Kabanata 33 : Kilos ng Selos

246 37 7
                                    


Kabanata 33 : KIlos ng Selos

Dressing Room 1


"Arghhhhh!" malakas na sigaw ni Elis saka ito nagwala sa loob ng dressing room niya.

"Buweset ka Hades!" inis na sigaw ni Elis saka nito hinawi ang lahat ng damit na nakasampay sa dressing room at pinagbabato iyon sa lapag.

"Mahal? Huh! Okay sige gusto mo makipaglaro at mag-utuan tayo, pagbibigyan kita." sabi ni Elis saka ito nagtungo sa vanity desk at hinawi ang lahat ng nakalagay sa mesang iyon.


"Pinaiikot mo lang ako para makuha mo ang lahat ng malinis at mapayapa."
sabi ni Elis.

"Ahhhh! Fuck you! Hades!" sigaw ni Elis saka nito tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin.

"Niloloko mo lang pala ako. Pinapasakay. Tssss! Akala mo ganoon ako kadali matalo. Akala mo lang iyon dahil ngayon makikita mo ang bangis ni Elis." sabi ni Elis saka nito kinuha ang lipstick na nasa lapag at pinahid iyon sa salamin.

"Akin ang NLC, akin ang trono na ipapasa ko kay Airess. Ang baby namin ni Aj ang magmamana ng lahat." sabi ni Elis saka nito sinulat ang pangalan ni Airess sa salamin sa pamamagitan ng lipstick na red at sa tuktok ng pangalan ay gumuhit ng isang korona na tila nakapatong sa pangalan ng batanga babae.

"Makikita mo, pagbabayaran mo ang lahat." sabi ni Elis na napangising pinagmamasdan ang ginawa nito sa salamin.

..................

Parking Area

"Ano ba ibalik mo ako sa loob?" sabi ni Astraea na pilit kumakawala sa pagkakabuhat sa kanya ni Jan Carl.

"Uuwi na tayo, ito ang gusto mo di ba? Pinagbigyan kita." sabi ni Jan Carl.

"Siraulo ka." inis na sabi ni Astraea.

Napatingin naman si Katara at Hades na pasimpleng bumitaw sa yakapan ng isa't isa ng marinig ang dalawa na papalapit.

"Anong siraulo? Paano ako naging siraulo? Pinili nga kita at bumitaw na ako." sabi ni Jan Carl.

"Bumaba ka sa trono pero ibinigay mo ang korona sa kawangis pa ng kuya ko." sabi ani Astraea na ikinakunot noo ni Katara at Hades sa sinabi ni Astraea.

"Ayoko makipagtalo sayo. Uuwi na tayo dahil asawa na kita." sabi ni Jan Carl.


"Mukha mo. Sinadya mo ang lahat kaya hindi ako sasama sayo."
sabi ni Astraea.

"Tsss! Sasama ka sa akin at sa palasyo tayo pupunta at maninirahan." sabi ni Jan Carl.


"Ayoko!"
sigaw ni Astraea.

"Tumigil ka at kanina pa ako naririndi sayo." seryosong pagalit na sabi ni Jan Carl.

Napatingin si Astraea kay Jan Carl saka ito tumahimik ng makita ng dalaga na napipikon na nga ito.

"Okay, kakalma ako para mauto kita uli at mabago ang lahat." sabi ni Astraea sa isip.

Nang huminto si Astraea sa kakapalag napatingin si Jan Carl sa daan papuntang sasakyan nito. Nang makita nito si Katara kasama si Hades.

"King." napayukong sabi ni Katara ng mapatingin si Jan Carl sa kanya.

Napatingin si Jan Carl kay Hades saka ito napangisi.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now