CHAPTER 20: I want no one

2.3K 33 12
                                    

NAGISING si Lucas nang maramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay ni Maxine.

“Baby? Hey… you’re awake,” aniya na naghahalo ang tuwa at pag-aalala sa boses.

Agad namang may dumating na doktor doon para i-check ang kalagayan ni Maxine.

Lumingon sa gawi niya ang asawa ngunit walang salitang namutawi sa mga labi nito. It was like she never saw him there.

The doctor came to check on Maxine. Nang masigurong maayos na ang lagay nito’y pinayagan na ring makauwi. Lucas, on the other side, was still worried that his wife won’t even talk to him. Nanatili lamang itong walang kibo.

Marahang itinulak ni Lucas ang pinto ng kanilang master’s bedroom habang tangan ang tray na naglalaman ng breakfast para kay Maxine.

“Hey there, sweetie! Good morning,” bati niya sa masuyong boses. Inilapag niya ang tray sa side table, at saka yumukod para gawaran ng magaang halik sa noo ang asawa.

Maxine blinked yet never greeted him back.

He sighed. He still tried to smile to at least lighten up his wife’s mood.

“You want me to feed you or—”

“Out,” tipid ngunit mariin nitong sabi.

“But you can you please eat your breakfast first—”

Matalim ang tingin na lumingon sa kaniya si Maxine. “I want no one in this room! Get out!”

Napalunok si Lucas. Mabilis na dumaan ang sakit sa mga mata niya bago tumango at pilit na ngumiti.

“O-Okay. I-I’ll go now,” aniya sa mababang boses.

Bago umalis patungong city hall ay kinausap muna niya ang kanilang mayordoma.

“Manang, please update me from time to time. Always check on her. If she doesn’t want to talk or if she doesn’t like anyone’s presence, just let her. But make sure she’ll eat properly.”

“Kami na po ang bahala kay Ma’am Maxine, Mayor. Ingat ho kayo,” magalang na sabi ng mayordoma.

Tipid na ngumiti si Lucas at pagkuwa’y sinenyasan na si Manong Jose para ipagmaneho siya. Napilitan siyang magpalit na ng driver dahil sa pagkawala ni Manong Joe. He shouldered all the expenses. Nagpaabot na rin siya ng tulong sa naulilang pamilya ni Manong Joe. Nangako rin siya na bibigyan ng scholarship ang nag-iisa nitong anak hanggang sa kolehiyo. Wala naman siyang naging problema sa pamilya ng dating driver. Malaking pasasalamat pa ang ginawa ng mga ito sa mga tulong na ibinigay niya. Ngunit para sa kaniya’y maliit na bagay lang ‘yon dahil ang buhay na nawala, kailanman ay hindi na maibabalik pa. Wala mang may gusto sa nangyari, may responsibilidad pa rin siya sa bagay na iyon.

His bodyguard opened the door for him. Dahil sa nangyari ay mas lalong humigpit ang security niya. Hindi na rin muna niya pinapayagang umalis ang mga magulang niya.

Napabuntonghininga si Lucas. Kaliwa’t kanan na ang problemang kinakaharap niya. Namalayan na lang niya na nasa tapat na sila ng city hall nang huminto ang kotse.

Naunang lumabas ang dalawang bodyguard niya na tiniyak na ligtas sa labas bago buksan ang pinto. Buong maghapon siyang subsob sa trabaho. Sa dami ng dumarating sa opisina niya araw-araw, tanging lunch break na lang ang kaniyang pahinga. And even when he’s having his lunch, may kausap pa rin siya sa phone. 

He was already exhausted when he got home. Ngunit agad na napawi ang kunot ng noo niya nang salubungin siya ni Noah.

“Hey, dad!”

“Hey, son! How was your day, hmm?” aniya at saka lumuhod para magpantay ang kanilang mukha.

“It was sad. Mom wasn’t leaving your room. I couldn’t even talk to her,” nakayuko nitong sabi.

Tila may kumurot sa puso ni Lucas sa narinig. Masuyo niyang hinaplos ang magkabilang pisngi ng anak bago ito pinatakan ng halik sa noo.

“Mom’s still recovering. And we have to understand her. Can you do that?”

Malungkot man ay marahan pa ring tumango si Noah.

“Good. That’s my boy. Just always remember that... mom loves you so much. Come on, let’s have our dinner.”

Noah’s tiny hand held her fingers as they walked towards the dinning room. Nakahanda na roon ang pagkain. He took a spoon and filled it with pasta to feed Noah.

“Dad, I can do it. I’m not a baby.”

Lucas softly laughed. “Okay, I’m sorry.”

Habang kumakain si Noah ay pasimple naman niyang sinulyapan ang mayordoma.

“How is she? Kumain ba siya?” pabulong niyang tanong dito.

Marahas siyang napabuntonghininga nang umiling ito. Sinulyapan niya ang pagkaing hindi pa rin niya nagagalaw. Hinintay na lang niya na matapos kumain si Noah. Hinatid niya ito sa kwarto nito.

“You have to clean up first, okay?” aniya na pilit itinatago ang pagod sa boses.

Papikit-pikit na ang kaniyang mga mata habang nakasandal sa hamba ng pinto sa banyo habang nagto-toothbrush si Noah.

“Dad, can you close the door? I’ll use the toilet.”

Napakurap-kurap siya nang hindi agad naunawaan ang sinabi ng anak. “Uhh, what is it, baby?”

Noah stared at him for a while before he spoke again. “You seem so tired, Daddy. You can already leave me here. I’m a big boy now.”

Lucas couldn’t help but smile when Noah flexed his baby biceps.

“Yeah, I see. Good night then. Sleep early, alright?”

Marahang isinara ni Lucas ang pinto ng kwarto ni Noah bago humakbang patungo sa master’s bedroom.

Naabutan niya si Maxine na mahimbing nang natutulog sa kama. Maingat siyang naglakad papalapit doon. Yumuko siya para gawaran ng masuyong halik sa noo si Maxine. “Good night, wife. I love you.”

Sa sobrang pagod ay hindi na niya nagawa pang magpalit ng damit-pantulog. He sat on the sofa and fell asleep.

KINAUMAGAHAN, pupungas-pungas na bumangon si Maxine matapos ang mahaba niyang pagtulog. Akmang bababa na siya ng kama nang may mapansin siya sa sofa.

Tila kinurot ang puso niya nang makita roon si Lucas na halos mamaluktot na sa pagtulog. He was too tall to fit in there.

She sighed. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. She doesn’t like talking to people. Kahit ang mga magulang niya’y hindi niya pinayagang pumasok sa silid nang bumisita ang mga ito roon kahapon. Pero nang oras na ‘yon, hindi na niya napigilang mahabag kay Lucas.

Kinuha niya ang nahulog na comforter at muling ibinalot kay Lucas, ngunit napaigtad siya nang bigla na lamang nitong hablutin ang kamay niya. She lost her balance and she fell on his chest, their lips almost touching.

Napalunok siya at nag-iwas agad ng tingin.

“Oh, God! Baby, I’m sorry,” ani Lucas sa napapaos na boses nang mapagtantong siya ang naroon.

Inalalayan siya nito para makatayo. Napaawang ang labi niya nang agad na dumistansya sa kaniya si Lucas.

“I-I’m sorry. I touched you.”

Her heart hammered in her chest. Why is he apoligizing?

Nakagat niya ang labi. Oo nga pala. She had this weird behavior these past few days, at mukhang naapektuhan din no’n ang pagtrato niya kay Lucas.

“Uhh... It’s okay.” The she lost her words again. Hindi na niya alam kung paano pa iha-handle ang ganoong sitwasyon kaya umiwas na lang siya ng tingin at nilampasan si Lucas.

Nakahinga siya nang maluwag nang dumiretso na sa banyo si Lucas. She noticed his clothes unchanged when he got up a while ago. He must be that busy at work. And exhausted.

Nahilot niya ang sentido. She wants herself out of her situation. She doesn’t feel like she’s still a normal person. And Noah? She doesn’t like seeing her own son.

She took her phone and dial her friend’s number. It’s Cleira, a psychiatrist.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now