tumawa. Hindi pa ito nasiyahan at inulit ang sinabi niya kanina.

“Bakit walang tao sa concierge?” ani Maxine na agad binuntutan ng malakas na tawa.

He shut his eyes to avoid seeing his wife, laughing at him. He’s a bit annoyed, not with his wife but for his “lutang moment” that’s too early and embarassing. He even dressed on his normal formal attire.

Lucas spend the day for a quality time with his family. Hindi na sila nakaabot sa morning mass kaya hapon na lamang sila dumaan sa simbahan.

Lucas let Maxine plan a simple pool party. She suggested it dahil kinabukasan ay subsob na naman sila sa trabaho. Imbitado roon ang ilan sa mga pinsan ni Lucas, lalo na si Culver na pinakamalapit sa kaniya.

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon