Kabanata 22 : Pangamba

259 35 5
                                    


Kabanata 22 : Pangamba

NLC, Makati

One Week later


"Hello Miss Elis." bati ni Eye kay Elis ng umagang iyon ng masalubong ito sa hallway.

Napatingin si Elis kay Eye pero muli nagpatuloy ito sa paglalakad papuntang elevator.

Napangisi si Eye ng lihim dalawang linggong hindi niya nakita si Elis na hindi niya inaasahan dahil talagang sa tauhan lang ng babae siya iniwan na tila pipitsugin siyang tao na hindi man lang nakuhang kamustahin ang trabaho niya.

Napangisi naman si Elis ng sundan siya ni Eye sa paglalakad. Hindi siya nakapunta sa NLC MAkati ng dalawang linggo dahil sa NLC Manila siya namamalagi kasama si Hades na naging kaclose niya o nakakabonding niya lagi. Maganda kasi kasama ang binata na kinaaaliwan na niya.

"Napag-isipan mo na ba ang alok ko? Open pa rin ang offer ko sa live telecast para sa pagmomodel ng lingerie mo." sabi ni Eye.

Hindi umimik si Elis, hindi pa kasi nasusuot ni Eye ang gawa niyang lingerie na siyang imomodelo nito o ng napiling aplikante. Nagdadalawang isip kasi siya lalo na at kuntodo ang pag-papaalala ni Hades sa kanya tungkol kay Eye.

Nang hindi naman umimik si Elis napakunot noo si Eye hindi niya kasi mabasa ang iniisip ni Elis o hindi niya masakyan ito para makausap at maging tulay sa grupo ni AJ.

"Dalawang linggo na lang ang kontrata ko may oras pa para mapaghandaan ko ang libreng alok ko sayo." muling sabi ni Eye na ikitigil sa paglalakad ni Elis saka nito tiningnan si Eye na ikinahinto naman sa paglalakad ni Eye.

"Ako ang amo, kaya matuto kang maghintay, at iyong tungkol sa sinasabi mo pinag-iisipan ko pa at ang totoo hindi kasi kita trip magsuot ng gawa ko." mapanuyang sabi ni Elis na ikinamula ng mukha ni Eye sa pagkapahiya sa lantarang pagmamaldita ni Elis na kahit si Eye ang nanalo pinapamukha ni Elis na ito pa rin ang masusunod kung susuutin ni Eye o hindi ang pinag-agawang posisyon para sa imomodelo ng mga aplikante.

"Buweset na babae ito ha." napahiyang sabi ni Eye sa isip na tila nakaramdam siya sa unang pagkakataon na tila maiihi siya sa pagkapahiya at sa mismong babae pa sa harap niya kaya agad ito bumawi.

"Dalawang linggo ako naghintay, ang pictorial ko ay sa ibang lingerie na gawa ng NLC. Pero ang nasa kontrata ko ang gawa mo ang susuutin ko." sabi ni Eye.

Nailathala na ang ibang pictures na kinuhanan sa kanya sa pictorial nitong mga nakalipas na araw pero ni hindi pa ginagawa ang pinakaproject niya at iyon ang ginawang lingerie ni Elis na usap-usapan ngayon ang magiging itsura sa napiling susuot, at siya iyon.

"Tama ka, gawa ng NLC at nasa kontrata mo gawa ko. At ang gawa ng NLC ay GAWA KO." diin na mataray na sabi ni Elis na napataas pa ng kilay.

Napatiim ng bagang si Eye dahil inaasahan ng lahat na siya ang magsusuot kaya isang malaking dagok na naman kapag hindi niya nasuot ang napanalunan niya.

"Wala akong pakialam sa kakapiranggot na damit dahil ang sa akin iyong imahe ko na lalo mong binababa." sabi ni Eye sa isip habang nakatitig kay Elis ng matalim.

Hindi nakapagsalita si Eye sa lalong nararamdamang panliliit na tila siya pipitsuging tao lang na kung tutuusin isang tv Station ang namana niya sa ama. At ang mga magulang niya ay hindi basta-basta sa lipunan dahil ang angkan ng parehong magulang ni Eye ay kabilang sa mayayamang pamilya sa bansa.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon