CHAPTER 17: THE PLAN

2.8K 46 5
                                    

PILIT na inignora ni Maxine si Lucas kahit na alam niyang pinapanood nito ang bawat galaw niya. Nakita na naman nito ang lahat sa kaniya kaya hindi na siya nahihiyang magbihis sa harapan nito. Ibinaba niya ang suot na roba at isinukat ang dress na isusuot niya papunta sa construction site. Isang buwan pa raw bago matapos ang buong building.

"Do you really have to wear that kind of dress?" kalmadong tanong ni Lucas na wari'y ingat na ingat na makagawa ng isa pang ikagagalit niya. Nakasandal ito sa wall habang pinapanood siya sa pagsusukat ng dress. Tanging ang dalawang panloob lang ang suot niya habang sinusukat iyon.

Muli'y hindi niya ito pinansin.

"Aren't you going to wear anything to cover your-ugh. Baby, you're going to make men on the construction site drool over you," frustrated na sabi ni Lucas.

Yet she ignored him again.

Malalim na bumuntonghininga si Lucas. "Ihahatid na kita."

"No. Nakausap ko na si Manong Phillip," tipid niyang sagot. Kumuha na rin kasi siya ng personal driver dahil hindi naman niya pwedeng palagi na lang hiramin si Mang Joe kay Lucas.

"Alright. Pero susunduin kita mamaya."

Umirap siya kay Lucas. "Whatever."

Naiiling na lang siyang sinundan ng tingin ni Lucas habang papalabas ng silid, matapos magbihis. Sa kotse na lang niya itutuloy ang pag-aayos dahil kompleto naman palagi ang dala niya sa bag.

SA CITY HALL, walang ganang umupo sa swivel chair si Lucas. Kararating naman noon ng pinsan niyang si Culver.

"What happened, bruh?" tanong ni Culver nang makita ang mukha niyang hindi maipinta.

"My wife is mad at me, Ver. What should I do?"

Humalakhak si Culver. "Why are you asking me? I'm not even married. Alam mo, Luke, ikaw lang ang nakakaalam kung paano mo susuyuin ang asawa mo."

Natatawang binato ni Lucas ng nilamukos na papel ang pinsan. "Wala ka talagang kuwentang hingan ng payo. Palibhasa wala ka pang girlfriend," ganti niya rito.

Nagkibit-balikat lang naman ang binata. "Yeah. Wala pa... sa ngayon. But I think, nahanap ko na siya."

Umangat ang kilay ni Lucas. "And who's the unlucky girl?"

Nakangisi nitong ibinato sa kaniya pabalik ang nilamukos na papel. "Sa 'kin na lang 'yon. Tsismosong mayor."

Nang makaalis si Culver sa opisina'y muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Lucas. Culver is right. Siya lang talaga ang nakakaalam kung paano susuyuin si Maxine.

He was jealous, at mukhang na-misinterpret 'yon ni Maxine. Wala namang ibang ibig sabihin 'yon. Anuman ang gawain ni Maxine sa past nito, hindi na 'yon mahalaga sa kaniya.

Lumabas siya ng opisina para kausapin ang sekretarya.

"I think, I need more time with my wife. Is it possible if I take a leave, Chin? Kahit sana 2 days lang."

Chin checked his schedule. Medyo natagalan pa ito sa pagtingin doon kaya sumandal muna si Lucas sa table ng sekretarya habang nakahalukipkip. He kept smiling sa mga employee na dumadaan sa may harapan niya. Sa nakikita niyang pagkaabala ng mga ito sa trabaho'y tila nagu-guilty siya sa planong mag-leave.

"Uhm, Mayor, possible naman po. Pwede ko naman pong i-reschedule na lang ang iba ninyong meeting sa mga susunod pang araw. Go na po, Mayor. Have some quality time naman po with your family. Kami na po muna ang bahala dito sa office habang wala kayo."

Ngumiti siya rito. "Thanks, Chin. Maaasahan ka talaga."

Nakipag-fist bump siya rito gaya ng ginagawa niya sa iba pang empleyado bago umalis doon. Dumiretso na muna siya sa bahay para magpahanda ng mga gamit. 2 days lang sila roon pero good for 4 days ang ipinahanda niyang gamit ni Maxine. He didn't bring make-up or anything, maliban sa paboritong perfume at lotion ni Maxine. Bukod pa roon ang hygiene kit at toiletries. Hindi kasi siya sigurado kung may ganoon sa pupuntahan nila.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now