Kabanata 31 : How Can I Fall You

331 51 17
                                    

Kabanata 31 : How Can I Fall You

"Gahaman ako, siguro oo. Kasi isa akong Lopez na sinasabing ang kayamanan ay hindi mo dapat ipamahagi ng libre." pagpapatuloy na speech ni Hades.

.....................

"Oo tama si Hades kaya tingnan niyo ang lolo niyang si Matias. Sobrang yaman paano idol niyan si Daddy na isang gahaman." sabi ni Malic na ikinatawa ng grupo.

"Hahaha! Siraulo." sabi ni Matias sa kapatid na si Malic.

..................

"Kaya naman, sa pagtapak ko at sa pagkuha ng akin.... kukunin din kita." sabi ni Hades ng biglang magbago ang ilaw sa stage.

"Madame, game na." sabi ng staff na ikinakaba ni Elis sa narinig na sinabi ni Hades.

Bumukas ang likurang bahagi ng stage na ikinatingin ng lahat.

Napalunok si Elis dahil hindi niya inaasahan na siya lang ang magmomodelo at ang mga ilaw kakaiba sa lahat ng rampa na pinagmodelohan na niya.

Napangiti si Hades ng makita si Elis.

Napatingin naman si Elis sa bahaging kanan kung nasaan nakapuwesto ang host at kung nasaan si Hades ng mga oras na iyon na nagsasagawa ng speech.

Ang spotlight nakatutok kay Hades pero iisa lamang iyon dahil ang ibang ilaw ay na kay Elis.

"Madali akong ma-fall..." sabi ni Hades na ikinatahimik ng buong grupo dahil walang nakakaalam ng gagawin nito kahit na nga ba ang gagawin ni Elis ay hindi alam ng lahat.

".....nahulog ako sayo kasabay ng pag-abot ko ng mana ng Mama ko." sabi ani Hades na ikinalunok naman ni Shimmer dahil hindi niya akalain na kukunin ni Hades ang lahat.

"Sa pag-abot ko sa taas at sa pagdating ko sa tuktok kusa akong bumitaw....

.... dahil nakita kong mahuhulog ka. Kaya nagpatihulog din ako." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis.

"Ladies and getleman, the queen of NLC, at ang babaeng na-fall ako." sabi ni Hades habang tahimik ang lahat.

"Ang unang gawa ko para sa NLC ay suot niya, at masaya ako dahil siya ang umagaw ng trono ko. Pakiramdam ko hinintay niya ako sa taas hanggang makarating ako at maabot ko siya." sabi ni Hades ng biglang magbago ng ilaw.

Napatingin si Elis sa staff na kumakausap sa kanya kanina.

"Madame, go." sabi ng staff sa mahinang tinig at senyas at ilang sandali pa pumailanlang ang tugtog kasabay ng pag-sasalita muli ni Hades.

"Hindi kita ihuhulog mula sa kung nasaan na ako.... Elis." malamyos na sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis saka ito nagsimulang rumampa sa entablado.

Nagsimulang rumampa si Elis kasabay ng pagpailanlang ng boses ni Hades na sumabay sa himig.

How Can I Fall by Breathe

Hades : Give me time to care

The moment's here for us to share

"Siya gumawa ng suot ni Elis? Eh tabing lang iyan." sabi ni Umiko sa grupo habang tahimik ang lahat.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now