Kabanata 29 : Kapuluan

250 41 18
                                    

Kabanata 29 : Kapuluan

Dressing Room 1


"Ano kaya mo?" sabi ni Sam kay Astraea.

"May oras pa ba o kahit minuto para makapag-isip ako?" sabi ni Astraea ng magdalawang isip siya uli. Una kasi siguro walang kontrata na ang gusto niya kapag nagmodel siya may kontrata kung saan may kikitain siya para sulit, at pangalawa hindi siya ready dahil inalis na niya sa isip niya ang lingerie na gawa ni Elis mula ng matalo siya.


"Oo naman."
sabi ni Sam pero sa loob-loob nito wala na siyang maipapalit kay Astraea. Hindi naman niya puwede pilitin ang dalaga na sa huli baka siya ang sisihin nito dahil panigurado magagalit si Hades sa kanya and worst baka ma-ban siya sa lahat ng kompanya ng grupo nito na malaki ang naitutulong sa modeling career niya.

"Okay. Magbabanyo lang ako. "sabi ni Astraea.

"Sure." sabi ni Sam.

"Ilang minuto pa ba?" sabi ni Astraea na ikinatingin ni Sam sa relo nito.

"Thirty minutes." sabi ni Sam.

"Okay. Pahiram na rin nito." sabi ni Astraea sabay kuha ng roba sa mga nakahanger na damit.

"Okay." sabi ni Sam.

Isinuot ni Astraea ang roba dahil tila nilalamig siya sa tensyon, at excitement kung ano nga ba ang pipiliin niya papayag o hindi.

Nang maisuot ang roba tumingin si Astraea sa inilapag na gawa ni Elis sa vanity desk.

"Pahiram na rin nito para mapag-isipan ko ng mabuti dahil ang utak ko ay nagtatalo. Alam mo na may lahi kaming... aisst! Basta iyon na iyon." sabi ni Astraea na ikinatango ni Sam dahil alam niya iyon.

May lahi ang mga Valiente na sakit na multiple personality disorder na prone lang naman sa mga lalaki sa pamilya kaya nga ayaw niyang pilitin si Astraea dahil baka magbago ang ihip ng hangin kay Hades na may dugong Valiente.

"Aalis na ako, babalik ako at sa pagbabalik ko may sagot na ako." sabi ni Astraea.

"Okay ingat ka." sabi ni Sam.

"Oo pag-iingatan ko ang produkto ni Elis na nakasalalay sa aking alindog." sabi ni Astraea saka ito umalis na ikinatingin ng lahat ng tao sa dressing room sa isa't isa.

...................

Parking area, LS

"King, akala namin hindi mo na kami pupuntahan." sabi ng isang babae na nagmula pa sa Stem.

"Bakit naman hindi? Ako nagpasundo sa inyo dahil after nito pupunta tayo sa palasyo." sabi ni Jan Carl sa babae.

"Nagsisimula na ba ang event?" sabi ng ikalawang babae kay Jan Carl.

"Hindi pa." nakangising sabi ni Jan Carl habang nasa labas ito ng van kung saan sakay ang mga babae na kinuha ng tauhan niya sa Stem para isabay papuntang Canmore Palace. Pero siyempre sinabay niya para may libangan siya sa biyahe.

"Puwede pa pala." sabi ng ikatlong babae sabay yakap sa likuran ni Jan Carl.

Napangisi si Jan Carl naghihintay na ang mga babae sa labas ng van di kalayuan sa Dome ng lumabas siya kasama ng ibang tauhan niya.

"Maraming tao dito at may media." sabi ni Jan Carl pero hinaplos nito ang kamay ng babae na nakapulot sa katawan niya habang yakap siya nito patalikod.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now