"Ano'ng gubat ang kinakain?" bigay na bigay ako sa pagbanat.

"Ano?" sabay-sabay nilang tanong.

"Eh 'di Black Forest!"Sabay-sabay silang humalakhak. Sabi sa inyo, benta mga jokes ko, eh."Ano'ng tawag sa maliit na duck?" tanong ko pa ulit.

"Ano?"

"Eh 'di panduck," natatawang sabi ko at wagas na naman silang tumawa nang tumawa.

Tumabi na ako sa gilid at muling nagsalita si Asul doon sa gitna.

"Ngayon naman, ipapakilala ko sa inyo ang tumatakbong escort under the banner of White Heads!" masiglang sabi ni Asulsa mga student.

Poker face si Tulog na naglakad papunta sa gitna.

"I'm Sleep Kaiser Topaz, running as escort under the banner of White Heads. May kasama ako sa platform ko kaya tatawagin ko ang kasama ko," sabi niya at sinenyasan niya na akong lumapit sa kanya kaya tumabi agad ako sa kanya at sabay kaming nagsalita.

"Ang platform namin ay dance equipment sa dance studiong campus natin. Puwede rin kayong magpaturo sa 'min na sumayaw kapag kailangan n'yo ng magtuturo," sabay naming sabi.

Pagkatapos naming sabihin ang platform ay may commercial na naman at lahat ng candidates ng partido namin ay pumunta na sa harapan at sabay-sabay kaming sumayaw sa harapan nila.

Sana naman, manalo kami.

Sumapit ang 4:45 ng hapon, napuntahan na namin lahat ng classroom kaya pagod na pagod kami. Sana naman worth it 'tong lahat ng pagod ko. Lumabas na ako ng classroom at aakyat na sana sa hagdan papuntang 4th floor pero napahinto ako nang makita ko si Tulogna nakasandal sa railings ng hagdan.

Napasinghap ako dahilbigla siyang napatingin sa akin. "May sasabihin ka?" tanong ko sa kanya.

"Manood ka bukas, may gig kami."

"Oh? Bakit mo 'ko inaaya? Ikaw, Tulog, ah. Crush mo ako, 'no?"

"Huwag kang mag-assume. Masasaktan ka lang."

"Ay, grabe siya, oh."

"Basta manood ka bukas, ha?"

"Eh, bakit mo nga kasi gustong manood ako?"

"Hindi ka kasi puwedeng mawala sa paningin ko."

Dug. Dug. Dug. Dug.

P*cha. Bakit ganito ang tibok ng puso ko?

"S-Sige, manonood ako," nauutal na sagot ko.Nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko nang bigla siyang ngumiti.

"Good. I'll expect you to come. Don't be late," sabi niya bagosiya naglakad paalis. Putspa. Bakit hindi ako makaalis sa puwesto ko?


Sleep

MUKHANG na-misinterpret ni Blossom 'yong pag-i-invite ko sa kanya manood.

Hayaan na. Parte lang naman 'yon ng paraan ko para 'di siya mawala sa paningin ko at mabantayan ko siya. Oo, alam ko namang may nanliligaw sa kanya, pero alam ko rin na hindi siya kayang protektahan ng manliligaw niya. Hindi sapat ang lakas ni Blue para protektahan si Prim.

Pagkarating ko sa studio namin, sinabi sa 'min ni Blue na sa Monday na lang kami mag-start ng practice para doon sa band competition.

Sa ngayon, mag-practice muna raw kami para sa gig namin bukas. Sabi ni Red, palagi raw silang nagpe-perform doon sa nightclub. Libre lang daw 'yon dahil nag-e-enjoy daw silang tumugtog.At 'yong night club na 'yon ay pagmamay-ari ng school na 'to sabini Red. Kaya puro students ang nandoon.

Wake Up Or SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon