Kabanata 14 : Paglapit

240 38 8
                                    

Isang magandang umaga!!!!

Sinisipag ako mag-UD kaya sana sipagin din kayo mag-vote. hahaha! 

At kung may tulong huwag mahiya ipaabot kahit anong halaga para sa makukulit kong anak na taga-edit ko na humihingi ng suhol.

................


Kabanata 14 : Paglapit

NLC, Makati Bldg


"Good morning, Madame." bati ng mga empleyado kay Elis ng umagang iyon.

Napayuko ang mga empleyado ng mapadaan si Elis. Taas noo kasi ang babae at may hawak pang mamahalin kape sa isang kilalang coffee shop. At tulad ng dati nakasuot ito ng mamahaling dress, at mataas na sapatos. Halatang angat, halatang mayaman, halatang kakaiba at halatang may sinasabi. At bukod doon halatang mataray ang babae.

"Ready na ba ang room para sa mga models?" seryosong sabi ni Elis habang naglalakad ito at kasunod ang mga staff nito.


"Yes, Madame."
sabi ni Claire ang namamahala para sa mga models na mag-aapply sa araw na iyon.

"Okay, tulad ng sabi ko ayoko makakita ng hindi gusto ng mga mata ko. Alam mo naman ang ibig ko sabihin Claire." istriktong sabi ni Elis.

"Yes, Madame." sabi ni Claire.


Napangiti si Elis, dahil hindi niya kasama si Hades ng araw na iyon at mukhang hindi naman nito itutuloy ang pagbabantay sa kanya. Hinayaan siya nito pumunta kanina sa NLC Makati kung saan ginaganap lagi ang modelling ng lingerie ng NLC.

Nasa NLC Manila naman si Hades at wala na siyang balak alamin ang ginagawa nito dahil para kay Elis basta magawa niya ang gusto niya sa kompanya sapat na iyon.

"Madame, may mga artist po at top models na nag-apply." sabi ni Claire kay Elis.

"Mabuti,at inaasahan ko iyon." seryosong sabi ni Elis habang naglalakad ang mga ito.

"May mga hindi rin po inaasahan na mag-aapply." sabi pa ni Claire na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Sino ba naman ang hindi papatos sa ilang milyong talent fee sa isang lingerie na pagmomodelan nila. Pero hindi naman kasi pipitsugin ang gawa ko kaya dapat lang maganda ang magmomodelo." sabi ni Elis na kahit hindi pa niya nakikita ang listahan ng mga nag-apply sigurado naman siya na mga kilala at hindi basta-basta ang nasa line up.

Napatingin ng pasimple ang mga staff na nasa likuran ni Elis sa isa't isa, tanging ang amo lang nila na si Elis ang tanging pipili ng modelo na lagi naman nagaganap dahil ang gusto ni Elis ma-satisfy ang gusto nito.

Papasok na ang grupo sa isang kuwarto kung saan gaganapin ang pagpili ng modelo ng salubungin si Elis ng isang lalaki o kung lalaki nga ba.

"Good day, Miss Samo puwede ko bang mahingi ang kaunting oras mo?" sabi ni Gill na ikinataas ng kilay ni Elis.


"Sino ka naman? At saka wala kang sked sa akin."
mataray na sabi ani Gil.

"Ahhmm. Sorry, pero tungkol ito sa negosyo." sabi ni Gill.

Napatitig si Gill kay Elis, halatang matapobre ang babae sa tindig pa lamang nito at tingin na nakakatagos hanggang kaluluwa.

"Magpasked ka dahil wala akong panahon sa mga taong sayang lang sa oras ko." sabi ni Elis na ikinangisi ng lihim ni Gill.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now