Kabanata 8 : Simula ng Pagsakop

358 43 10
                                    

 PLAGIARISM is a CRIME

Do NOT Copy!!!!!

Original novel by Rose Chua

.......................................

Kabanata 8 : Simula ng Pagsakop

Flashback

Stem Months ago


"Pahiram ng chopper, uuwi na kami." sabi ni Hades ng makita si Borealis sa gusaling iyon na hindi naman niya ipinagtataka dahil tauhan ito ni AJ.

Napatingin si Borealis sa babae at napangisi ito.


"Bago ba iyan? Pahiram."
sabi ni Borealis na ikinasipa ni Hades sa lalaki habang buhat nito si Elis na wala pa rin malay.

"Hahaha! Ang sakit." natawang sabi ni Borealis ng maabot ng paa ni Hades ang binti niya para sipain kahit buhat ni Hades ang babae.

"Siraulo! Pahiram ako ng chopper at baka magising ito lagot ako pati kayo." sabi ni Hades.


"Bakit?"
sabi ni Borealis na nagawa pang kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito saka binuga pataas.

"Tsss! Hindi ka mukhang doctor sa ginagawa mo. Mukha kang...." udlot na sabi ni Hades.

"Mafia doctor ako." nakangiting proud na sabi ni Borealis.

"Aissst! Bilisan mo na at iuuwi ko na ito sa bahay nila o kahit saang hotel habang hindi ako nakikita." sabi ni Hades na ikinatawa ni Borealis.


"Hahahaha! Mukha kang natatakot."
sabi ni Borealis sabay lapit kay Hades at kinapa ang noo nito.


"Ano ba?"
sabi ni Hades ng kapain ni Borealis ang noo niya.

"Ayan, ang ebidensya malamig sa gusaling ito at sa bansang ito pero ikaw pinagpapawisan ng malapot. Anong nangyari diyan?" sabi ni Borealis sabay lahad ng kamay nito na may pawis ni Hades.


"Hay naku! Wala akong oras makipagkuwentuhan sayo. Pahiram na ako ng chopper."
sabi ni Hades ana ikinatawa ni Borealis dahil nasa mukha ni Hades na atat itong umalis sa takot na masilayan ito ng babaeng hawak nito.


"Okay, pero may bayad."
sabi ni Borealis.


"Ano?"
sabi ni Hades.

"Kahit ano puwede ba?" sabi ni Borealis.


"Tangna! bilisan mo ano iyon?"
naiinip na sabi ni Hades na ikinatawa ni Borealis.


"Hahaha! Kahit ano nga, puwede?"
natawang sabi ni Borealis.

Naroroon si Borealis sa Stem dahil siya ang nagbigay ng gamot sa dalawang nasa harapan niya at siyempre pinag-aaralan niya ang epekto ng ibinigay niya habang kausap si Hades na hindi alam ng lalaki sa harap niya na nagsasagawa na siya ng test at interview para malaman ang side effects ng gamot.


"Bullshit! Oo na."
inis na sabi ni Hades ng bahagyang gumalaw si Elis habang karga niya


"Blind date sa kapatid mo, sa asawa ko."
sabi ni Borealis.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now