Lahat kami sa Main branch ay hindi pa nakikilala ang acting CEO ng Prime Whyxz. Madalas ang nakikita kong pumapasok sa office ni Boss Khalix ay yung si Capt. Quiro at sina 'bebeko'.

Kung iisipin kong si Capt. Quiro si Mr. Trojan Keio Roque, masyadong malayo. Ibang iba ang nasa isip ko sa tuwing binabanggit ng mga ka-office mates ko yung mysterious CEO namin, kumpara sa tuwing napapalingon ako kay Captain Quiro.

"Congrats Captain. Quiro. . ." pagsaludo ng katabi ko.

Sumaludo rin si Capt. Quiro. "Thank you Capt. Jack."

"Imposible. . . ikaw nga ba talaga si CEO Trojan Keio Roque?. . . pero paanong ika-" napatigil ako ng marealize ang pangalan ni Capt. Quiro sa apelyido niya.

"Roque-roque. . . Quiro-Roque. . ." paulit ulit kong sinabi at matamis na ngumiti sa kaniya nang may mapagtanto ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hmm. . ."

"A pleasant day, Mr. CEO/ Captain Trojan Keio 'Quiro' Roque." pagyuko ko.

"Arghhhhhhhhhhhhhhhh!"

Liningon ko ang nasa likuran ko. Napaatras akong napasandal kay Capt. Jack nang nakahubad at nakagapos ang demonyong ex father-in-law ni Bff na si Sir Arnold.

"Sir Arnold. . ."

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya, siya nga. Natutop ko ang sariling bibig ng may nakatarak na kutsilyo sa kaniyang ulo. Nanghihina na siya ngunit nagawa pa niya akong ngisihan at duraan sa paa.

"Oh my gosh! Kadiri kang putangina ka!" pagsipa ko sa kaniya.

Dali daling kinuha ko ang alcohol sa purse ko at binuhos sa paa kong dinuraan niya at matapos iyon, ay binuhos ko narin sa kaniya ang lahat ng laman ng alcohol.

"Arghhhhhhhh!" pagsigaw niya.

"Well. . . deserve." sabi ni Mr. Kin.

Dinaluhan ko si Tita Agatha nang mapansing umiiyak siya. Yinakap ko siya at marahang tinapik ang likuran niya.

"Tita. . . bakit po umiiyak kayo?" pag alala ko.

Malakas na tumawa si Arnold. Humigpit ang yakap ko kay Tita ng linatigo siya ni Quiro at sinabayan ng pagkuryente ni Kyle Swest na siyang ikinabagsak ni Arnold.

Nanayo ang balahibo ko sa pagngiti niya. "It f-feel so good. . ." nanghihinang sinabi niya.

"Damn you, Arnold!" galit na usal ni Tito Leo.

Hindi na siya nakapagpigil ng galit at sinapak niya sa mukha si Sir Arnold. Humagulgol ng iyak si Tita Agatha at sumubsob siya sa aking balikat.

"Tita ano po bang nangyayari?. . ."

"Ang anak ko. . ." pag iyak niya.

Hinaplos ko ang likuran niya. "Oo nga po,pala si Bff?"

"Patay na ang kaibigan mo hahaha" malakas na pagtawa ni Sir Arnold.

Bumulwak ang dugo sa kaniyang tiyan ng binaril siya ni Tito Leo, tumayo narin si Boss Kin at sinikmuraan siya, lalong umagos ang dugo sa sahig.

"Patayin niyo na ako, Leo. . ." paghalakhak niya.

Demonyong ngumisi si Tito Leo. "Not now, Arnold."

Nagsalubong ang kilay ng makitang inaalalayan ni James ang babaeng buntis na nakasuot ng maskara. Sinalubong sila ni Jack at bumeso sa isa't isa.

"Capt. Jackson, don't you miss your Uncle?" tanong ni Mr. Logan Patterson.

Umiling ito at madilim ang awrang liningon si Sir Arnold. Samantalang si Sir Arnold ay nakaawang ang labi na tila nakikilala ang mga taong nakamaskara.

"He killed my family. . . Sir, permission to kill him."

"Chill, Jack."

Nahihirapang umupo si Sir Arnold. "Jackson Havier. . . buhay ka pang hayop ka!"

"Mr. Kin help us. . . but I was the only who survive." walang emosyon niyang sinabi ngunit ramdam ko yung sakit sa boses niya.

Natulala ako sa kaniyang mukha ng tinanggal niya ang suot niyang maskara. Magkahawig sila ni Sir Raquel, ngunit mas masungit ang awra niya dahil sa malaking peklat na pahaba sa kaniyang kabilang pisngi.

Yinakap siya ng isang babaeng nakamaskara. "Jack. . ."

"I'm okay couz'. . ." paghaplos nito sa buhok ng babae.

"Guess what?. . ." nanunuyang tanong ni Boss Kin.

"Raquisha?" patanong na sagot ni Sir Arnold.

Pumalakpak si Mr. Kherro Montenegro. "Ang galing mong manghula, Arnold." sarkastikong sinabi nito.

"Arnold, meet your daughters."

Isa-isang nagsitanggalan ng maskara ang apat na kasama ni Capt. Jack. Napalunok ako, dahil ang dalawa sa kanila ay hindi nalalayong anak nga sila ni Sir Arnold ngunit nagtataka ako dahil wala akong nabalitaang nagkaroon ng kapatid si Sir Raquel.

Naistatwa si Sir Arnold. "P-patay na k-kayo. . ."

"Raina. . . Raquisha. . . Rashana. . .Rabiya. . . p-pinatay ko na kayo!!!" pagwawala ni Sir Arnold.

Sumandal sa pader si Raina at bagot na liningon si Sir Arnold. "It's been 23 years, Dad. . ." aniya.

"Patay na kayo!"

Sinampal siya ni Rabiya. "Tanda ko pa kung paano mo kami hinulog sa bangin. . . anong kasalanan namin sayo, Arnold?"

"Their tradition. . ." sagot ni Capt. Jack.

Lumuluhang tumango si Rabiya. "Tama nga naman, dahil lang ba sa lintik niyong tradisyon? Buhay namin ang kapalit?. . ."

Hindi umimik si Arnold. Nakatitig lang siya sa kaniyang mga anak. Umusog ako ng iginaya paupo ni James ang asawa niyang buntis sa tabi ko.

"I heard you a while ago. . . tinatawag mong hubby ang asawa ko?" nakangiting bulong niya sa akin.

Namutla akong yumuko. "Ah hehe sorry po Ma'am."

"Ano ka ba, ayos lang. . . pasensyahan mo na si James ha kung sinungitan ka kanina, pagod at walang tulog kasi siya simula nang dumating kami dito." sabi niya.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya, kumunot ang noo ko at muling ibinaling ang tingin sa tatlo niyang mga kapatid. Kahawig niya si Raquisha ngunit kulay asul ang kulay ng kaniyang mga mata.

Samantalang yung dalawa, si Raina at Rashana ay nakikita kong may pagkahawig sila ni Boss Kin, lalo na ang kulay kayumanggi nilang mga mata.

"Are you thinking about who we are?. . . uh I am an illegitimate child of Arnold Havier, my Biological mother was an American prostitute. . ." sabi niya.

Tumango ako. "Ang swerte sayo ni James. . . ang ganda mo at ang bait mo pa." wala sa sarili kong sinambit.

Magkasabay kaming lumingon kay Sir Arnold na pinagsasampal na ni Raquisha. Inawat siya nila Jack at James ngunit hindi ito nagpaawat, lalo nang tumawa lang si Sir Arnold.

"Where's your brother?. . . my dear Raquel?"

"Hahanapin mo ngayon si Raquel? Matapos mong patayin. . . hayop ka!" sigaw niya.

Nanayo ang balahibo ko sa narinig. Patay na si Sir Raquel?. . . hindi maaari, kung wala dito si Bff malamang kasama niya sina Sir Raquel at ang 'bebeko'.

"Yeah. . . I forgot, pinatay ko na pala silang lahat." nakangising demonyong sagot ni Sir Arnold.

Napatigin ako kay Tita Agatha at Mommy Arabella, nang humagulgol sila ng iyak. Dinaluhan sila nila Tito Leo at Daddy Richie at inalo ang mga ito.

"Wife. . ."

"Honey-babe. . ."

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now