Kabanata 12 : Stratehiya

298 37 8
                                    

Kabanata 12 :  Stratehiya

Nicolas Mansion, Manila

Hours later


"Ayyyy! Ang sarap ng tulog ko." nakangiting sabi ni Elis sabay unat nito.

"Ang sarap sa kama kong malambot, ang unan kong mabango, ang aircon na malamig, ang kuwartong kong sariwa ang amoy. Iba talaga Elis, ikaw na ang naambunan ng napakaraming pagpapala." sabi ni Elis sabay kamot sa tiyan niya na madalas niyang gawin kapag nagigising siya.

"Ang sarap naman ng malambot na pantulog sa katawan ko, iba talaga pagmamahalin at lumaking masuwerte." sabi pa ni Elis ng biglang mapahinto siya at mapakunot ang noo.

"Sandali, nakapantulog na ako." sabi ni Elis sabay sa pagkapa sa ilalim comforter ng katawan niya.

"Wait lang. Di ba nasa El Paradiso ako? Ano iyon panaginip lang ba?" sabi ni Elis habang nakapikit ito.

"Pero hindi, kasi dala ko si Airess at saka pupunta kami sa tatay niya. Pero bakit.... bakit?" pauta-utang sabi ni Elis sabay mulat ng mga mata nito.

Samantalang kanina pa nakatayo si Hades sa harap ng kama ni Elis, kanina pa rin niya pinagmamasdan ang dalaga ni hindi kasi ito nagising man lang ng ilipat niya sa chopper mula sa El Paradiso at kahit nasa himpapawid sila tulog ito. Na hindi naman pinagtataka dahil hindi biro ang bente kuwatro oras na pagbibiyahe ng kotse mula Manila hangang El Paradiso kahit sabihin pang nagbarko ang mga ito.

Nang umunat si Elis napangisi si Hades dahil iba na ang damit nito na siya ang nagbihis pero kahit ganoon wala siyang naramdaman na nakatalik na nga niya ang dalaga. Siya kasi ang taong alam ang bawat pakiramdam kapag nakatalik na niya ang babae. Pero si Elis habang binibihisan niya kanina wala siyang nadama na nahawakan na niya ito kaya naman ibayong pagtitimpi ang ginawa niya huwag lang ito galawin.

"Ahhhhhh!" malakas na sigaw ni Elis na napaupo ng makita si Hades o si Hades nga ba ang nakita niya dahil pakiramdam niya pula ang mukha nito na nakaatakot at may sungay.

"Ahhhhh!" balik sigaw ni Hades dahil inaasahan na niya ang overacting na reaksyon ni Elis na kung tutuusin hindi naman niya ito hinubaran ng todo pinalitan lang niya ito hindi kasama ang underwear nito.

"Ahhhhh! Bakit ka nandito?" gulat at nanlalaking mata na sabi ni Elis ng makita si Hades. Ganoon pa rin ang suot ng binata iyon nga lang nakabukas na ng bahagya ang longsleeve nitong suot kaya kita ng bahagya ang dibdib nito.

"Hinatid ka sa bahay ko." sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis sa kuwarto.


Napakunot ang noo ni Elis dahil kuwarto niya iyon kaya naman napabaling ang mata niya muli kay Hades.

"Siraulo ka! Kuwarto ko ito! Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?" sabi ni Elis sabay hablot ng comforter pata itakip sa katawan niya.

"Bahay ko ito." sabi muli ni Hades na napangisi dahil kahit naman hindi niya nakita ang kabuuan ni Elis sigurado siya okay ang dalaga sa kama iyon nga lang hindi niya matandaan kung nakatalik niya talaga ito.

"Anong bahay mo? Kuwarto ko ito!" inis na sigaw ni Elis.


"Ano ba? Sigaw ka ng sigaw."
sabi ni Hades.


"Sumisigaw ako kapag may panganib."
sabi ni Elis.


"Hahaha! Ano ka wangwang ng bombero, ambulansya o ng pulis."
sabi ni Hades.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon