Kabanata 34 : Kontrabida

357 43 12
                                    


Kabanata 34 : Kontrabida


"Elis, lumabas na tayo at makisalo sa lahat para sa success ng event." sabi ni Sam.

"Okay pero bigyan natin sila ng panghimagas." sabi ni Elis.


"Elis hin..."
udlot na sabi ni Sam ng lumapit si Elis at sabunutan ang buhok niya.

"Aray!" nasaktang sigaw na sabi ni Sam habang mahigpit na hawak ni Elis ang buhok niya na ikinangisi ni Eye.


"Susundin mo ako o ngayon din mismo masisira ang career mo tulad ng pagkasira ng career ni Eye, kasabay ng pagkawasak ng boutique mo tulad ng pagkawasak ng HBN Station.

Ano Sam? Mamili ka, madali akong kausap." sabi ni Elis sabay higpit ng pagsabunot nito sa buhok ni Sam na ikinaigik ni Sam

"Okay sige, susundin kita pero last na ito at hindi na ako magpapakita sa inyong lahat." inis na sabi ni Sam na ikinangiti ni Eye at ikinangisi ni Elis.

"Oo tama lang na huwag ka ng magpakita at huwag mong tatangkain magsalita dahil sabog ka, hindi ako mangingiming pabagsakin ka."sabi ni Elis sabay bitaw sa buhok ni Sam.

"Hahaha! Mukhang mauuto ko na ang isang ito dahil mukhang nagbago ang timpla at kung bakit nagbago, saka ko na aalamin." sabi ni Eye sa isip habang napangising nakatingin kay Elis.

Umayos ng pagkakatayo si Sam saka ito nagsalita.

"Babayaran na kita ngayon sa atraso ko sayo kapalit ng pananahimik ko, at pag-iwas sa mga landas natin na tila walang naganap at hindi ko kayo nakita pagkatapos nito." sabi ni Sam sa sarkastikong tinig.

"Okay. Bilisan mo, at siguraduhin mo na mapapaganda mo pa lalo ang event at maagaw ang eksena na kinuha ng grupo ni Hades kanina." sabi ni Elis na ikinangisi ni Sam.

......................

Dome

"Asar! Nasaan na ba iyon?" sabi ni Hades ng makapasok sa loob ng Dome.

"Uy! Sinong hinahanap mo?" sabi ni Alex kay Hades ng makitang palinga-linga ito.

"Si Elis, hindi ko makita." sabi ni Hades.

"Napuntahan mo na ba sa backstage?" tanong ni Alex.


"Ay oo nga pala baka nandoon. Doon kasi kami nanggaling kanina bago maghiwalay so baka nga doon siya naghintay."
sabi ni Hades at akmang maglalakad ito papunta sa backstage ng magbago ang ilaw ng stage

"Ohhhh! Baka meron pang pakulo!" sigaw ni Haco na ikinasigaw ng magpipinsan.

"Mamaya na tayo kumain, manood muna tayo." sabi ni Viggo sa mga pinsan.

Napatingin si Hades sa stage ng biglang pumailanlang ang isang tinig.

"Para sa huling pasabog ng NLC Fashion Show malugod na ipinakikilala ng Nicolas Lingerie ang isang bagong mukha ng Fashion World." malamyos na sabi ng tinig.

"Si Sam." mahinang sabi ni Hades habang nakatingin sa stage ang lahat ng mabosesan ang tinig.

"Whoahhhh!" hiyawan ng lahat ng maging kulay pula ang ilaw sa stage na nakakaakit tingnan.

"Sabi ko na nga ba sa Nicolas na ako kukua ng bebot." sabi ng isang Prinsipe na ikinatingin ng grupo sa mga ito na tila nasilihan ang lahat dahil ang ilaw ay tila nang-yayaya na kakaibang kaligayahan.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now