CHAPTER 19/PART 2

2.3K 48 12
                                    

MAGKASALIKOP ang mga kamay nina Maxine at Lucas nang lisanin nila ang isla. Malaking tulong ang dalawang araw nilang pananatili sa isla. Kahit biglaan, they spent every second worth the break.

“Are you happy?” bulong ni Lucas habang nakayakap mula sa likuran ni Maxine. Their position was like Rose and Jack in Titanic. Ibinaon ni Lucas ang mukha sa balikat ni Maxine.

“Yes, I am happy. Diretso ka na ba sa city hall?” anas niya rito.

“Uh-uh. Ipapahatid na lang kita kay Manong. Sa susunod na balik natin sa isla, kasama na natin si Noah.”

Matamis siyang ngumiti. “I like that idea.”

Mahigpit siyang yumakap kay Lucas nang dumaong ang yate sa port. Sakto namang naghihintay na roon ang driver ni Lucas na si Manong Joe, kasama ang dalawang bodyguard ni Lucas na sasama sa kanila.

Sinundan niya ng tingin si Lucas na nakakunot ang noo habang may kausap sa phone nito. Lalapitan sana niya ito ngunit nagmamadali na itong sumakay sa kotse at mag-isang nagmaneho. Agad namang sumunod dito ang dalawa pang bodyguard na nakasakay sa isa pang kotse.

“Ano kayang problema?” nagtatakang tanong niya pero walang ibang makakasagot sa tanong niya kundi si Lucas.

“Ma’am, sakay na po,” untag sa kaniya ni Manong Joe.

Nag-aalangan naman siyang pumasok sa sasakyan. Isasara na sana ni Mang Joe ang pinto nang biglang pumasok ang dalawang bodyguard na iniwan ni Lucas para sa kaniya. Napalunok siya nang umupo ang mga ito sa magkabilang gilid niya.

“W-What’s happening?” aniya na malakas na ang kabog ng dibdib nang oras na ‘yon.

“Pasensya na po, ma’am. Utos po ni Mayor na hindi i-disclose ang dahilan.”

Mabilis siyang umiling. “No! Si Lucas? Is he okay? Ano bang nangyayari?”

Ngunit wala siyang nakuhang sagot sa dalawa. 

Ilang sandali pa ay umusad na ang kotse. She tried to call her husband but he’s not answering.

“Come on, Luke. Answer my call—” Napatili siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok na tumama bintana ng kotse, malapit sa gawi niya. Kitang-kita niya ang bakas ng bala roon. Bagama’t hindi tumagos sa bintana’y dama pa rin niya ang impact nito.

“Can someone tell me what’s going on?! Bakit tayo binabaril?” histerical niyang sigaw ngunit marahan na siyang iniyuko ng isa sa mga bodyguard na kasama niya.

Halos mabingi si Maxine sa mga sumunod na pangyayari. Mas dumalas pa ang putok na naririnig niya, kasabay ng paghandusay ng dalawang bodyguard na kasama niya. Kasunod niyon ang pagbaon ng matigas na bagay sa katawan niya, at ang unti-unting paglabo ng kaniyang paningin.

MALALAKI ang hakbang na tinungo ni Lucas ang city hall matapos makatanggap ang b-mb threat. Tagumpay namang nailabas ang mga tao roon bago pinapasok ang bomb squad.

Lucas worriedly stayed outside. Wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay doon. Malayo siya sa mismong building at nagkalat na rin ang awtoridad sa paligid. Nagpadala na rin siya ng extra security para kay Maxine na nasa byahe pa pauwi.

Mayamaya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya mula sa bulsa. Kanina pa iyon tumutunog ngunit ang atensyon niya’y nakatuon sa mga taong nasa labas pinapalabas ng building. 

His heart started thumping fast when one of the securities she sent for Maxine called. Nanginig ang kamay niya at nabitawan ang phone sa ibinalita nito sa kaniya.

Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid. Sakto namang kararating doon nina Culver at Nympha.

“Culver, please take over. It’s an emergency!”

Halos hindi makahinga si Lucas habang nagmamaneho patungo sa ospital na pinagdalhan kay Maxine. Sinalubong kaagad siya ng mga security na ipinadala niya. His whole body froze when he saw the stain of blood in their shirt.

“W-What happened?!”

Ayon sa lalaki, na-ambush ang kotseng lulan si Maxine at ang dalawang bodyguard na sina Mark at Colt. Dead on arrival ang dalawa na sinubukan pang makipagbakbakan sa mga gun man. At si Maxine—kritikal ang kondisyon.

Nailipat na sa operating room si Maxine nang oras na iyon kaya wala nang nagawa si Lucas kundi ang maghintay sa labas. Sinulyapan niya ang relo. Tila kaytagal ng bawat minutong lumilipas habang naghihintay siya roon.

The police came to investigate. Ngunit wala na roon ang atensyon niya. Nanatiling nakatuon ang atensyon niya sa nakasaradong pinto ng operating room, at naghihintay ng doktor na lalabas doon.

Ilang sandali pa ay bumukas na ito. Agad siyang tumayo para kausapin ito.

“Doc! Doc, how’s my wife?” His hand was a bit shaking.

“She’s stable now. Maraming dugo ang nawala sa kaniya pero nakabuti ang pagdadala sa kaniya rito kaagad matapos ang nangyaring ambush. The bullet was successfully removed.”

Nakahinga nang maluwag si Lucas ngunit naroon pa rin ang matinding pag-aalala kay Maxine.

“She’s still in unconscious, but she’ll be awake sooner. Also, I have a good news and a bad news for you.” Namulsa ang doktor.

Napalunok si Lucas at maang na napatitig sa doktor. “W-What is it?”

“She’s three weeks pregnant, but she might have post-traumatic disorder. It may be challenging for her to maintain relationships, and feel detached from her loved ones. Maaari rin siyang mawalan ng gana sa mga bagay na dati na niyang ginagawa. It’s also common for PTSD victims to have a hard time feeling positive emotions. So, I advise you to be more patient with your wife. Her pregnancy is safe, though. Congratulations! First baby?”

He shook his head. “I-It’s actually second.”

Tumango ang doktor at tinapik ang balikat niya.

“Thanks, Doc,” aniya na wala nang maapuhap na salita.

Nanlulumo siyang napaupo. Nang mailipat na sa ICU si Maxine ay agad na siyang sumunod doon para makita ang asawa.

Tila nilalamukos ang puso niya habang pinagmamasdan si Maxine na wala pa ring malay. Umupo siya sa tabi nito at maingat na hinawakan ang kamay. He softly caressed her hand, and lowered his head to plant a kiss.

“Wake up, baby. I love you so much.” Dinama niya ang impis pang puson ni Maxine. “And to you little one, just hold on, okay? Daddy is here. Please be safe for your mom—for me and Noah.” Muntik nang pumiyok ang boses niya.

Namalayan na lang ni Lucas ang pagtulo ng mainit na likido sa kaniyang pisngi.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now