Kabanata 24 : A Gift for The Queen

248 36 8
                                    

Kabanata 24 : A Gift for the Queen

Blazing Pan, Blaze Hotel Makati


"Okay, tatawagan na lang kita dahil may iba pa akong gagawin." sabi ni Sam na ikinatango na lamang ni Eye.

Umalis si Sam at naiwan si Eye na napahingang malalim.

"Grabe, tatlong araw." sabi ni Eye sabay sampal ng bahagya sa magkabilaang pisnge niya.


"Sponsor, maghahanap ako. Kaya ko ito kasabay ng... oh my God! Baka maubos ang mana ko sa libreng broadcast."
sabi pa ni Eye sa isip.

"Ano okay ba?" sabi ni Gill ng makalapit kay Eye.

"Sponsor. Kailangan ko ng sponsor, mamumulubi ako kapag lahat libre." sabi ni Eye na ikinatawa ni Gill.

"Hahaha! Ano ka ba? Relax. Lalayo ka pa ba, tumingin ka sa paligid mo." sabi ni Gill na ikinatingin ni Eye sa paligid nito. Nang may mamataan siya.


"Ang grupo ni Aj ay isang malaking yaman. Eye, bukod sa kanila makakahatak ka ng iba pang malalaking kompanya kapag nalaman ng mga ito na bigatin na ang unang nakuha mong sponsor. Ilagay mo lang ang pangalan ng negosyo ng mga iyan para mahikayat ang iba. Dahil tiyak sulit na sila at lalo ka na."
sabi ni Gill.

"Okay, uunahin ko ang Canmore Telecom." napangiting sabi ni Eye.

"Very good." sabi ni Gill ng maisip ni Eye ang naisip niya.

Napangiti si Eye saka tumingin kay Gill.

"Akin ang station, kaya mapapadalo ko ang nais ko sa event." sabi ni Eye na ikinangisi ng magkaibigan.

..................

NLC Makati

Hours later

"Elis." tawag ni Hades habang naglalakad na sa hallway si Elis ng hapong iyon.

"Uy, bakit ka nandito?" sabi ni Elis ng makita si Hades na hindi niya inaasahan.

"Dumaan lang ako galing ako sa Blaze hotel." sabi ni Hades ng sabayan maglakad si Elis.

"Bakit?" sabi ni Elis.

"May meeting ako kay Miss Sanchez kanina." sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Nagpapaalam ba ito o nagrereport?" sabi ni Elis sa isip.

"So?" sabi ni Elis sabay kuha ng cellphone sa bag nito ng tumunog iyon.

Napangiti si Hades ng makita ang mamon na binigay niya na nasa bag ni Elis.

"Ayaw ipakita sa lahat na binigyan ko siya ng bulaklak." sabi ni Hades sa isip ng mamon lang ang kinuha ni Elis.

"Kumain ka na?" sabi ni Hades habang bumagal ang paglalakad ng dalawa sa hallway dahil nagtetext si Elis.

"Dinner?" sabi ni Elis habang nagpipindot sa cellphone nito.

Napahingang malalim si Hades ng hindi niya makuha ang buong atensyon ng dalaga kaya inagaw niya ang cellphone ni Elis.

"Uyyy! Ano ba? May tinetext ako." sabi ni Elis.

Tinago ni Hades sa bulsa ng pantalon nito ang cellphone ni Elis saka nito hinawakan ang mukha ng dalaga na ikinatingin ng mga empleyado na naglalakad sa hallway na iyon.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon