CHAPTER 3: FUTURE HUSBAND

4.6K 53 1
                                    

PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon mula sa kama si Maxine nang magising kinabukasan. Kinusot-kusot niya ang mga mata habang inililibot ang tingin sa buong silid. Ilang sandali pa, nanlaki ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto.

"OMG! Nasaan ako?"

Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Lahat ng mga nakikita niyang gamit, mukhang mamahalin. Nasapo niya ang noo.

AUTHOR'S NOTE:

This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy's expressed written permission.

Hinanap niya ang kaniyang purse. Nakahinga siya nang makita 'yon sa table. Ngunit mayamaya lang ay muli na naman siyang natigilan nang maalala ang lalaking kasama niya kagabi. Si Luke.

"Where is-"

Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng katok mula roon. Tumayo siya para buksan 'yon.

"Good morning, ma'am. Here's your breakfast."

Napakurap-kurap siya nang mapansin ang suot na uniporme ng babae. May logo 'yon ng Avelaunde Hotel, ang pinakasikat at most expensive hotel sa Almendras City.

Kasunod ng babae na pumasok ang isa pang staff ng hotel na may bitbit namang paper bag na may nakalagay na logo ng sikat at mamahaling brand ng damit.

"Ma'am, gusto n'yo po bang mag-breakfast muna bago kayo maligo-"

"Wait, 'wag n'yo sabihing pati sa pagligo, kasama ko pa kayo?"

Napaawang ang labi niya nang tumango ang dalawa.

"No, no, no. Ako nang bahala sa sarili ko. Pwede n'yo na 'kong iwan dito. Uhm, 'y-yong lalaki nga pala na kasama ko, nasaan na siya?"

"Ahh, ma'am, nakaalis na po si Sir Luke pero ibinilin niya po kayo sa amin na asikasuhin ka habang nandito. Pwede raw po kayong mag-stay dito sa presidential suite hanggang gusto n'yo."

Muling nanlaki ang mga mata niya. "Wait, what? Nasa presidential suite ako?!"

Hanggang sa makalabas na ang dalawang hotel staff ay hindi pa rin makapaniwala si Maxine kung saan siya dinala ng lalaki kagabi. Kinapa-kapa niya ang sarili.

"Wala naman sigurong kapalit 'to, 'di ba?" aniya sa sarili. Sinilip pa niya ang suot na panloob.

"Hindi nagalaw. That could only mean na walang nangyari. Kalma, Maxine. Mali ka ng iniisip." Napabuntong-hininga na lang siya at pagkuwa'y naagaw ng pansin ang note na nakapatong sa table. Katabi lang ito ng purse niya pero hindi agad niya napansin kanina. Dala na rin siguro ng pagkataranta.

Binasa niya ang nakasulat doon.

ENJOY YOUR STAY IN MY HOTEL. STAY HERE AS LONG AS YOU WANT. REST, PLEASE. IN CASE YOU WANNA THANK ME, HERE'S MY PHONE NUMBER.

Napaangat ang isang kilay niya sa nabasa. Ibang klase rin pala ang lalaking 'yon.

"Pero seryoso, siya pala ang may-ari ng Avalaunde Hotel? Yaman, ha."

Nagkibit-balikat na lang siya. Tutal libre naman pala ang pag-stay niya roon ay susulitin na rin niya. Masakit pa rin naman ang ulo niya kaya wala pa siyang balak na umuwi at magmukmok muli sa condo. Isang linggo na lang ang mayroon siya sa Almendras. Next week, sa ayaw man niya o sa gusto, mapipilitan na siyang umuwi sa Castillejos para harapin ang kaniyang ama at makilala ang lalaking pakakasalan niya.

"Ang hirap naman maging mayaman. Marami ngang pera, wala namang kalayaang pumili ng mapapangasawa," himutok niya habang nakatitig sa paper bag na naglalaman ng mamahaling brand ng damit na isusuot niya.

ONE WEEK LATER...

SINALUBONG si Maxine ng mga katulong sa mansion nang huminto ang kotse roon. Just like that, she's home again.

Malungkot siyang humakbang papasok.

"Welcome back, Miss Maxine," bati ng mga katulong na nakalinya sa gilid ng pinto nang pumasok siya.

Gusto niyang umirap. Kailangan pa ba talagang may ganoong pa-welcome. Masyado namang prinsesa ang turing sa kaniya ngayong ikakasal na siya. Ngayon lang naging ganoon. Samantalang noon, halos walang maid na sumasalubong sa kaniya dahil sa utos ng kaniyang ama. Sino nga ba naman ang matutuwa kung puro sakit lang ng ulo ang ibinibigay niya rito?

At ngayon, kung hindi talaga niya gustong makabawi sa mga kalokohang nagawa niya noon, hindi siya papayag na magpakasal sa lalaking 'di naman niya gusto.

Mayamaya lang ay ipinatawag na siya ng kaniyang ama para mag-lunch.

"Mabuti naman at nandito ka na, anak. Umupo ka na't sabayan mo na akong kumain."

Tahimik naman siyang umupo sa gilid nito. Sinulyapan niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Dalawa lang naman silang kakain doon pero masyadong maraming pagkain ang nakahain.

"Kumain ka nang maayos. Mukhang puro fastfood na lang ang laman ng tiyan mo noong nasa Almendras ka pa. Hindi naman maganda kung buto't balat kang haharap sa mapapangasawa mo."

She sighed. "I'm on diet, Dad," walang gana niyang sagot.

Napahinto ito mula sa pagsubo ng pagkain at matamang tumingin sa kaniya. "Mamayang gabi, mamamanhikan na rito sina Lucas. Ayoko ng kalokohan, Maxine Alexandria."

Tahimik na lang siyang tumango. Wala naman siyang magagawa.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na muna siya sa kaniyang silid. Wala siyang balak na magmukmok sa mansion para paulit-ulit na pag-usapan ang tungkol sa kasal. Matapos magpalit ng damit ay kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse.

"Pakisabi kay Dad, maglilibot lang ako. Babalik din ako mamayang alas-kuwatro para makapaghanda sa dinner," aniya sa nakasalubong na maid. Tumango naman ito sa kaniya.

Napangiti siya nang makita ang paborito niyang na maayos na naka-park sa gilid ng mansion. Mukhang hindi naman napabayaan ang kotse niya kahit matagal-tagal din niyang hindi nagamit.

BAGO mag-alas kuwatro ay nagpasya na si Maxine na bumalik sa mansion para makapag-asikaso para sa dinner. Mahaba-haba pa naman ang oras pero mabagal talaga siyang kumilos.

Habang inaayusan ni Maxine ang sarili sa harap ng salamin, hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib niya. Pwede naman niyang alamin at i-stalk sa social media ang mapapangasawa niya pero hindi niya ginawa. Baka magmukha pa siyang excited sa kasal.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig na ng mahihinang katok si Maxine.

"Miss Maxine, nasa ibaba na po ang mga bisita."

Mga bisita. Pati mga magulang ng lalaking pakakasalan niya ay kasama.

Muli niyang sinipat ang sarili sa harap ng malaking salamin. Maayos naman ang suot niyang dress. Hindi masyadong revealing. Siguro naman ay hindi na niya maipapahiya pa ang kaniyang ama sa suot niya.

Huminga siya nang malalim bago lumabas ng silid. Nasa kalahati pa lang siya ng mahabang hagdan ay nakita na niya ang mag-asawang kausap ng kaniyang ama. Sa likod naman ng mga ito ay ang lalaking nakatalikod at nakatuon ang atensyon sa family portrait nilang nakasabit sa sala.

"Oh, nandito na pala ang anak ko. Please meet my beautiful daughter, Maxine," pakilala sa kaniya ng ama nang makababa siya ng hagdan.

Tila itinulos siya sa kinatatayuan nang humarap ang lalaking kasama ng dalawang kausap ng kaniyang ama. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang namamalikmata lang siya sa nakikita, pero hindi.

Si Luke. Si Luke ang lalaking mapapangasawa niya.

"Hi," nakangiti nitong bati habang nakatitig sa kaniya.

Kung hindi lang sana nakatingin ang kaniyang ama'y inirapan na niya ang lalaki.

"Hi," napipilitan niyang bati rito.

He offered his arm as he guided her towards the dinning area. Ikinawit naman niya ang braso rito ngunit pasimple niyang tinapakan ang paa ng lalaki.

He grunted.

"We'll talk later," mariin niyang sabi rito.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now