Kabanata 35 : Pasaring

252 37 4
                                    


Kabanata 35 : Pasaring

Dome


"Hi! Ate Elis." nakangiting bati ni Fayra kay Elis ng makalapit ito kasama si Hades habang magkahawak kamay.

"Hello." nakangiting sabi ni Elis kay Fayra.


"Elis, kapatid ko si Fayra. Then si Lisica pinsan ko. Iyong apat na iyon mga kapatid ni Luna sila..."
udlot na sabi ni Hades ng pisilin ni Elis ang kamay niya na ikinatingin ni Hades sa dalaga.

"Kilala ko na sila dahil nakikita ko sila sa business site." sabi ni Elis ng tingnan siya ni Hades.


"Ahhh. Okay."
nakangiting sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Nasaan ang parents mo?" tanong ni Elis kay Hades.

Napatingin si Hades sa grupo ng Papa niya pero wala na doon ang mga magulang niya.

"Fayra, nasaan sila Papa?" tanong ni Hades sa kapatid ng hindi na makita ang mga magulang sa paligid.

"Kuya, umuwi na sila Papa kasi sumakit ang ulo ni Mama." sabi ni Fayra.

"Ganoon ba." sabi ni Hades sabay tingin kay Elis.

"Umuwi na daw sila Mama." sabi ni Hades kay Elis.


"Bakit?"
sabi ni Elis kahit narinig na niya ang rason kay Fayra.

"Sumakit daw ang ulo ni Mama." sabi ni Hades.

"May sakit siya?" sabi ni Elis na bahagyang napangiti sa isip.

"Migraine na madalas umatake sa kanya." sabi ni Hades


"Kawawa naman pala."
sabi ni Elis na napangisi sa isip.

"Binabantayan naman siya ni Papa at hindi siya iniiwan." sabi ni Hades.


"Ahhmm! Mabait naman pala ang Papa mo. Mabuti nagkadevelopan sila kahit na ginahasa ng Papa mo ang mama mo."
sabi ni Elis na ikinatingin ni Fayra at Hades kay Elis ng mapalakas ang boses nito.

Napangiti naman si Elis ng tingnan siya ng mag-kapatid at ng iba sa pinsan ng mga ito ng marinig ang sinabi niya.

"Ahh! I mean ang ganda ng lovestory nila. Mukhang may spark nga sila kasi biruin niyo nakadalawa pa sila. Ikaw Hades at ang kapatid mong si Fayra." nakangiting balewalang sabi ni Elis.

"Mabait ang Papa ko at hindi rapist." sabi ni Fayra na ikinangiti ni Elis.

"Ahhhmm. So totoo pala ang balita na willing rape victim ang mama mo... nasarapan siguro sa Papa mo." sabi ni Elis na ikinanlaki ng mga mata ni Fayra at ikinatiim ng bagang ni Hades.


"Ano bang pinagsasabi mo sa asawa ko?"
sabi ni Borealis ng marinig ang sinabi ni Elis at makita ang reaksyon ni Fayra.


Napatingin si Elis sa lalaking nagsalita, hindi niya ito kilala pero base sa sinabi nito napangisi siya.


"Asawa? Wala naman, naisip ko lang iyong sinasabi ng Mama ko dati. By the way ako si Elis step second cousin nila Hades at ng wifey mo."
sabi ni Elis sa maarteng tono.

"Ahhh. Okay, akala ko kasi witch ka." sabi ni Borealis kay Elis na ikinamilog ng mga mata ni Fayra at ikinangisi ni Elis.

"Anong sabi mo?" sabi ni Elis na napataas ng kilay kay Borealis.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now