Kabanata 5 : Pagpasok sa Palasyo

303 34 4
                                    

Kabanata 5 : Pagpasok sa Palasyo

Banner Tower

Days Later


"AJ!" sigaw ni Amon mula sa baba ng building ng gusali kung saan nakatingala naman ito at tinatawag si AJ na nagpipinta sa taas o kung nagpipinta ba ito dahil nakaupo lang naman si AJ sa beam.

"AJ!!!!!" malakas na sigaw ni Amon na halos nasa military ito na nagtatawag ng mga kasamahan para magmartsa.

"Ajjjjjjj!!!!!" malakas muli na sigaw ni Amon ng hindi pa rin siya marinig ng pinsan o..... kapatid, at kakambal nga yata dahil magkamukha sila.

Samantalang sa taas ng gusali nakatitig lang si AJ sa buwan na obra ni Luna kanina pa habang nag-iisip dahil hindi pa siya tinatawagan ni Hestia.

Sa panahon na iyon, mas lalo pang nangungulit si Elis at palagian siyang pinapadalhan ng litrato sa cellphone niya.

"Sweetheart, kahawig mo talaga siya. Mababaliw na ako, dahil kapag nakikita ko ang mga larawan na isini-send niya naaalala kita, pakiramdam o ikaw siya." sabi ni Aj na napabuntung hininga dahil malapit na niyang patusin si Elis kapag hindi siya nakapagtimpi.

"Sweetheart, sana dumating ka na. Bumalik ka na habang kaya ko pa pigilan at sana... sana ang plano ko umokey iyon ang pinapanalangin ko ngayon sa maliwanag na buwan ni Luna." sabi ni Aj habang nakatitig sa 3d na buwan sa Banner Tower na iyon.

"Aj!" sigaw ni Amon.

"Sir, may tumatawag sa inyo. Kakambal niyo yata." sabi ng isang tauhan sa ginagawang obra ni Luna.

Napakunot noo si Aj sa sinabi ng lalaki, busy kasi ang utak niya kay Hestia at sa ilang malamig na gabi na hinahanap niya ang init ng asawa.

"AJ! Ilabas mo si Katara!" sigaw pa ni Amon na ikinaikot ng mga mata ni Aj ng tumagos sa utak niya ang tinig ni Amon kaya tumingin siya sa baba ng gusali para makita ang taong, ilang taon siyang hindi pinansin mula ng magsara ang El Casa.

"Nasaan si Katara?!" sigaw ni Amon na ikinangisi ni Aj hindi dahil sa saya kundi dahil sa inis dahil sa lalaking sinisigawan siya at dahilan ng mga plano niyang naantala kabilang doon pagkorner kay Jan Carl sa pamamagitan ni Astraea.

"Binahay ko! Single ako di ba?" balik sigaw na inis na sabi ni AJ na ikinamula ng mukha sa galit ni Amon.

"Papatayin kita! Susunugin ko ang grupo mo!" sigaw ni Amon.

"Gawin mo habang nandoon si Katara at pinupulutan!" sigaw ni Aj na ikinatingin ng mga tao kay Amon at AJ.

"Arghhhhh! Nilagay mo siya doon! Ahhhhh!" sigaw ni Amon na sa unang pagkakataon wala itong pakialam kung mukha itong gago at baliw nagsisisigaw

"Masaya ka naman di ba? Ay dapat lang dahil ngayon mas malaya ka na lalo." sigaw ni Aj

"Arggghh! Anong gusto mo ibibigay ko? Ibalik mo lang si Katara!" sigaw ni Amon.


Napangisi si Aj sa sinabi ng pinsan dahil hindi niya inaasahan na magwawala ito ng ganoon at magsasabi ng bagay na hindi niya akalain dahil sakim ito. O hindi rin siya naniniwala dahil niloko din nito si Hades sa kasakiman nito kaya duda siya sa sinasabi ni Amon.

"Wala akong gusto! Akin na si Katara!" sigaw ni Aj na ikinamula sa galit ni Amon sa inis.

"Ano ka ngayon edi napikon kita. Akala mo ikaw lang ang magaling mamikon." sabi ni Aj sa isip ng makita ang mukha ni Amon.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now