CHAPTER 5: FIRST NIGHT AS COUPLE

4.4K 59 5
                                    

 PINAKIRAMDAMAN ni Maxine si Lucas kahit nakapikit ang kaniyang mga mata. She heard him walked towards the bathroom. Nang mag-lick ang pinto, saka lang siya nagpasyang dumilat. Nasapo niya ang dibdib. Nagpapanggap lang naman siyang tulog pero bakit pati paghinga ay kailangan din niyang pigilan?

Naihilamos niya sa mukha ang mga palad. Inalis niya ang comforter na nakatabon sa katawan at bumaba mula sa kama. Nagpalakad-lakad siya roon habang kagat-kagat ang labi. Kahit magpanggap siyang tulog, hindi pa rin niya mababago ang katotohanang magkatabi pa rin sila ng “asawa” niya mamaya.

“Urgh! Bakit ba kasi ang awkward?”

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig na huminto na ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Patingkayad siyang naglakad patungo sa pinto at maingat itong isinara.

Halos dumugo na ang labi niya sa kakakagat niya habang nag-iisip kung ano’ng gagawin niya roon para makaiwas kay Lucas. Muli niyang pinagmasdan ang sarili. Mahina siyang napamura.

Kung pwede lang sana niyang ipatumba sa ama ang naghanda ng night dress niyang iyon ay baka bumulagta na ito sa harapan niya.

“Lex?”

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Lucas. Ni hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.

Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi agad nagawang lumingon sa lalaki.

“Are you alright? Bakit ka lumabas?”

Naging mailap ang kaniyang mga mata. “I-I can’t sleep.”

Hindi ito sumagot. Narinig na lang niya na humakbang ito papalayo sa kaniya. Nakahinga naman siya nang maluwag kahit papaano. Sinamantala na niya ang pagkakataon para makaupo sa malapit na couch at agad na tinabunan ng throw pillow ang kandungan niya. She felt so exposed with her night dress. Nagsusuot naman siya ng ganoon pero kapag mag-isa lang siya.

Lumapit sa kaniya si Lucas na may dalang wine. Iniabot nito sa kaniya ang isang glass.

Tila napapasong lumayo siya rito nang umupo ito sa tabi niya.

She wasn’t able to catch him half-smiling.

“I have extra shirt here.”

Agad siyang napatingin sa gawi nito nang iabot nito sa kaniya ang kulay gray nitong T-shirt.

“I always have extra clothes in my car. Naisip ko na rin kasi kanina na baka wala kang isuot. Looking at you earlier, mukhang hindi ka komportable sa—”

“I can manage. Nagsusuot naman ako ng ganito noon pa,” aniya na pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. Nasaan na nga ba ang matapang na Maxine? She was known to be liberated. Hindi nahihiya kahit mag-two piece pa sa harap ng mga lalaki. Pero bakit ganoon? Sa harap ng isang Lucas Imperial, tumitiklop siya?

“Why can’t you look at me then? Naiilang ka ba—”

“Of course not!” iritado niyang sagot. Inisang lagok niya ang laman ng wine, at akmang tatayo na nang maagap na nahawakan ni Lucas ang braso niya.

Nabitawan niya ang wine glass. Bumagsak ito sa sahig at kumalat ang bubog doon. Halos hindi niya namalayan kung paano siya nabuhat ni Lucas palayo sa nakakalat na bubog.

The last thing she knew, she was already on his lap, her right cheek was facing Lucas. Naikawit niya ang braso sa balikat nito para mabalanse ang posisyon niya sa kandungan nito.

“Are you trying to avoid me on our first night as husband and wife?” His breath tickled her skin.

“Kaya kong panindigan ang sinabi ko, Lucas,” mariin niyang sabi rito. Huminga siya nang malalim bago sinalubong ang nag-aalab nitong tingin sa kaniya.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now