CHAPTER 15: NYMPHA MEETS CULVER

3.1K 67 15
                                    

2 YEARS LATER…

BUMALIK si Nympha sa pagtuturo matapos ang kaniyang medications. Unti-unti na ring nawala sa kaniya ang trauma sa ginawang pagkulong sa kaniya ng grupong um-ambush sa kanila.

Malungkot niyang sinulyapan ang painting nilang dalawa ni Lucas na nakasabit pa rin sa kaniyang silid. It’s hard to deny na hindi na niya mahal si Lucas. Magkababata sila kaya may malalim na rin silang samahan. Sa loob ng dalawang taon na naging nobyo niya si Lucas, wala siyang naging problema sa lalaki. Mabait at tunay na mapagmahal si Lucas. Ngunit ganoon nga yata talaga kapag tadhana na ang nagdesisyon. She knew, mas magiging masaya si Lucas kay Maxine. That girl is nice. Nakaka-intimidate lang pero halata namang mabait.

Kinuha niya ang painting mula sa pinagsasabitan nito at maingat na isinilid sa isang box. Ilalagay na lang niya sa basement ang mga ‘yon. It’s part of her process of moving on. Mahirap at masakit, pero kailangan.

“Where’s my wife?” tanong ni Lucas na kanina pa palinga-linga sa paghahanap kay Maxine.

Narinig pa ni Nympha ang pagtatanong nito sa ilang empleyado sa munisipyo. Bagama’t kinakabahan ay nilapitan pa rin ito ni Nympha. Kailangan niyang makausap si Lucas bago pa ito mag-isip ng kung anu-ano sa pag-alis ni Maxine kanina. Hindi naman niya alam na umalis ito pagkatapos nilang mag-usap, pero sa tingin niya’y ginawa lang ito ni Maxine para mabigyan siya ng sapat na oras upang kausapin si Lucas.

“Lucas,” tawag niya sa dating nobyo.

Kaagad na lumamig ang ekspresyon nito. Wari’y batid na kung bakit wala roon si Maxine.

“What did you do? Pinaalis mo ba si Alexa?” mahina ngunit mariin nitong tanong.

Ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili. She even tried to smile upang itago ang kirot na nararamdaman.

“No. W-We talked earlier, and uhm... pwede ba tayong mag-usap? I mean ‘yong... ‘yong tayo lang.” Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala namang nakatingin sa kanila at mukhang wala ring nakapansin nang makita ang pagpasok nilang dalawa sa opisina ni Lucas.

“We gotta do this fast, Nympha. Naghihintay ang mga tao sa labas,” walang kaemo-emosyong sabi ni Lucas.

Namulsa ito at hindi na nag-abala pang umupo. Sumandal lang ito malapit sa bintana ng office nitong natatakpan ng makapal na kurtina. He can’t be seen working in his office from the outside. Malayo rin ang bintana sa table nito. Posible kasing gamitin ng mga may galit kay Lucas ang pagkakataon upang tapusin ang buhay nito sa mismong opisina habang nagtatrabaho.

Lucas was advised to renovate the office, but he objected the idea. Gastos lang daw kasi iyon. Ang perang gagastusin ay pwede nang itulong sa mga taong araw-araw na lumalapit sa munisipyo upang magbaka sakaling matutulungan ng gobyerno.

“I-I just want to ask you this.” Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago ituloy ang pagsasalita.

“Lucas... D-Do you still love me?” Pinigilan niyang pumiyak matapos pakawalan ang tanong na matagal na niyang gustong sabihin kay Lucas.

Marahas itong napabuntong hininga at pagkuwa’y malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya.

“I thought you were dead. We all believe that you were gone, Nymph.”

She stayed silent to let him finish.

“At sa loob ng panahong ‘yon, I tried to move on kahit na mahirap. I loved so much. You knew that. But as time passed, and when I found her again, my life has changed. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakaka-move on because of her. At first, I was denying what I really feel for her. Pero ngayon, mahal ko na siya.”

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now