Kabanata 3 : Pagkawalay

289 34 6
                                    


Kabanata 3 : Pagkawalay

6years later


"Kuya." sabi ni Hestia ng makita ang kapatid niya na humarang ang kotse nito sa taxi kung saan sakay siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Hades sa half sister habang karga nito ang sanggol na anak nito sa pinsan niyang si AJ Valiente

Tumawag si Aj kay Hades na puntahan si Raven pero siyempre ang inuna ni Hades ang kapatid niyang si Hestia para alamin ang kalagayan nito. Kaya naman ng sabihin ni Aj kung nasaan ito agad siyang umalis hindi para sundin ito kundi para makuha ang kapatid niya dahil kilala ni Hades si Aj, may mga alipores ito na mahirap kalabanin, mga halang ang bituka at mga tauhang si Aj lang ang nakakapagmanipula.

"Lalayo." sabi ni Hestia sabay yakap sa sanggol na dala nito.

"Anong nangyari? Bakit ka lalayo?" may pag-aalalang sabi ni Hades sa bunsong kapatid.

"Si Aj may relasyon sila ni Luna." sumbong na sabi ni Hestia na ikinakunot noo ni Hades ng makita ang namumuong pagluha ni Hestia.

Kapatid ni Hades si Hestia, anak ito ng nanay ni Hades sa unang pinakasalan nitong lalaki. Pero ngayon kasal na ang nanay niya sa tatay niya matapos mamatay sa cancer ang tatay ni Hestia. (Read Heaven Novel)

"Babae? Baka naman nagkakamali ka. Mahal ka nun." sabi ni Hades. Pinsan niya si Aj, nobyo ng kapatid niya, kaedad niya ang pinsan at sampung taon ang tanda kay Hestia. Walong taong gulang pa lang si Hestia ng magkasama na ang pinsan niyang si Aj at ang bunsong kapatid at kahit tutol siya magbahay-bahayan ang dalawa wala siyang magawa dahil iba ang utak ni Hestia na ikinatatakot din niya na baka maligaw ito ng landas.

Nagpaiwan kasi si Hestia sa side kamag-anak ng tatay nito sa NYC kung saan alam ni Hades na liberated at wild ang mga bata kaya naman para maagapan napagdesisyunan ng pamilya na ireto ito kay Aj para matigil si Hestia sa isang lugar.(Read Infinity Novel)

"Narinig ko sila at nahuli sa Canmore Tower. Kuya tulungan mo ako, niloloko ako ng pinsan mo." sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Hades.

Ang alam ni Hestia naglalaro lang ito kay Aj ng bahay-bahayan hanggang sa malaman nito na kinasal na ito kay Aj, at ito nga gumawa ang pinsan ni Hades ng sanggol para ikadena si Hestia sa oras na magwala ito kapag nalaman ang lahat na nakatali ito kay AJ sampung taon na.

"Nakita mo talaga?" sabi ni Hades.


"Oo kuya oo."
todo tangong sabi ni Hestia.

Napatingin si Hades sa paligid, alam niyang pinasusundan ni Aj si Hestia kay Shiloh kaya any moment alam niyang susulpot ang isa niyang pinsan para kunin si Hestia o ang anak ng kapatid niya kay AJ.

"Kuya, tulungan mo kami ng pamangkin mo." sabi ni Hestia na ikinatingin ni Hades sa pamangkin niyang ubod ng ganda.

Maganda ang sanggol na dala ni Hestia at iyon talaga ang una mong mapapansin, sa unang tingin nga parang manika lang ang dala ni Hestia. Halo ang mukha ng sanggol mula kay AJ at kay Hestia at ang kombinasyon perpekto para sa kay Hades. Nalaman nila na sa capsule ginawa ang anak nila Aj at Hestia kung saan makakapamili ng puwedeng manahin ng sanggol at ito hanggang ngayon hindi sila makapaniwala na nagawa ni AJ ang isang obra sa tulong ng hiningang binigay ng Diyos sa sanggol na nasa harapan niya.

"Langyang AJ iyon nakuha pang manloko, at talagang sa pinsan pa namin nakuhang mangabit. Ang ganda na ng mag-ina niya nambabae pa." sabi ni Hades sa isip.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now