Kabanata 28 : Simula ng Apoy

381 42 24
                                    

Kabanata 28 : SImula ng  Apoy


"Ang ikli ba?" tanong ni Luna kay Bronze ng makababa sila ng kotse at ngayon papasok na sa Dome.

"Okay lang naman." sabi ni Bronze na nakuha pang yumuko para siguraduhin na hindi nakikitaan si Luna. Maiksi kasi ang suot nito na naglantad sa makinis at mahabang legs ng asawa niya.

"Sure ka?" sabi ni Luna.

"Oo. At saka nandito naman ako at hindi ako papayag na makitaan ka." sabi ni Bronze na ikinangiti ni Luna sabay yakap sa asawa.

"Sana may Jollibee." birong napangiting sabi ni Luna na ikinangiti ni Bronze.


"Hahaha! Mamaya na lang katabi mo si Bee."
natawang sabi ni Bronze.

Napangiti si Luna saka nito inayos ang kurbata ni Bronze.


"Joke lang iyon dahil si Bronze pa lang sapat na."
nakangiting sabi ni Luna sabay nito hinalikan sa labi si Bronze.

Niyakap ni Bronze ang baywang ni Luna saka ito idinikit sa katawan niya at bumulong.

"May media at baka isipin nila kasal uli natin." bulong ni Bronze na ikinangiti ni Luna.

"I love you." mahinang sabi ni Luna.

"Ang sweet mo talaga." napangiting sabi ni Bronze sabay halik sa ulo ni Luna.

"Ang suwerte ko sayo kasi mabait ka." sabi ni Luna.


"Ako din naman masuwerte kasi lahat nasa sayo na."
sabi ni Bronze.

"Uy! Nagbolahan pa kayo diyan!" sigaw ng sixtuplets na ikinatingin ni Luna.

"Oh! Nasaan sila Astraea?" sabi ni Luna ng bumaba sa van ang magpipinsan kasama ng mga kapatid ni ya pero wala ang mga babae sa grupo.


"Naglakad."
sabi ni Aidan


"Hala! Kuya baka mapahamak ang mga iyon?"
sabi ni Luna.


"Mapapahamak o iyong pahamak kasama nila."
sabi ni Ezio na ikinatawa ng magpipinsang lalaki.

"Hahaha! Sinamahan na sila ng mga pahamak." natawang sabi ni Viggo.


"Sino?"
sabi ni Luna ng biglang makita ang mga pinsang babae na naglalakad habang nasa likuran ng mga ito si Borealis at Hisoki na katabi naman ni Suri

"Hi! Insan." sabi ni Lisica kay Luna ng makalapit ang mga ito sa mag-asawa.

"Uyyy! Bakit ganyan ang suot mo?" sabi ni Luna kay Lisica.

"Hahaha! Wala si father kaya puwede." sabi ni Lisica.

"Grabe! Bakt ganyan ang mga suot niyo?" sabi ni Luna dahil ang mga pinsan niya nakuha pang maglakad na tila nakahubad na.

"Ano ba iyan? Nag-asawa ka lang naging conservative ka na. Style iyan at saka fashion show ang event. Kapag pumasok tayo maglalakad pa tayo sa red carpet. Alangan naman naka-balot tayo." sabi ni Astraea na ikinangisi ni Bronze sa itsura ni Astraea dahil sa lahat ng magpipinsang babae ito ang pinakaseksing suot iyon nga lang mukha itong batang nagpipilit magdalaga.

"Pumasok na tayo" sabi ni Fayra.


"Okay na kami."
sabi ng quintuplets na nakuha pang magretouch ang mga ito.

"Mauna kayo kasi may bongga pa akong gagawin." sabi ni Astraea.


"Ano?"
sabay-sabay na sabi ng grupo.

The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETEWhere stories live. Discover now