Kabanata 10 : Airess

314 42 16
                                    


Kabanata 10 : Aires

Cheung Hotel

El Paradiso

Days later


Kanina pa sa parking area sa labas ng hotel si Hades. Hinihintay niya kasi ang mga pinsan bago pumasok sa loob. Galing pa siyang Manila kung saan nagmamadali siyang lumuwas at pumunta sa isla ng malaman niyang ipapakilala ang anak ni Burn na si Maho.

Nakasandal si Hades sa magarang sasakyan niyang iyon sa parking area ng may mamataan siyang di pamilyar na kotse na nagpark sa gilid ng parking area.

Napakunot noo si Hades dahil kakaiba ang sasakyan magara iyon pero hindi pa niya nakikita sa grupo kung saan grupo lang naman nila ang mayroong mamahaling sasakyan sa El Paradiso.

"Sino kaya ito?" sabi ni Hades sabay buga ng usok mula sa sigarilyo nito.

Napatitig lang si Hades sa kung sino ang bababa o lalabas sa kotse. Hindi naman siya natatakot kung masamang tao iyon o kung kalaban ng grupo sa negosyo dahil ligtas ang unang bayan ng El Paradiso sa mga ganoong banta. Bago ka kasi makapasok sa unang bayan may mga tauhan na ang mga Cheung sa main hi-way o mga daan na papasok sa bayan kahit ang mga daungan o pantalan ay may mga tauhan ang Cheung na mag-iinspeksyon bago ka makapasok sa balwarte ng mga Cheung.

"Hindi kaya si Burn?" sabi ni Hades sa isip dahil mula ng umuwi ito sa bansa at hinawakan ang Piamonte hindi pa niya nakikita ang pinsan.

Nagkasakit ang pinsan niyang si Burn, kakambal ni AJ, at kalaunan lang nila nalaman. Kahit ang anak nitong si Maho ang akala nila anak nila Rio at Alex na minsan lang niya nakita ay ngayon lang niya uli masisilayan.

"Puwede." sabi ni Hades dahil nagbago sila Burn mula ng umuwi ito ng bansa. Hindi nga nila akalain na pamumunuan nito o kaya nito hawakan ang Piamonte ang pinakamalaking IT system sa bansa.

"Tsss! Tinulungan niya si Burn magbago kasabay ng paglabas ng galing ni Burn." sabi ni Hades sa isip na hindi naman nila sukat akalain ang potensyal ni Burn. Tamad kasi mag-aral ang pinsan niyang si Burn. Nagpakasal sa nobya nito at humiwalay sa kanila. Hindi nila nabalitaan ang naganap dito at iyon naman kasi ang gusto ni Burn mamuhay ng simple malayo sa karangyaang meron sila na bukas sa media.

Kaya naman sa mga panahon na iyon, iniisip niya na okay ito. O dahil na rin busy si Hades sa buhay niya na tipikal naman sa lahat kapag tumatanda na.

"Malapitan nga." sabi ni Hades sabay hithit ng yosi nito sabay buga uli habang naglalakad na patungo sa kotse.

.................

"Heiress nandito na tayo." nakangiting sabi ni Elis habang pinagmamasdan ang dalawang taong gulang na batang babae.

"Ipapakilala kita sa lahat. Tingnan natin kung hindi sila magulat na ang anak ni AJ Valiente ay nagmula sa puson ko." sabi ni Elis na ikinangiti ng sanggol.

"Ganyan nga baby dapat tulad ni lola mo at ako. Matapang, palaban at walang inuurungan. Positibo at masayahin kahit na nanakawan." sabi ni Elis sa sanggol habang inaayos ito.

Napangiti si Elis, ilang oras din ang biniyahe nila. Nakakotse lang sila mula Manila. Isinakay niya ang kotse sa barko na papunta sa El Paradiso kung saan ilang oras din ang biniyahe nila o isang araw kaya heto puyat siya pero kahit ganoon masaya siya dahil tulad niya ang nakikita niyang bata ay malakas na nakaya ang ganoong kahabang biyahe.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon