CHAPTER 26: Possessive Husband

2.9K 48 24
                                    

MAXINE was anxious as he entered the hall where the presscon will be held. Bahagyang pinisil ni Lucas ang kamay niya.

“It’s gonna be fine. I’m here.”

She tried to compose herself when they settled on their seats—facing the members of the press. Hindi binitawan ni Lucas ang kamay niya kahit nagsimula na ang pagtatanong ng mga reporter na dumalo roon.

Kitang-kita ni Maxine ang pamumutla ni Clint habang nagpapaliwanag ito sa press.

“I-It was a huge mistake. A-Alam ko na hindi ko dapat ginawa ‘yon kaya... kaya buong puso akong humihingi ng kapatawaran sa mga nagawa ko—sa nga taong naapektuhan nito, lalong-lalo na kay Miss Maxine.”

Nagpatuloy sa pagsasalita si Clint. Nakahinga naman nang maluwag si Maxine nang matapos ang speech nito. May mga pahabol pang tanong kay Maxine ang ilan sa mga naroon pero hindi na ito pinayagan pa ni Lucas.

They were escorted by his bodyguards on their way to exit the hall. Maging sa labas ay nakaabang ang mga miyembro ng security upang masigurong matiwasay silang makakalabas.

Humilig si Maxine sa balikat ni Lucas habang nasa byahe. Gustuhin man niyang magpahatid na lang sa driver pauwi ay nagpumilit pa rin ito na sumama sa paghatid sa kaniya bago bumalik sa city hall.

AFTER Maxine finally gave birth to their second child, ginulat na lang sila ng anunsyo ng kasal nina Nympha at Culver.

Hindi naman mawala-wala ang mapanuksong ngiti ni Lucas nang personal na iabot ng dalawang ikakasal ang imbitasyon sa kanila.

“F-ck, dude! Parang gusto kong magpamisa. D-mn. I can’t believe you’re now ready to settle!”

Kinurot ni Maxine ang tagiliran ni Lucas nang mapansin ang pamumula ng magkabilang tainga ni Culver.

“P-Pasensya na kung ngayon lang namin nasabi. Ayaw kasi ni Culver na—”

Lucas laughed when Culver gently covered Nympha’s mouth. Pinalis naman ito ng dalaga at matalim na tiningnan si Culver.

Napalunok ang binatang konsehal. “I’m sorry, love, but you don’t have to tell him that, okay?”

“Oh... what a lovely couple. Well, uhm, I’m happy for the both of you. Ver, you’re such a lucky guy,” nakangiti namang sabi ni Maxine at saka tinapik ang braso ni Culver.

Doon naman napangiti ang binata. “I really am.”

Maraming bisitang imbitado sa kasal nina Culver at Nympha. Karamihan sa mga iyon ay mula rin sa pamilya ng mga matataas ang posisyon sa gobyerno. Halos buong Castillejos naman ang nakakaalam na tatakbong mayor si Culver sa paparating na election. Sapat na kasi ang isang termino para kay Lucas at masaya itong si Culver na ang magpapatuloy ng legacy na iiwan nito. It’s a sure win. Halos wala naman kasing gustong lumaban kay Culver sa pagiging mayor lalo na’t malinis ang record nito at marami na ring proyektong nagawa na napakinabangan talaga ng mga tao. He made himself known for his works and not just by his name as one of the Imperials.

Maxine was genuinely happy for Nympha. Sa tinagal-tagal ng panahon ay nakahanap din ito ng taong mapagkakatiwalaan nito ng buhay. For someone na nakaranas ng ganoon kabigat na pagsubok sa buhay, si Nympha ang pinakamatapang na nakilala niya.

Her cheeks turned red when she felt her husband’s gaze from her side. Alam niyang pinapanood ni Lucas ang bawat galaw niya kaya minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa ina nitong nagsasalita sa stage para magbigay ng mensahe sa dalawang bagong kasal. Parang anak na rin kasi ang turing nito kay Culver kaya ganoon na lamang ang suporta nang malamang ikakasal na ito.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now