Kabanata 23 : Another Word for Love

262 32 6
                                    

Kabanata 23 : Another Word for Love

Blaze Hotel Makati


"Sure ka?" sabi ni Sam kay Hades.


"Oo. Alam kong may kilala kang fashion director. Gusto ko kasi iyong unang gawa ko sa NLC si Elis ang magsusuot."
sabi ni Hades.


"Si Elis? Hindi papayag iyon. Maarte kaya iyon. Lagi nga ako inaaway nun."
sabi ni Sam na ikinatawa ni Hades.

Alam kasi ni Hades na naging kaklase ni Sam si Elis sa kurso nito na Fashion Design at madalas ng ikuwento ni Sam ang ugali ni Elis na maldita nga si Elis na kahit sino tinatarayan nito at hindi nakaligtas doon si Sam, ang babaeng ka-meeting ni Hades na hapong iyon.

Nasa Blazing Resto ang dalawa ng tumawag si Sam na okay na ulit ito kameeting kaya naman agad na pumunta si Hades.

"Akong bahala sa kanya, basta gusto ko sana magiging maganda ang lahat sa pormal na pag-upo ko sa NLC at pagpapakilala. Isang fashion show ang gusto kong maganap. At nais ko si Elis ang pinakareyna ng show na iyon." sabi ni Hades.

Napangisi si Sam dahil hindi niya inaasahan na sa isang iglap si Hades na ang nagmamay-ari ng NLC. Naging estudyante niya ito, matanda na si Hades ng pumasok ito o nag-aral ng fashion design at isa si Sam sa naging mentor ni Hades. Sa una hindi naniniwala si Sam na kay Hades ang NLC pero ngayon na napatunayan nito ang lahat ng kinuwento nito sa kanya kaya napahanga siya nito ng makuha ang pinaka Top Fashion Lingerie Business sa bansa.

"Tulungan mo ako, maam." nakangiting sabi ni Hades ng tingnan lang siya ni Sam.

Napatitig si Hades kay Sam, naging kaibigan niya ito ng nasa kolehiyo siya. Una niya kasi tinapos ang kursong abogasya kaya naman sa pagpasok niya sa Fashion Design na kurso halos magkasing edad sila ni Sam kung saan Professor niya ito at doon nagsimula ang friendship nila.

"Okay. Ako ng bahala." sabi ni Sam.

"Salamat. Ang okasyon na iyon ay ang pag-upo ko sa NLC at gusto ko naman hindi maitsapwera o mabatikos si Elis.

Kaya gusto ko din kahit na pag-upo ko ang araw na iyon at pagpapakilala sa lahat bilang bagong may-ari ng NLC maipakita pa rin ng lahat ang respeto kay Elis na naging parte ng kompanya ng Mama ko." sabi ni Hades na ikinangiti ni Sam

"Alam mo kakaiba ka rin. Biruin mo ninakaw na ng pamilya ni Elis ang yaman ng Mama mo tapos ang gusto mo pa rin makasama ang umagaw sa mana mo." sabi ni Sam.


"Alam mo kasi Sam, hindi naman kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. Walang alam si Elis at saka kung may alam naman siya, wala naman siya sa pangyayari at hindi rin niya kasalanan na maging parte o isilang ng mga magulang niya."
sabi ni Hades.

"Haysss! Bilib na talaga ako sayo Hades. Alam mo totoo nga yata ang sinasabi sa pangalan mo, na sa lahat ng loyal si King Hades na isang demonyo ang naging tapat sa babae." sabi ni Sam .

"Tinuruan lang ako ng Mama ko at saka wala naman sa akin magtanim ng galit. Kung si Papa nga napatawad ko, sila pa kaya. Mana lang iyan, pera...

... at kaya ko lang naman kinuha kasi para sa Mama ko." sabi ni Hades.


"Ang suwerte naman ng mapapangasawa mo, ang bait mo sa babae."
sabi ni Sam.

"Malas nga eh." napailing na sabi ni Hades na ikinangisi ni Sam.

"Alam mo Hades. Hindi siguro kayo para sa isa't isa ni Katara, at noong araw na iyon nakita ko naman na tanggap niya na umayaw ka."sabi ni Sam.


"Nakaka-guilty kaya."
sabi ni Hades.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now