CHAPTER 23: TAKING ADVANTAGE

2.3K 36 11
                                    

NANGHIHINANG napaupo si Nympha sa paanan ng kama.

“I’m so sorry, Culver. But I don’t think I am the right woman for you.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maalala ang pinakamatinding bangungot sa buhay niya.

“Manong, pakibilisan naman po, oh. Kanina pa raw po kasi naghihintay ‘yong mga batang pagbibigyan natin ng mga gamit. Baka nagugutom na sila,” hindi mapakaling sabi ni Nympha sa driver na pinasama sa kaniya ni Lucas.

Bukod kasi sa pamimigay ng gamit ay hindi rin makakapagsimula ang feeding program kung wala pa siya roon.

Nang sa wakas ay makarating na sila sa makipot na daan papasok sa barangay na pupuntahan nila ay bigla na lamang nag-iba ang pakiramdam ni Nympha. Bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib niya.

Makalipas lang ang ilang sandali, mabilis na tinapakan ng driver ang preno nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan. Nakatakip ang mukha ng mga ito at hawak ang matataas na kalibreng armas.

Awtomatikong napayuko si Nympha at nagtago sa likod ng upuan nang paulanan ng bala ang sinasakyan nila. Dinig niya ang pagsigaw ng kasama niyang driver na mukhang tinamaan na ng bala.

Napahagulgol si Nympha nang lumaylay ang ulo nito. Tadtad na ito ng bala at halos maligo na rin sa sarili nitong dugo.

Nanlaki ang mga mata ni Nympha. Nanikip ang dibdib niya, dala ng matinding takot. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin.

NANG magkamalay si Nympha, natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng isang kubo. Inilibot niya ang tingin doon, at napagtantong wala siyang kasama sa silid. Kaagad na nilukob ng kaba ang kaniyang dibdib nang mapagtanto niya ang nangyari.

Nanlamig ang kalamnan niya nang makarinig siya ng boses ng mga lalaking nagtatawanan. At nang ilibot niya ang tingin sa buong lugar, para siyang nasa loob ng isang lumang kampo.

Sa ‘di kalayuan naman sa kaniya ay ang tatlong kalalakihang nag-iinuman. Sa gilid ng mga upuan ay nakatayo ang armas ng mga ito.

“Sino sila? At ano’ng kailangan nila sa ‘kin?” Sa isip-isip niya.

She was careful to make any noises.

“Akala yata ng mayor na ‘yon e makakaisa na siya sa atin! Tingnan ko lang kung hindi siya mabaliw kapag pinalabas nating patay na ang babaeng pakakasalan niya!”

Nanigas ang buong katawan ni Nympha sa narinig. “No, no, no.”

Sunod-sunod siyang umiling.

Sinubukan niyang tumayo mula sa sahig na kinasasadlakan niya pero pinagsisihan lang niya iyon nang mabuwal siya. Nakagapos ang mga kamay at mga paa niya. At hindi niya alam kung paano makakawala roon.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang dumako ang tingin sa kaniya ng tatlong lalaking nag-iinuman sa pabilog na mesa dahil sa ingay na nilikha niya sa akmang pagtayo.

“No, no, no. Help! Help me!” sigaw niya at hindi napigilang mag-panic nang makitang humahakbang na ang mga ito papalapit sa kaniya.

“Huwag kayong lalapit!” matapang niyang sigaw sa mga ito pero tila wala nang naririnig ang mga ito.

“Pare, gising na pala, e. Swerte natin, oh. Ang kinis! Mukhang sulit ang gabi natin ngayon. Nakaganti na tayo, makakalibre pa ng babae!” nakangising sabi ng isa.

Nangilid ang luha ni Nympha, dala ng matinding takot. Noon lang siya nakaramdam ng ganoon katinding takot sa buong buhay niya.

Sunod-sunod siyang napasigaw nang hawakan siya ng isang lalaki at malayang pinaglandas ang kamay sa katawan niya. Hindi siya makapanlaban dahil sa pagkakagapos ng mga kamay niya.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now