CHAPTER 28: FINAL CHAPTER

3.6K 45 27
                                    

HALOS magsalubong ang kilay ni Maxine nang makita ang litratong s-in-end sa kaniya ng pinsan niyang si  Elise. Her cousin was eating in a restaurant, and she happened to see Lucas and Noah with a girl joining their table. Kitang-kita sa picture ang pagtawa ng babae habang nakahawak sa braso ni Lucas. His face wasn’t shown in the picture. Nakatalikod kasi ito sa puwesto ni Elise.

Inis niyang ibinato ang phone sa sahig na nalalatagan ng makapal na carpet. Nagpaalam lang ito na sasamahan si Noah para bumili ng bago nitong rubber shoes at iba pang kailangan nito para sa sportsfest na gaganapin sa school kaya hindi na siya sumama. It was supposed to be a family day. Every Sunday ay namamasyal silang apat, pero dahil masama ang pakiramdam niya ay hindi na sila tumuloy. Mas gusto ni Lucas na magpahinga na lang siya sa bahay.

“Liar. He’s a liar!”

Ayon pa kay Elise, isa raw ang babae sa mga naging fling ni Lucas noon bago ito nagseryoso kay Nympha.

Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay muling tumunog ang kaniyang phone na nakatapon na sa sahig. Iritado siyang tumayo para kunin iyon. Halos magdikit na ang mga kilay niya nang makita ang ikalawang picture na s-in-end sa kaniya ni Elise. She kissed her husband’s cheek!

Mabilis siyang nagtipa ng mensahe kay Elise para itanong kung saang restaurant iyon. As soon as she got the location, agad niyang iniutos sa maid ang susi ng kotse niya. Dahil malapit lang naman iyon, wala pang 15 minutes ay narating na niya ang restaurant.

Hindi na siya nag-abala pang tugunin ang pagbati sa kaniya ng security guard doon. Agad niyang inilibot ang tingin sa restaurant pero ni anino ng mag-ama niya’y hindi niya nakita roon. Sakto namang may lumapit sa kaniyang waiter.

“Excuse me, nandito pa ba si Lucas Imperial?”

“Ah, kakaalis lang po nila… mga five minutes na po.”

Marahas siyang napabuntonghininga. “Okay, thanks.”

Kulang na lang ay paliparin niya ang kotse habang pauwi. Hindi niya pinansin ang phone na kanina pa nagri-ring. She knew it was Lucas.

Padarag niyang isinara ang pinto ng kotse matapos itong i-park sa likod ng kotse ni Lucas na mukhang kararating lang sa mansion.

“Hey, you’re home,” salubong agad sa kaniya ni Lucas na puno ng pag-aalala. “Where have you been?”

“Lumabas lang,” tipid niyang sagot. Dumiretso siya sa kitchen para kumuha ng tubig. She was not in the mood to talk to him.

Nagulat naman si Lucas sa inakto niya. “To where? You’re not feeling well, right?”

Nilagok niya ang laman ng baso at saka iniwan sa sink.

“Somewhere.” Nilampasan niya ito at dumiretso na sa hagdan.

Mariin niyang ipinikit ang mata dala ng iritasyon nang sundan pa rin siya ni Lucas doon.

“Babe, what’s wrong? You’re acting so strange.”

“Nothing, Lucas.”

Nahilot ni Lucas ang sentido. “I know there is. Come on, babe, let’s talk. Tell me what’s gotten in you, please?”

Inis niya itong nilingon. “I already said nothing, Lucas.”

Maxine could be childish sometimes, but she was just not in the mood to even confront him. Pero alam din niyang ayaw ni Lucas ng nagsisinungaling. Sa maikling panahon nito sa pagiging city mayor, halos nakabisado na nito ang mga taong nakakasalamuha nito. At malamang, sa nakikita sa kaniya ay hindi talaga ito maniniwalang wala lang iyon.

Marahang hinawakan ni Lucas ang siko niya nang makarating sila sa kanilang silid.

“Stop lying and tell me what’s wrong. I know something bothers you, so please tell me.” He tried to be calm despite her attitude.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now