CHAPTER 10: SHE'S ALIVE

3K 58 3
                                    

NAGTAGIS ang bagang ng ama ni Maxine na si Gen. Bernardo matapos makatanggap ng tawag mula sa mga tao nitong sumugod sa kampo ng mga sindikatong um-ambush noon kay Lucas. Napag-alaman niyang pareho din ito sa grupong um-ambush sa dating nobya ng binata na si Nympha.

Personal niyang pinuntahan ang nasabing kampo. Nahuli na ang mga miyembro ng sindikato ngunit hindi niya inaasahan ang susurpresa sa kaniya nang araw na ‘yon.

“General, may isa po tayong survivor.”

Napatda sa kinatatayuan ang heneral nang tumambad sa kaniya ang mukha ng babaeng natagpuan sa kampo. Kahit halos lubog na ang mga mata nito at nangangayayat na sa hirap na dinanas doon, hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon.

“Ms. Lardizabal?”

Nangangalumatang nag-angat ng tingin ang dalaga at mapait na ngumiti.

“Pwede n’yo po bang tawagan ang pamilya ko?” nanghihina nitong tanong.

Nahahabag na nilapitan ng heneral ang dalaga para igiya sa mga nakaantabay na medic. “Sumama ka na muna sa kanila, hija. Kami na ang bahalang tumawag sa pamilya mo.”

Hindi mapakali si Gen. Bernardo nang makabalik na ito sa kotse. Masaya siya na nakaligtas si Nympha. Mabuti itong bata at maraming natutulungan sa Castillejos. Ngunit ngayong buhay pa ito, paano ang anak niyang si Maxine? Kasal nga ito kay Lucas pero alam naman niyang hindi gusto ng dalawa ang isa’t isa. Hindi pwedeng masira ang kasunduan ng dalawang pamilya.

NANGINGITING pinagmasdan ni Maxine ang natutulog na si Lucas. Hindi na nito nasagot pa ang tanong niya dahil agad itong dinalaw ng antok, dala na rin siguro ng matinding pagod sa trabaho.

Pinaglandas niya ang hintuturo sa pisngi nito, patungo sa mga labi nitong natural ang pagkapula.

Paano nga ba siya hindi mahuhulog sa ganoon kagwapo at ganoon ka-hot na mayor with a heart?

She chuckled at her thought. Inilapit niya ang mukha sa lalaki para sana dampian ng halik sa labi nang bigla na lamang tumunog ang phone nitong nakalapag sa bedside table. Inabot niya ito at binasa ang pangalang nakarehistro sa screen.

Mommy Leah.

Sinulyapan niya si Lucas na masarap pa rin ang tulog.

“Who’s Mommy Leah? Elizabeth naman ang pangalan ni Tita?” aniya sa sarili.

Ibabalik na sana niya ang phone sa table nang matapos ito sa pagri-ring ngunit muli na naman itong tumunog. Iyon pa rin ang tumatawag.

Ayaw na sana niyang gisingin si Lucas pero mukhang importante ang tawag na ‘yon.

“Luke...” Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. “Hey, Luke, someone’s calling.”

He groaned. “Just turn it off,” ungol nito.

She sighed. “I think it’s important. It’s your Mommy Leah. Who is she—”

Nagulat siya nang bigla na lang itong napabalikwas. Agad nitong kinuha ang phone para sagutin ang tawag.

“Mom?” anito kahit medyo inaantok pa. “What? W-Wait, I’ll be there in five.”

“What’s going on?” naguguluhan niyang tanong sa lalaki, ngunit halos hindi na ito magkadaugaga sa pagsusuot ng damit.

“We’ll talk later. I just have to go. Please tell mom, okay?”

Nakaawang ang labi na tumango na lang si Maxine. Sinundan niya ng tingin si Lucas na halos madapa na sa pagmamadali nang lumabas ng kanilang silid.

Malungkot niyang ibinagsak ang katawan sa kama. “Sino ba si Mommy Leah?”

Lumiwanag ang kaniyang mukha nang maalala ang ina ni Lucas. Oo nga pala. Pwede naman siyang magtanong dito.

Sakto naman na natiyempuhan niya itong nagbe-bake sa kitchen. Elizabeth loves baking. Bukod sa pamamasyal ay ito na talaga ang libangan ng ginang na gusto rin nitong matutunan niya para kay Lucas.

“Tita...”

“What did I tell you about that, anak?” anito na may himig ng pagtatampo ang boses.

Alanganin siyang ngumiti. “I’m sorry, ‘ma. Uhm, may tanong po sana ako.”

“May tumawag po kasi kanina kay Lucas. Mommy Leah po ang nakalagay sa screen and then nagmamadali na siyang umalis. I think, that was an emergency.”

Gulat itong napatingin sa kaniya. “Mommy Leah? Are you sure? She’s Nympha’s mom.”

Napaawang ang labi niya sa narinig. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan nang muli na namang marinig ang pangalan ng dalaga. She’s dead. Pero bakit ganoon?

Hindi umuwi si Lucas nang gabing ‘yon at hindi rin umuwi sa mansion nang mga sumunod pang araw. Nagtanong na siya sa ina ni Lucas pero wala naman itong sinabi sa kaniya. Ang tanging sagot lang nito ay may mahalagang inaasikaso sa trabaho ang lalaki. She even tried to visit him in the city hall pero hindi niya ito naaabutan doon.

Malungkot niyang tinitigan ang ceiling ng kanilang silid. Something is off. When she asked Elizabeth again, there was something with her reaction. Parang may nangyayari na hindi niya alam.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang phone niya. It’s Dahlia. Agad siyang bumalikwas.

“Ma’am? Ma’am, si Noah po! Nandito po kami sa ospital,” natatarantang sabi ni Dahlia mula sa kabilang linya.

Nanlamig ang buong katawan ni Maxine sa narinig. Halos hindi na niya maproseso ang mga sinasabi ni Dahlia nang halos talunin na niya ang hagdan pababa sa pagmamadali. She even heard Elizabeth calling her, ngunit masyado nang okupado ang isip niya para pansinin pa ito. Nang makasakay sa kotse’y agad niya itong pinasibad. She has to get there as soon as possible.

NANG makarating si Maxine sa ospital kung saan dinala si Noah, sumalubong na agad sa kaniya si Dahlia para ipaliwanag ang nangyari.

“W-Where’s my son? How is he?” Her voice was a bit shaking.

Sakto naman na kalalabas lang ng doctor na sumuri sa anak niyang si Noah. Agad naman siyang lumapit dito.

Ayon sa doktor, hindi naman nagtamo ng severe injuries si Noah matapos tumama ang ulo mula sa pagkakabagsak. Maayos na rin ang lagay nito at kailangan na lang obserbahan sa mga susunod pang oras.

“How did this happen, Dahlia?” iritable niyang tanong sa yaya ni Noah. 

Napayuko ito. “M-Ma’am, tinuturuan ko lang naman po maglakad si Noah, p-pero bigla na lang pong sumugod sa amin ‘yong nakawalang aso kaya nabitiwan ko si Noah. I’m sorry. Pasensya na po talaga.”

Saka lang napansin ni Maxine ang babaeng nakatayo ‘di kalayuan sa kanila at nakataas pa ang kilay habang sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Nasaan ba ang nanay ng bata? Siya na lang ang kakausapin ko,” maarte nitong sabi habang ngumunguya pa ng bubble gum.

Agad na uminit ang ulo niya sa narinig.

“Are you the dog owner?” tanong niya rito.

“Yes. Can you call his—”

“I’m her mom, b-tch!”

Napahinto ito sa pagnguya ng bubble gum at tila tinakasan ng kulay ang mukha.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now